Ayoko Ng PDP!
Magandang hapon!
Hindi pa rin ako safe sa PDP na yan dahil $600 pa ang kailangan kong mai-move na balance. Mamaya na ang last day namin para makahabol sa quota na $6,200.00. Kanina, naka-apat na EP ako pero sobrang liliit naman ng mga balances na na-move ko, puro $10 plus lahat kaya in total, $500 lang ang nai-move ko. Mamaya, aagahan ko ang pasok para mas malaki ang chance na makaabot ako sa goal namin. Wish ko lang ay maka-abot ako para hindi ako ma-PDP. Ayoko 'nun!
Nung Sunday night, na-meet namin si Victor, yung isa sa mga forumer sa Pinoycentral. May contact sila ni Tin kaya naman nakisali na rin ako. Dinaanan ko muna si Red sa kanila tapos nagpahatid kami kay JR hanggang Megastrip sa may Megamall. Well, sa totoo lang, hindi naman kami close nung Victor na yun sa forum dahil hindi kami madalas nagpapang-abot pero mukhang okay naman siya, yun nga lang, tahimik siya pero kahit paano naman ay nasasakyan n'ya ang pangha-harass namin sa kanya.
Kahapon, after ng shift namin, nagpunta kami sa burol ng lolo ni TM Anne sa La Funeraria Paz. Kasama ko sina Khaye, Wil, Ella, Marco, Poppy at Ed. Ayun, kami lang ang tao dun kaya naman hindi nagmukhang funeral home yung lugar. Para siyang naging "chikahan room".
Sa wakas ay na-terminate na rin si Red sa Teletech. Balita ko kasi matagal na siyang isinusuka ng kompanyang yun, etchoz!!! Nag-usap kami kanina bago ang shift ko, sabi n'ya, medyo naiyak daw siya although talaga namang ine-expect n'ya na matatanggal talaga siya. Goodluck na lang sa'yo Red at mag-apply ka na ulit dito sa RMH.
Well, last day na pala ng October ngayon. Wala man lang akong napuntahan na Octoberfest pero okay lang dahil this month alone, napakaraming beses ko nang nakainom ng beer. Siguro lagpas sampung bote na just for this month. Happy Halloween na lang sa lahat!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home