Friday, October 13, 2006

Stage Fright

Kakagising ko lang at buti naman ay rest ko na rin sa wakas! Sa Sunday night pa ulit ang pasok ko. Friday the 13th pala ngayon, hmmm.

Kahapon ang birthday ng Sangko at isa yun sa mga araw na hindi ko talaga makakalimutan dahil pinag-speech ba naman ako sa stage! Ako yung naging representative naming magpipinsan para mag-greet ng happy birthday. Kagagawan lahat ng Papa ko yun eh. Ibinida pa ako para magsalita sa harap. Of course hindi lang happy birthday sasabihin ko, kailangan ko 'ring dagdagan pa ng kung anu-anong pa-effect yung greeting ko. May stage fright kaya ako! Halos nangangatog nako nung nasa harap ako, hmmmph! Buti na lang medyo mahaba-haba yung sinabi ko at nagawa ko pang magtawag ng iba pang pinsan para lang ma-overcome ko yun, hmmmmph! Tinawag ko na lang si Kenneth since siya naman 'ata ang pinaka-showbiz or pinaka-artistahin sa aming lahat, bwahahahaha!!! Haaay basta, hindi ko talaga makakalimutan yon.

Kanina naman sa work, second day na namin sa pag-handle ng calls. Kahapon, 2 hours lang kami nag-collect and unfortunately, wala akong nakolekta dahil it's either voice mail or wala sa bahay yung tinatawagan ko! Medyo matagal-tagal na ang pagtawag namin kanina and again, wala na naman akong nakolekta. Ang malas ko naman ngayong araw na 'to! Sa totoo lang, ang hirap makakuha ng right party contact, hindi tuloy ako maka-EP. Express Pay or EP yung term nila sa cheque na napa-process ng mga agent. Wala pa akong EP! Si Chow ang humataw kanina, naka-apat na EP's s'ya samantalang si Khaye naman ay tatlo. Ako wala pa along with Mel, Mat, Rye and the others. Mahirap pala maging isang collector dahil karamihan ng calls sa dialer ay walang kwenta. Nakakainis pa kanina nung nasa predictive mode na yung dialer, hindi ko man lang maramdaman kung may call na sa kabilang linya dahil wala kang maririnig na ring. Sana makarami na ako sa Sunday night para naman matuwa yung Team Manager ko! Hmmmmmph!!!!

6:35PM/Oct 13, 2006/Friday

0 Comments:

Post a Comment

<< Home