Casino Royale
Oh my goodness!!! Kumusta naman??? It's a lazy Sunday afternoon. Walang magawa kaya naman post na lang ako sa blog.
Kahapon, umalis ako kasama ang mga forumers. Bago yun, pumunta muna dito si Red para magsabay na kami papuntang Megamall. As usual, late na naman kami, eh paano naman kasi, yung taxi na sinakyan namin, idinaan na naman kami sa kung saan-saan. Sana nag-EDSA na lang talaga kami. Twice na nangyayari 'to na laging nagmamarunong yung driver. If I know, dinadaan lang nila kami sa mga kaloob-looban na daanan para lumaki yung metro namin. Kakaasar talaga, hmmmmph!!!
Anyways, nagkita-kita kami sa Starbucks sa may Megastrip. Marami-rami din kami this time. Nandoon sina Len, Terence, Victor, Camilo, Jay, Nos, Ate B and pa-surprise din si Ahl at Jonathan a.k.a. Cutie. First time namin nakita si Cutie kaya naman medyo nakakaaliw dahil isa siya sa pinakanakakatawa at pinaka-manyak sa forum! May asawa na pala ang loko kaya naman hindi na siya masyadong nagtagal pero nag-promise naman siya na sasama siya sa mga lakad namin in the future. Si Ahl naman, hindi rin nagtagal dahil kasama n'ya yung baby n'ya. Sa December 7 na ang alis n'ya kaya I'm sure na matatagalan bago namin ulit siya makita.
After namin sa Starbucks, kumain kami sa Yellow Cab. 18 inches na New York's finest ang kinain namin kaya naman sobrang nabusog din ako. Nung naubos na yung pizza, dumating si Yeoj. Co-worker namin nina Ate B at Red si Yeoj sa TFC dati. Naging active din siya sa forum during migration period.
Pagkatapos namin sa Yellow Cab, nanood na kami ng Casino Royale. Sa totoo lang, hindi ako masyadong mahilig sa mga action movies pero this time, medyo nagustuhan ko siya. Ang ganda ng mga fight at chase scenes sa movie. Sobrang hot nung actor na si Daniel Craig. Ang gaganda rin ng mga location kaya naman hindi siya boring panoorin. Ang ayoko lang sa movie ay yung torture scene. Grabeeee, wala lang! Basta, panalo 'tong movie na 'to. It's a must see.
Habang nasa kalagitnaan ng movie, biglang nagdrop by 'tong si Tin. Kasama n'ya ang kanyang sister na si Julia. Di hamak na mas maganda si Julia compare kay Tin, charozzzz!!! Sayang at hindi siya nakasama sa amin kahapon. Ang dami n'yang na-miss, as in!
Ang pinakahuli naming pinuntahan ay ang Metrowalk. We're supposed to drink beer pero hindi na natuloy yun. Imbes na mag-inuman, kumain na lang kami ng mga frozen delight sa Iceberg. Nag-uwian na kami after sa Iceberg, hindi na natuloy ang inuman, kahit anong pilit pa ni Yeoj.
Sina Red at Jay ay tumuloy muna dito sa bahay para magpahing and of course, i-upload yung mga pictures namin that day. Nakipag-chat lang si Red kay Tin at kay Kengkay habang kaming dalawa ni Jay ay natulog nang mahimbing. Thanks nga pala kay Kengkay dahil ginawaan n'ya ako ng theme para sa Multiply. Ang ganda-ganda talaga dahil nandoon ang mga pictures ko, etchoz!!! Ang galing-galing talaga nitong si Kengkay.
Hanggang dito na lang muna dahil medyo sumasakit na ang mga daliri ko sa kaka-type. Medyo luma na 'ata 'tong keyboard ko, kailangan nang palitan. Ciao!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home