The Grudge 2
Hello po!
Na-miss ko ang pagba-blog. This will be my first post for November. Anu-ano nga ba naganap?
November 1, Wednesday, after ng shift ko, nagpunta kami ng sementeryo. It's All Saints Day. Sobrang saya ko that day dahil na-reach ko yung quota namin for the first month. $6,200 yung kailangan ko and fortunately, naka-$6,500 naman ako kaya okay na rin. Hindi ko man na-reach yung goal for incentives, hindi naman ako na-PDP. Now, going back, sobrang daming tao sa sementeryo that day lalo na dun sa puntod ng nanay ko. Last year, sobrang nahirapan kaming pumasok ng Eternal Gardens dahil sobrang dami ng sasakyan, this time, kahit nagdala kami ng sasakyan, hindi kami nahirapan dahil kaunti lang ang sasakyan at walang traffic, yun nga lang sobrang init.
Nung Friday naman, November 3, sobrang frustrated ako. Team Fantastics yung nanguna sa number of EP's, lahat ng ka-team ko ay humataw, ako lang ang hindi. Ako lang ang naka-zero that day samantalang the past few days ang ganda ng performance ko. Normally, 45 ang tinatarget namin na EP, pero this time, naka-63 yung team namin. Sobrang nakakainis lang dahil kung kelan humataw ang team, saka naman wala akong na-contribute. After ng shift, nag-inuman na kami sa Janero. Syempre, hindi nawala si TM Anne sa eksena. Hindi kumpleto ang team namin that time pero ang saya pa rin.
Kahapon naman, nanood kami ng The Grudge 2 sa Megamall kasama ang mga forumers. First time kong ma-meet yung iba, sina Len, Terence, Dennis and Camilo. Masaya naman sila kasama. Syempre kasama din sina Red, Tin and Victor. Si Jay, sumunod na lang after namin manood ng The Grudge 2. Hindi ko talaga naintindihan yung story dahil mukhang puro pananakot lang ang naganap sa movie. Tapos hindi man lang ma-explain kung bakit lahat ng tao dun na nahahawakan ng babaeng multo nawawala. Lahat 'ata ng bida dun sa movie naglaho. After namin sa Megamall, nagpunta kami ng Tiendesitas. Konting inuman and of course, kodakan. Medyo nalasing 'ata ako kaya napabili ako bigla ng pants sa isa sa mga boutique dun. After namin mag-Tiendesitas, nagpunta pa kami ng Eastwood nina Jay, Red at Terence. Kumain kami sa McDonald's tapos uwian na din. Sumama sa akin sina Red at Jay dito sa bahay. Nag-upload ng mga pictures at naglandian ang dalawa. Tinulugan ko lang sila.
Eto pa, grabe yung sinok ko. Last night 'ata siya nag-start around 9PM. Grabe, after that may time na humihinto siya pero bumabalik din. Pagkagising ko kaninang alas kwatro sinisinok ulit ako. Nawala na lang 'ata yung sinok ko after ko kumain ng lunch around 1PM. Over talaga yung sinok na yun, napakatagal. Buti na lang at nawala na siya, bwahahahaha!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home