Sunday, November 12, 2006

A Night In Bed

It's Sunday pero parang hindi pa ako nakakapag-rest, may pasok na agad ako mamayang gabi, hmmmmph!!!

Medyo naging busy-busyhan ako this weekend. Nung Friday, after ng shift, kumain ako sa pantry kasama sina Mel and Bernice, kasama yung Team Catwoman. Hindi naman kami masyadong nagtagal dahil kinagabihan, nag-render din ako ng OT. Nung nag-OT ako, naka-EP naman ako ng isa kaya umalis din agad ako around 12 midnight.
Nung Sabado naman, umuwi ang Papa ko kasama sina Tita Ludy at Mico. Nag-grocery kami sa may SM Hypermart then after that, kumain naman kami sa may Healthy Shabu-Shabu sa taas. First time kong makakain sa shabu-shabu, in fairness, nakakabusog siya. Yung sabaw pa lang busog na ako. Ang nakakainis lang talaga, hindi ako marunong gumamit ng chopsticks, daig pa ako ni Mico.

That night din, umalis kami nina Janjay at Paul. Ang mga bruha, sobrang tagal dumating, ang usapan namin ay 7PM sa Glorietta, nakarating na sila around 8:10PM, mga pasaway! Grabe nung nakita ko si Paul, sobrang pumayat na siya. Ibang-iba na siya, hindi na siya ganoon kalapad unlike before. Xenical pala ang ginagamit n'ya, kaya naman, kung sino man ang gustong magpapayat, mag-take lang ng Xenical 3 times a day, charoz!!! Grabe, sobrang na-miss ko rin sila dahil last time na nagkita-kita kami ay nung birthday ko pa (plastikera mode, bwahahaha!!!).

Nanood kami ng The Covenant. Grabe yung mga kalalakihan sa movie, sobrang hot, kaya naman pala super aya 'tong si Janjay na yun na lang ang panoorin. In fairness din sa movie, enjoy siya panoorin. Sobrang nag-piyesta ang mga mata ni Paul sa shower room scene, etchozzzaaa!!! Sa bandang huli, medyo inantok ako dahil puro mga action scenes.

After namin sa Glorietta, nagpunta na kami ng Malate. Honestly, ayoko nang pumunta sa Malate pero siyempre, since si Paul ang nagyaya, go na rin ako. Last time na magpunta ako 'dun, kasama ko sina Paul at JR. Nung una, dun muna kami pumuwesto sa may Rainbow Project na bar. Marami din namang cute na masisilayan kaya enjoy din. After namin dun, pumunta kami sa may Pride Exchange kung saan nakita ko si Sir Dan, fresh na fresh from the States. Nagte-train na pala siya ng mga bagong agents ng TFC sa may Pacific Hub. Ang lola mo ay rumarampa at napakarami n'yang friends na kasama. Now, going back, pumunta din kami ng Bed. First time pala ni Paul na pumunta dun. As usual, siksikan talaga at mausok ang place. Nung una, parang ang boring dahil hindi man lang kami nakiki-mingle sa crowd at nasa isang tabi lang ng bar. Medyo imbyerna pa ang lola Paul dahil may kaparehas na outfit, bwahahahaha!!! In fairness, mahal naman yung outfit n'ya kaya lang ganon talaga, minsan may makakaparehas ka ng outfit kapag gumigimik. Eventually, since makulit 'tong si Janjay, nag-dance dance na rin kami. Grabe, meron pang nakikipagsayaw sa akin dun pero di ko s'ya type, hallerrrr!!! Ang daming familiar faces, nakita ko mga former schoolmates na sina Josh, Art and Clifford at si Juland, yung co-worker ko dati sa C3. Ang saya-saya grabe lalo na nung nasa bandang gitna na kami, kung anu-ano yung mga eksena nung nasa ledge. May mga nagdudukutan pa habang nagsasayaw, yewwww... charoz!!!

Uwuwi kami around 3:30 na ng madaling araw. Sobrang nag-enjoy talaga ako. O sha paalam na muna. I'm gonna sleep now, may pasok pa mamaya. Ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home