Tuesday, November 28, 2006

Go Ahead!

Hay grabe! Mukhang matira matibay ang labanan sa office ngayon dahil patayan sa overtime. Napakaraming naghahabol ngayon sa quota para hindi ma-PDP. So far, nakaka-EP na ulit ako ng magagandang account. Salamat sa mga taong nagpapalakas ng loob ko, naiiyak naman ako (sabay tulo ng luha sa kaliwang mata) etchozzzz!!! Sa Ngayon, $5,000 plus pa ang kailangan kong habulin para hindi ma-PDP. Meron pa kaming 3 days para makahabol starting tonight. Nirequire din kami ni Sir Nathan na mag-render ng 4 hour OT, mandatory kumbaga. Grabe si Sir Nathan, in fairness, hindi pwedeng matapos ang kanyang sentence nang walang salitang "go ahead". Ang dapat sa kanya, tuwing may speech siya ay may counter ng "go ahead", bwahahahahaha!!! For example: "Okay 'mam, go ahead and grab your check book while I go ahead and waive all the late fees!"

Medyo hindi nakakatuwa yung pinapagawa nila na mandatory OT dahil I'm sure, maraming ayaw mag-comply doon lalo na sa mga naka-reach na ng goal nila. Para sa aken, okay lang na may OT dahil pabor naman saken yun dahil baka swertehin pa ako. Ayoko na sanang pumasok later dahil bukod sa sinisipon ako since yesterday, may dambuhalang pimple pa ako sa left cheek ko, kainis!!! hmmmmphhh!!! (bitter mode). Wala naman akong magagawa kahit ayokong pumasok dahil naghahabol talaga ako and sa ngayon, I'm very optimistic sa mga pwedeng mangyari sa shift. "Think positive" sabi nga ni Kris sa Deal or No Deal.

Grabe na talaga ang buhay dito sa Maynila, napakahirap ng tubig! Two days na rin akong hindi naliligo noh! Sana lang ay magkaroon na ng water supply bukas, hmmmmmphhh!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home