Tuesday, November 07, 2006

Ang Lakas Ng Hangin

Hallerrr!!!

Kakauwi ko lang dahil doon ako natulog kina Mommy Cath. After ng shift namin, umalis agad kami ni Bernice at nagpunta kami sa house ni Mommy Cath. Wala naman kami masyadong ginawa dahil after namin kumain, super sleep agad kaming tatlo. In fairness, ang sarap ng tulog ko kaya naman pagkagising ko, ako na lang ang nasa kama at yung dalawa ay super lafang na agad sa dining, hmmmph!!!

Kanina sa shift, sobrang tamad na tamad akong magtrabaho. Parang hindi ko talaga feel pumasok dahil bukod sa namamaos yung voice ko, hindi ko pa feel yung pwesto ko kanina. Ang hirap talagang mangolekta, isang EP lang ang nakuha ko kanina, mabuti na lang at sobrang willing magbayad yung natawagan ko, kung hindi, bokya na naman ako. So far, twice na akong nakaka-zero pagdating sa daily EP's.

Sa ngayon, meron akong isang kaibigan sa office na sobrang kinaiinisan ko na. Friends kami pero ang ayoko lang sa kanya ay sobrang yabang n'ya. Hindi lang pala ako ang nayayabangan sa kanya kung hindi karamihan sa mga ka-wave ko. Hindi naman siya masamang tao pero juice ko, kapag nagsalita na siya, talagang tatangayin ka sa sobrang lakas ng hangin, hmmmmph! Mahilig siyang magkumpara ng mga number of EP's at balances moved kahit hindi mo naman siya tinatanong. I don't care kung mayabang siya when it comes to personal matters pero kung sa trabaho lang din, hindi naman ako nagagalingan sa kanya and besides, may mga sablay siya sa paghahandle ng calls dahil minsan ko na siyang nakatabi sa floor.

FYI: Nawawala na ang pagka-crush ko kay Wil



0 Comments:

Post a Comment

<< Home