Feel The Rain On Your Skin!
Good evening!!!
Hindi pa ako natutulog! Anong petsa na??? 10PM na! Hahahaha, paano naman 6AM pa pasok ko bukas tapos kailangan ko pang gumising nang maaga mamaya, kanina kasi muntikan na akong ma-late, buti na lang hindi pa nakakapasok ng training room yung class namin.
Kakapanood ko lang ng final episode ng Bituing Walang Ningning. Sobrang naiiyak yung mga kasama kong nanonood, lalo na si Tita Cita saka si Ate Fannie. Ang magsi-iyak at magsipag-arte ng mga cast, para silang mga theater artists lalo na si Angelika dela Cruz.
Last night, nagkita kami ni Bee. Kumain kami dun sa sobrang mahal na restaurant sa may Shangri-La. I dunno the name pero mahal talaga siya hahaha!!! After that, uminom kami ng tig-isang beer sa labas ng Shangri-La. Umulan pa nang malakas habang nakikinig kami ng mga music ni Bee sa cellphone n'ya. Ang romantic ng dating, parang scene sa isang movie hehehe!!!
Haaay grabe, fifth day na namin sa product training tapos may pasok pa rin kami hanggang bukas. Wish ko lang ay double pay since OT/OFF yun. So far, hindi ko pa masyadong naiintindihan yung mga specifics sa product training namin tulad ng mga acceptable amounts kapag nagko-collect saka yung mga finance charges and interests pero kung iko-compare ko sa PayPal, hindi siya ganoon ka-complicated dahil maniningil lang naman kami at hindi customer service ang nature ng work namin.
Sobrang saya sa training namin dahil puro mga joke ang nagaganap. Si Khaye sobrang bungisngis tapos kapag humirit na si Mel a.k.a. Ciara nakakatawa rin, lalo na kapag tinutukso na siya ni Mat a.k.a. John Lloyd! Si Kuya Ollie at Mito ay ang mga non-stop sa pagtatanong, buti pa si Kuya Ed kahit ka-age n'ya yung mga yun hindi pasaway.
Kanina, bumili ako ng pants sa Whoops, ang cute n'ya! Sobrang galing sa sales talk nung storekeeper dun. In fairness naman kasi, nagagandahan talaga ako. Wish ko lang ay bumagay s'ya dahil nung pinaputol ko, mukhang medyo bitin 'ata. Goodluck! Ala lang share ko lang. Ano pa ba? Grabe parang na last song syndrome ako dun sa "Unwritten" ni Natasha Bedingfield. Yun ang background song sa commercial ni Kris Aquino sa Pantene kaya parang nagustuhan ko na rin siya hehehe!
O sha, alis na ako at kailangan ko pang kumain. Byers!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home