Tuesday, November 21, 2006

My SM Credit Card

Nagpunta ako ng HTMT after ng shift ko dahil kinuha ko yung SM Credit Card ko. Credit card 'to na sa SM lang pwedeng gamitin. Para siyang credit card na ginagamit sa Walmart, Sam's Club, JC Penney, Men's Wearhouse, Casual Corner at kung anu-ano pa. Si Annie ang nag-suggest na kumuha ako nito. Actually, I don't think that I'll be needing this at all because I'm not a frequent buyer at SM. Naisip ko lang na kumuha for emergency purposes para if ever na maisipan kong bumili ng kung anu-ano, may gagamitin ako.

Syempre, nakita ko ulit yung mga former co-worker ko sa TFC. Sobrang konti na lang nila sa floor. Less than 20 na lang 'ata yung naka-log kanina. Nandun pa rin sina Mother Mya, Sir Joey, Rico, Mother Eva, Jepoy, Maynard, Faith, Monet, Mother Gigi at yung iba pa. Grabe si Lourdes, nagpa-cut ng hair! Wala lang, na-share ko lang, mukha kasi siyang Barbie nung mahaba pa ang hair n'ya. Anyways, may Christmas Party sila sa December 17 at invited ako dahil may pinapagawa silang video sa akin. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko gagawin yun dahil kailangan ng magandang presentation. It has to be better than the previous videos I've made. Walang bayad yun, iwe-waive ko na ang talent fee kaya sana lang, kung ano man ang kalabasan, maaliw sila.

Kanina sa work, sobrang frustrated na naman ako. Day by day, pababa nang pababa ang performance ko. So far, $9,000 pa lang ang total balances moved ko. Ang required sa amin para hindi ma-PDP ay $18,000. Nasa kalahati pa lang ako tapos less than 10 days na lang ang natitira para makabawi ako. Sa ngayon, marami pa rin ang nasa danger zone sa team namin. Sina Rye at Bernice ay safe na dahil hindi naman sila nawawalan ng EP per day. Eh ako, bukod sa mabababa ang nakukuha kong balances, konting EP lang ang nagagawa ko, hmmmmmph! Siguro nga I'm not meant to be a collector. Ah basta, ewan ko, gusto ko nang magtagal dito sa RMH dahil medyo malaki ang kinikita ko, kaya nga lang, ang kalaban ko naman dito ay yung personal goal every month.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home