Monday, July 31, 2006

Sukob


Magandang hapon sa inyong lahat!

Sobrang recharged ang feeling ko ngayon dahil ang haba ng tulog ko. From 9PM last night until 9:30 kaninang umaga ay mahimbing ang sleep ko. Ang saya-saya! At least bawi na ako sa aking mga sleep credits.

Nandito ngayon si Red sa bahay. Dito na siya natulog after namin pumunta sa Robinson's Galleria kasama ang mga forumers.

Ano nga ba nangyari sa mga rest days ko? Nung Saturday night, nanood kami ng movie. Kasama ko sina Sir Don, Monet and Blue. Sukob yung dapat na panonoorin namin kaya lang fully booked na siya sa Eastwood Cinemas, tapos hindi naman siya palabas sa Podium and hindi na kami umabot sa Rockwell dahil 10PM siya nag-start at dumating kami 10:25PM kaya ang pinanood na lang namin ay Just My Luck ni Lindsay Lohan. We're lucky enough na naabutan pa namin ang start ng screening ng movie, kung hindi, hindi na nila kami papapasukin. Ang pretty ni Lindsay Lohan sa movie saka cute yung leading man n'ya. Cute yung story although parang imposibleng mangyari sa totoong buhay. After ng movie, pumunta kami sa Podium para mag-Starbucks. Chikahan kami nang kaunti about work at kung anu-ano pa. Then uwi na rin ng 1AM.

Yesterday, maagang tumawag si Red dahil manonood nga kami ng Sukob. Akala ko naman ay bandang hapon pa kami manonood, ayun pala, medyo maaga kaya no choice kung hindi bumangon na at magprepare. Kainis, 5 hours pa lang 'ata sleep ko, hallerrrr!!! Nagkita kami ni Red around 1:40 ng hapon sa North Station ng MRT. Nasa Galleria na pala ang mag-jowang Ate B at Nos. Tama lang ang pagpunta namin. 2:50PM ang start ng Sukob. Ang mga kasamang forumers ay sina Jay, Tin, Ate B, Nos and Ingrid a.k.a. Abuting sa forum. Grabe talaga, super tili kami sa loob ng sinehan kapag nakakagulat ang mga scenes. Sobrang nakakatakot talaga yung mga pinaggagawa ni Chito Rono and of course, super pretty si Kris Aquino. About the story, maraming loop holes pero I don't care that much since nakakatakot talaga siya. Don't you dare watch it alone. I'm sure hindi n'yo kakayanin, hehehehe. After watching Sukob, kumain na kami sa Kenny Roger's. Sobrang nabusog talaga ako. I don't know kung nabusog ako sa food na inorder ko or sa kakatawa dahil super pictorial kami doon sa loob ng restaurant.



Humabol si Onin pero it's too late. Tapos na kaming manood ng movie at kumain ng dinner. Nagpunta na lang kami sa arcade. Naglaro ng kung anu-ano at na-addict sa kaka-attempt na kuhanin yung mga stuffed toys. In fairness talaga with Tin, nakuha n'ya si Picachu.

O sha, hanggang dito na lang at ako'y maliligo pa. Pupunta kami ni Red sa C3 dahil balita ko ay may farewell party raw. Mamayang 9PM naman ang start ng Product Training namin with PayPal.

Ciao!



Saturday, July 29, 2006

Agent Sills Training Is Over

Magandang hapon!!!

It's Saturday and it's my rest day!!!

Yesterday's our final day for Agent Skills Training. Maganda naman ang naging result ng grades ng majority except for Blue, Brian Solis and Yoraya. Michie is the highest, then Jigs and the third is Chris. I thought that Chris will make it as the highest and it was a surprise when Michie got it. Sa simulation ko naman, I think that I did it well. Karamihan ng feedback ni Claire ay magaganda. Si Claire ang nag-simulate sa akin. She pretended to be a pervert old American gay man visiting Thailand for prostitution. Naging maganda ang flow ng call namin dahil kahit anong pangungulit ang ginawa n'ya sa akin, naging firm pa rin ako, hindi ako nagpadala sa customer, ako ang nag-control ng call namin. Ang galing talaga ni Claire sa pag-simulate, kahit anong character, kaya n'yang gampanan. Aside from that, wala talaga siyang mga fillers (uhhmmm..) kapag nagsasalita siya. Overall evaluation ko sa kanya is excellent! In addition to that, she's also nice, hinayaan niya kaming manood habang naghihintay sa turn namin for call simulation. Ang pinanood namin ay "To Wong Foo, Thanks For Everythng - Julie Newmar" nina Wesley Snipes and Patrick Swayze. Nakakaaliw talaga ang movie na ito, panalo!


After ng training namin, pumunta kami ni Blue sa C3 para magpa-clearance. Natapos ko na ang clearance ko at babalikan ko na lang ang aking back-pay after 2-3 weeks. Wish ko lang ay malaki ang aking makuha. Sa C3, nakita namin ni Blue si Zha. Isa siya sa hindi naka-advance sa third training day namin sa English Skills Training with Teri. Kulang siya sa requirement kaya sa Capital One na siya mapupunta.

Pag-alis namin ng C3, pumunta na kami sa Eastwood. Hinatid muna namin si Zha sa Brown Paper Bag kung saan nag-iinom na ang mga kasama namin sa training, then pumunta kami sa SITEL para kuhanin yung mga ATM namin. Grabe, ang liit lang suweldo ko ngayon. Php1,200 lang. Anyways, 3 days lang naman yun kaya okay lang.

Nang inuman na, naging ka-chika ko sina Chris at Dennis. Bonding moment kumbaga. Na-meet ko rin ang future TL namin. His name is Jake, I don't know if he's telling the truth when he said that he's only 21. Mas bata pa siya sa lahat ng trainee, how could that be possible? Well, mukhang mabait naman siya and of course, cool siya! Grabe si Blue, nalasing at nung time na uwian na, ay bigla na lang nawala.

Haaay, mamaya ay aalis ako at manonood kami ng Sukob!

Thursday, July 27, 2006

Wish Me Luck!

Haller!!! Magandang gabi po sa lahat ng avid readers ng aking column, charoz!!!

Grabe, sobrang napagod ako today. 4th day na namin sa Agent Skills Training and it means na last day na namin tomorrow sa Ortigas. Next week ay Eastwood na ang location ng product training namin. Buti naman para hindi na ako mahirapan pumasok, and in fairness, graveyard na ang shift namin kaya medyo okay na rin dahil aside from the schedule, may night differential pa!

Going back sa mga nangyari ngayon araw na ito, after ng training namin, pumunta kami ni Blue para sa clearance namin sa C3. Ang kulang ko na lang ay ang Medicard ko kaya hindi ko pa natapos ang lecheng clearance na 'yan. Bukas, babalik pa ako para i-surrender ang Medicard, then magpapa-pirma pa ako sa Recruitment Department. Nung exit interview na, sinabi ko lahat ng mga reklamo ko and syempre, hindi lang naman yun, kasama na dun yung mga good things about C3 like the environment, the events and of course yung mga friends na naiwan ko doon. Tanggalan na pala ng mga migration agent kaya I'm sure, magiging malungkot na ang ABS the following week dahil marami na naman ang mawawala, haaayyy...that's life, people come and go, etchoza!!!! (and drama ba?)

Inaantok na ako! Wish me luck tomorrow. Sana lang ay wag irate ang makuha kong tawag sa simulation. Byers!!!

Wednesday, July 26, 2006

Pirates

Maaga ako nakauwi ngayon, sumabay na ako kay Sage pauwi since siya ay nag-taxi. Thanks ulet Sage! Third day na namin ngayon for Agent Skills Training. Si Claire ang trainer namin for this day until our final simulation on Friday. Kainis nga, na-late ako kanina ng 6 minutes. Dapat pala nag-taxi na lang ako all the way, ang ginawa ko kasi, nag-bus ako from Royal, then I dropped off Cubao and took a cab. I was 6 minutes late, along with Rod. Kinausap nga kami ni Claire about this, sabi n'ya, they need to tell SITEL the reason why we came late, imbyerna!

Anyways, umuulan na naman habang tinatype ko ang blog post na ito. Wish ko lang ay hindi umulan tomorrow dahil magbi-business cashual ako. Tomorrow din ako kukuha ng clearance sa C3. Kahapon pala, pinanood ko yung "Pirates Of The Caribbean: Dead Man's Chest" DVD na binili ko sa Quiapo nung nag-aaply ako sa NBI. Nakakagulat dahil hindi pala yun ang laman ng DVD. It's true na may mga pirates, ships, treasures and even walking skeletons na ipinakita sa movie, pero yun ay may halong porn. Ang title nito ay "Pirates". Grabe, nakakagulat talaga hehehehe. Kainis, nagoyo ako sa Quiapo. Pinahiram ko pa man din sa mga pinsan ko tapos yun pala ang laman, bwahahahahaha!!! Ang moral lesson, kapag bibili ka ng pirated DVD sa Quiapo, make sure na i-test yung first part ng movie para malaman mo kung yun ba talaga ang movie na hinahanap mo, or else, porn ang mapapanood mo.

FYI. Palabas na ang SUKOB!

Tuesday, July 25, 2006

E-Commerce & Credit Cards

Suspended na naman ang klase sa buong NCR, all levels! Buti pa ang mga estudyante, may possibility na ma-suspend ang class di tulad naming mga working class, kahit bumagyo nang todo-todo, kailangan pa rin pumasok, hmmmmph! Kanina nga bago pumasok, nag-suot na ako ng business cashual pero since na-suspend ang klase, nag-decide na akong mag-rugged dahil may valid reason naman ako.

Second training day namin for Agent's Skills Training. Kanina na rin ibinigay yung module/workbook namin for this course. Ano nga ba ang meron kanina? Well, nag-discuss si Bambi about E-Commerce and credit cards. In fairness, naging active naman ako sa class. I'm no longer shy, I already have the confidence to raise my hand whenever I have any question or clarification. We discussed about different type of credit cards, identity theft, elements of e-commerce, e-payments and the likes. Medyo hindi na bago sa akin ang mga ganitong bagay dahil ang account namin sa ABS-CBNi dati ay nagha-handle din ng mga online payments, remittance at kung anu-ano pang bagay na diniscuss kanina.

We evaluated Bambi after our class. She won't be attending to us tomorrow. We'll see her again by Friday, the day of certification. Tomorrow, si Claire na ang magte-train sa amin for the second part of the module. I haven't encountered her during phone simulation. I do hope that she's nice and more approachable.

A few minutes before I write this blog post, I was speaking with Red. Pinag-usapan namin yung lakad namin sa Sunday. Manonood kami ng Sukob. Bukas na ang simula ng Sukob sa sine. Sana lang, hindi maging conflict yung panonood namin ng sine. Sunday din ang birthday ng anak ni Natalie, my friend back in college. I think na uunahin ko na lang yung birthday, then I'll just meet Red, Tin and the rest after the occasion.

Monday, July 24, 2006

The Agent Training

Maaga ako gumising kanina, around 4 ng madaling araw dahil may agent trainng ako sa Ortigas about 6 in the morning. Gumising lang ako at bumaba, and then, sinabi ko sa sarili ko na super aga pa para mag-prepare ako, kaya ang ginawa ko, natulog ulit ako. Nagising ako around 5:15AM, 45 minutes na lang ang natitira kong time kaya naman, super rush din ako. Nag-shampoo lang 'ata ako at hindi na nakapagsabon dahil ayokong ma-late dahil first day pa lang namin with agent training at ayokong magkaroon ng bad impression ang aking trainor. Nag-taxi na ako papuntang Equitable Tower para hindi ma-late, and mabuti na lang, I arrived just on time!

O sha, tama na ang explanation ko. This will be routinary until Friday. Sa New York room kami ng TeleDevelopment naka-assign at ang aming trainor ay ang napakagandang si Miss Bambi. I don't know her last name. Sa tingin ko, medyo mataray ang dating n'ya kaya mas preferred ko pa rin talaga si Teri. Well, wala naman akong magagawa dahil siya talaga ang trainor namin.

Sobrang petiks kami the whole day dahil puro phone simulation lang. Naging ka-group ko sina Steph, CJ, Rod and Gilbert. We came up with an e-commerce type of business called "CraftStart.com". Si Bambi mismo ang nag-simulate sa akin and I think that I did it well, except for lack of empathy. Sabi n'ya, I should be more apologetic and I should empathize more with the customer. Overall assessment n'ya sa akin is good, I didn't hear her say very good. Ewan ko ba kung anong grade ko dun, bukas ko malalaman.

May assignment kami for tomorrow. Kailangan kong i-research ang Paypal, E-Bay and UPS. Muntik ko na makalimutan, kanina pala ginanap ang Miss Universe, at ang winner ay ang taga-Puerto Rico. Ang pangalan n'ya ay Zuleyka Rivera Mendoza, and she's only 18 years old, sobrang bata!!! Nalaman ko rin na siya ay isang actress sa Puerto Rico. Ngayon din pala ginanap ang SONA ni PGMA. Dedma lang ako sa politics, mukhang nagpa-plastikan lang yung iba sa kanila doon, parang nakikipalakpak na lang.

I need to run now and do the research, until next time. Ciao!

Sunday, July 23, 2006

Kris Aquino Sang At ASAP '06

Grabe talaga kanina, aliw na aliw ako sa ASAP '06. Ngayon na lang ulit ata ako nakapanood ng magandang episode ng ASAP '06. Although hindi ko na nakikita si Kuh Ledesma, nagandahan naman ako sa episode kanina. Nag-debut si Sarah Geronimo, birthday din ni Claudine Barretto and aside from that, nag-guest din si Kris Aquino at kumanta siya kasama sina Claudine at ang MYMP. Kinanta ni Kris ang Love Moves In Mysterious Ways. Mukhang lipsynch lang pero okay na rin, it's not often that we see a game show host singing on a Sunday afternoon variety show. Very nice ang episode kanina. Sana laging ganyan!

Tomorrow, maaga ang pasok ko for our Agent Training under TeleDevelopment. Sa bandang Ortigas ang training namin, sa Robinson's Tower. Excited na ako for tomorrow. Sobrang aga nga, 6AM ang start ng training until 3PM.

Goodnyt!

Friday, July 21, 2006

95% For Foundation Training

I'm so glad that the foundation is already over. One reason to be happy is beacause I got 95% average for my over-all performance. The passing grade is 85%, so it means that I did it well. I'm very satisfied with my exam results as well as the mock interview. I enjoyed the mock interview a lot. Teri asked me questions like: "To you, what are the three most important topics that we have discussed?", "If SITEL would give you a chance to work in the US, will you give it a try?" and lastly is "Given all means to travel the world, what country would you like to visit?". Answering these questions are not just challenges, I also enjoy answering all of them in a more organized and structured manner.

Today's our contract signing with SITEL, so after we finish our Foundation Training, we headed to SITEL's head office in Robinson's Pioneer.

It's my off tomorrow and I am so tired now, so I guess I have all the time in the world to pay on my sleep credits. Ciao!

Wednesday, July 19, 2006

Love Is The Funniest

Just came from work!!! My eyes sore but I still managed to write this blogpost. I arrived earlier than expected. It's not that hard to travel when it's not raining.

It's my third training day with Teri. We've had so much fun and we made fun of Love. I think that she's the funniest person on our batch in the most natural way. We joked about her farting and other stuffs.

As far as I can remember, we discussed about adjectives, subject and verb agreement as well five elements of speech. Each day is enjoyable. Two more days to go and we'll receive our certificate of completion considering that we pass this course. I'm optimistic about our batch however, Mother Mitch and Zha has been dropped on the class already since they weren't able to accomplish the necessary requirements.

I just can't wait for tomorrow. Bye!

Tuesday, July 18, 2006

3 Adjectives That Describes Me Best

It's my second training day with Miss Teri. I'm one of the earliest bird to arrive thats why she gave me an "eraser" for a prize. Today, she gave us our participant's manual where all the topics that we'll discuss for the course is compiled.

The first exercise we did as far as I can remember is the spontaneous speaking exercise. With this exercise, we need to answer a certain question being shown on the projector. Unfortunately, I got the first question. The question goes like this, if my closest friend would describe me in three adjectives, what would that be? I said that I'm fun to be with, creative and mysterious. The reason I said that I'm mysterious is because my friends may know so much things about me, but there are things that I do not disclose, secrets that will be kept forever. Aside from the enjoyable exercise, we also discussed organization & structures, building confidence & assertiveness, blending, enunciation, accent neutralization and other important things.

I'm looking forward on out third training day tomorrow. I hope that it will be as enjoyable as the past two meetings.

Monday, July 17, 2006

First Day High!

Good evening!

It's my first training day with SITEL. It feels like I'm on my first day in school again. It's not actually SITEL who conducts the training but the firm called TelePerformance. The name of our facilitator is Miss Teri Gutierrez. She's so nice and she pays attention to us individually. I like the course so much and so far, I really think that it's very interesting and fun at the same time.

It's my first time to go to Makati which is work related. My feet are so tired and I'm not really familiar with the cross streets and tall buildings which surrounds the training area located in Ateneo Professional School Building. Together with Blue, we've met some nice co-trainee. As far as I can remember, the names of my co-trainees are as follows: Steph, Sage, Zha, Chris, Rod, Michelle, Mother Mitch, Love, Gilbert, Maru, Rhine, another Brian, Dennis, Vilma, Veronica and I'm so sorry to other I've forgotten. One of the nicest is Sage, she's a lesbian and she's proud to be one. She's very friendly, in fact, I'm gonna lend her my copy of Grease 1 & 2.


Our attire should be smart cashual. We are required to wear slacks and leather shoes. I hope to buy a new one as soon as I get my first salary.

Bye for now, need to wake up early tomorrow.

Sunday, July 16, 2006

28 Guests Attended My Party

Magandang gabi!

Sa wakas, natapos na rin ang birthday celebration ko at bukas ay magsisimula na ang panibagong pagsubok, etchoz!

In fairness, naging successful naman ang party ko. Medyo marami-rami din ang dumating. Let me enumerate. Si Glenda - siya ang nagluto ng spaghetti ko, si Jassey - siya naman ng nag-volunteer on the spot na gagawa ng lumpiang Shanghai na super sarap, si Daphnie - siya ang hiniraman ko ng cellphone dahil hindi gumagana ang keypad ng bulok kong cellphone, si Eds - siya ang nagplano na gagawa ng buko pandan salad pero hindi natuloy dahil tinulugan n'ya lang kami, si Lea, si Rodz, si Zach & Wella na hindi ko talaga ine-expect pero sobrang happy ako dahil nakarating sila, si Cathy na galing pa fresh from Singapore, sina Red, Tin & Jay - sila ang nagdala ng cake ko, si Mirasol - siya ang nagbigay ng 100 Wishes in A Bottle at saka yung first ever Teddy Bear ko, Si Neri - siya ang tumulong sa akin sa pag-aayos ng mga bagay bagay sa party at sa mga bisita ko, si Parnel and his girlfriend, nakalimutan ko na ang name ng girl, tinukso ko pa si Parnel kay Tin, eh sila pala nung girl, sorry hehehehehe, si Oliver and Mylene - sila ang mag-jowang forumer, si Ivy, si Tin-Tin - siya ang nagregalo sa akin ng dalawang maliliit at super cute na cakes, sina Alice at Matet na sobrang porma nang dumating, si Blue, si Maxene, si Onin na sobrang lakas maghilik, last but not the least, ang mga friends ko sa Letran, sina Janjay, Paul and Dennis, sobrang na-miss ko talaga sila dahil matagal na rin kaming magkakaibigan, kaya lang hindi nila ako pinagdala ng cake! 28 lahat ang naging guests ko, not bad at all.

Hay grabe, ngayon lang may taong nag-abala para sa birthday gift sa akin. Isa na doon si Mirasol, it's not easy to ask another 99 person to write a greeting for someone not so special like me. Maraming salamat din kay Red, Tin and Jay dahil talagang ipinalagay pa nila sa cake ang username ko sa forum na lokagirl_gatas which I got from Elaine, a friend from Letran. Thank you sa inyong lahat. Maraming salamat din kay Ate Glenda na nagluto ng Spaghetti para sa akin, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanila. Kay Neri, Jassey at Wella na sobrang asikaso sa mga bisita. Sobrang na-appreciate ko rin si Mary and Ryu na tumawag pa from Japan para lang batiin ako ng happy birthday.

Hay nako, theres so much people to thank. Yung 100 message ko ay nabasa ko na, salamat sa effort ng lahat. In fairness ang dami ko rin handa, may spaghetti, may lumpiang Shanghai, may Fried Chicken, sapin-sapin, palitaw, beer, red wine at kung anu-ano pa!!! Basta, ang saya-saya. Some of my friends from work were able to jive with my friends from Letran, kahit paano nagkulitan din sila.

Hay grabe, sobrang late na natapos ang celebration ko, around 2AM na yata. Nagsitulugan dito yung iba at dalawang kwarto ang na-occupy. 1:30 PM na nang nag-sialisan karamihan ng natulog at naiwan pa sina Jassey at Rodz dahil may hinintay pa sila. Around 3PM umalis na sila and mga 5PM nakatulog na ako. Sobrang haba ng aking tulog, around 6AM na ako nagising and that is this morning. Halos 12 hours ang aking tulog, sobrang nabawi ko ang aking sleep credits.

Tomorrow ay magsisimula na ang foundation training ko sa Makati. I need to wake up early kaya I'll say goodbye na!

By the way, ang ganda ng episode ng Sharon with Kris Aquino and Claudine Barretto.

Thursday, July 13, 2006

Celebration Na Bukas!!!

Excited na ako para bukas pero medyo kinakabahan din. I hope it will turn out to be successful. Wag sanang umulan at bumagyo and sana, makarating ang mga inimbitahan ko.

Kanina, pumunta ako ng Cubao para mamili ng mga CD's na pwede kong ipamigay sa mga may gustong mag-burn ng mga pictures and videos na ginawa ko. Bumili rin ako kanina ng pwede kong isuot tomorrow. Sobrang simple lang ang nabili ko, black polo shirt from Blue Soda. Sobrang simple talaga, pang-waiter sa Esquinita ang dating. So far, wala pang kasiguruhan kung saan ako kukuha ng pera dahil sinabi ni JR na may pasok raw siya ng 9AM tomorrow. Wish ko lang, maawa siya sa akin.

Sa ngayon, feeling ko para akong ikakasal. Medyo excited sa mga maaaring mangyari tomorrow. Bukas, maaga akong gigising dahil sasama ako sa pamamalengke ni Ate Fannie. Gusto kong maging hands on sa trabaho dahil it's my celebration. Maaga rin darating sina Glenda, Daphnie at Lea para tulungan akong magprepare ng foods.

Bye!!!

Wednesday, July 12, 2006

Police Clearance

Nag-ayos ako ng police clearance ko today, yan ang na-accomplish ko ngayon. Hindi naman pala siya mahirap gawin dahil madaling sundan ang step-by-step procedure. Just like NBI, ganoon din ang system sa pagkuha ng police clearance. Mas madali pa nga dito dahil kaunti lang ang tao kaya lang, mas mahal yata ang binayaran ko dito, Php100 for the clearance and Php50 for the digital photo. Di ba dapat kasama na yun? Ah ewan, ang gobyerno talaga, ang daming pakulo!

Tuesday, July 11, 2006

2nd Day Being 24

Pangalawang araw ito na ako'y isang ganap nang 24 years old. Ngayon din nagse-celebrate si Dude, one of my friends back in college, and si Rachelle, ang aking pinakaunang inaanak.

Palapit na nang palapit ang aking house party. Medyo excited na and kinakabahan at the same time dahil pangalawang beses ko pa lang ise-celebrate ang birthday ko with my friends dito sa bahay. Ang una ay nung nag-21 years old, then ngayong friday the 14th ang pangalawa. Sana'y maging successful and I hope magamit ko ang aking charms sa mga kaibigan ko. Sana'y maraming magdala ng food at sana ay maraming manlibre ng beer.

Kaninang umaga, tumawag dito si Blue at nagka-usap din kami ni Jeff. Confirmed na akong makakapunta siya pero may bad news, mukhang kalat na kalat na sa opisina ang aking napipintong celebration kaya goodluck talaga. Bahala na si Batman ika nga ni Janice! Kanina rin, namili ako ng mga gagamitin like disposable plastic plates and cups. Marami pa akong kulang.Wala pa akong ingredients para sa spaghetti and wala pa talaga akong menu na nakaplano. Basta ang sure na sa mga ihahanda ko ay palitaw at sapin-sapin.

Hay grabe, nagpa-derma ako kanina. Inis ako dun sa gumawa sa mukha ko, mukhang ang tagal tagal n'yang gawin para lang tumagal ang oras n'ya. Nakakainis talaga, ang mahal pa ng ibinayad ko, wish ko lang kuminis agad ang face ko para sa Friday!

Ciao!

Monday, July 10, 2006

Thanks To All

Thank you sa lahat ng naka-alala sa birthday ko! Everyone's sooo good and sooo nice to me all these years. It seems that my fate is spoiling me. Haaay basta, mula sa mga classmate ko nung highschool hanggang college. Sa mga ex-officemates at sa bagong officemate kong si Steph na nag-greet sa akin, salamat! I think that this is one of the happiest birthday I've had. I'm so blessed with good people around me. Ang daming hindi nakakalimot sa akin. To my family and friends, a big THANKS to all of you.

Sunday, July 09, 2006

It's A Small World!

Ang liit talaga ng mundo!

Yesterday nag-text sa akin ang isa sa mga bagong kakilala ko sa forum ng ABS-CBN. Her name is Renda, she's from Davao. Ka-Friendster ko rin siya. Galing siya ng Hong Kong, nag-tour ata sila dun ng family n'ya and may plano kami dati na magkikita sa SM Manila since sa Malacanang compound siya mag-stay. It didn't push through dahil medyo busy na ako. Napatunayan ko na maliit lang talaga ang mundo dahil kanina, dumalaw kami kina Lola Meding at Tita Linda sa Makati, wala si Tita Baby dahil may kasama raw na mga taga-Davao na galing sa Hong Kong. Hindi ko masyado pinansin yung sinabi nila na yun, then, nang banggitin na ni Tita Linda na nasa Malacanang si Tita Baby, dun na ako nag-speculate. Kilala kaya ni Renda yung mga kasama ni Tita Baby??? Pagkauwi namin kanina, tinawagan ko kaagad si Renda. Kinumusta ko siya at na-prove ko na si Tita Baby nga yun dahil ang sabi n'ya ay Tita Dory ang pakilala sa kanya dahil real name 'ata ni Tita Baby ay Dorothy. Haaay grabe, what a small world!

Kasama pala namin kanina si Tita Ludy, Mico at ang Lola ko, si JR ang nag-drive. After namin kumain ng bulalo kina Tita Linda, pumunta kaming Market, Market. Grabe, sobrang daming tao. Medyo napagod nga ako kaya nakatulog ako sa kotse pauwi.

Nagsimula na rin ako sa pag-contact sa mga taong iimbitahan ko sa birthday celebration ko sa Friday. Nakausap ko na si Alice and Maxene, si Mirasol naman pinipilit ko pa rin. Sana makapunta siya and I hope maging successful ang party kahit limited ang budget. For now, ang mga sure ako na pupunta ay sina Dolly, Mia, Maxene, Blue, Red, Tin, Alice, Tin-Tin and Ivy.

Ngayon ko ginawa ang video ni Red na Bituing Walang Ningning, sana matuwa siya sa ginawa ko.
Bye na po.

Saturday, July 08, 2006

Etchosa!

Magandang gabi Pilipinas!

Kaka-approve ko lang ng tatlong testimonials sa Friendster galing kay Mary, Chapz at dun sa isang hindi ko kakilala, ewan ko kung sino siya. Kakatapos lang din namin mag-usap ni Dennis. Gigimik kami later tonight, siguro around 12 midnight. May tinatapos pa raw siya. Ngayon na lang ulit kami nag-usap sa phone after how many years now. Mamaya, kasama rin namin sina Paul and Janjay. Ang mga long time friends ko na matagal ko na ring hindi nakikita.

It's July 8 today and sa July 10, tatanda na naman ako ng isang taon. I'm planning to hold the celebration on the 14th which is Friday. I've already talked with my friends Janice, Red, Dolly, Tin-Tin and Ivy. Naka-forum ko na rin sina Oliver/Nos and Vilma para maimbitahan din. Medyo excited na ako sa celebration dahil ngayon lang ako nagplano for my birthday na medyo kulang sa budget at medyo walang kasiguraduhan kung saan patungo. Mabuti na lang marami akong kaibigan na pwedeng tumulong sa akin.

Kahapon, nag-start na ako magpa-clearance sa C3 pero hindi ko muna tinapos. Kahapon ko rin nalaman na may laman pa pala ang ATM ko, meaning, I still have money to spend. Malaking tulong 'to for my upcoming celebration. Si Maxene ang nag-suggest sa akin na i-check ko pa rin and fortunately, may laman pa nga! Yesterday din ang orientation ko sa SITEL pero nakakalungkot dahil wala man lang cute! Walang inspirasyon! Hmmmmmph! Etchosssaaa!!!

Kaka-aliw talaga ang bagong expression na natutunan ko kay Tin. Yun ay ang "Etchosa!", ewan ko ba kung saan n'ya nakuha yun pero sobrang aliw talaga ako!

Thursday, July 06, 2006

'Can Do' Attitude

Magandang gabi po sa inyong lahat!

Nagising ako kanina sa ring ng phone at ang tumawag ay si Blue. Mabuti na lang at tumawag siya kung hindi, baka masyado nang late para makapag-ayos ako ng mga requirement ko sa bagong trabaho ko with SITEL. Nainis ako kanina dahil hindi ko makita yung birth certificate ko na certified ng NSO. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakikita. Sayang, 300 pesos din yun! Going back, nang magkausap kami ni Blue, nasa office siya at gusto n'ya sumama ako sa kanila. Bigla akong nakapag-isip, sayang naman ang pera kung sasama lang ako sa kanila manood ng sine, eh wala pa naman akong trabaho. Imbes na ma-tempt akong sumama sa kanila, nag-decide na lang ako na pumunta ng NBI since isa yun sa primary requirement ko sa trabaho. Naisip ko yung behavioral exam sa SITEL. May question doon, multiple choice siya, ang tanong, nagpo-possess raw ba ako ng "can do" attitude, syempre ang isinagot ko ay strongly agree. I think this attitude is very good lalo na kung i-a-apply mo siya sa araw-araw na gawain. Sa totoo lang, napakarami kong nagawa ngayon araw na ito. Nakapagpa-issue ako ng NBI clearance kahit medyo box office talaga ang pila. Nakapag-deposit din ako ng pera sa bank account ng Papa ko sa BPI sa, nagbayad ng PLDT bill at bumili na ako ng mga fixtures dito sa bahay tulad ng ballast para sa ilaw namin sa salas, mini bulb para sa refrigerator and adhesive para sa dresser ko na medyo nakakalas na. Ang galing ko noh??? Grabe, ang sarap talaga kung lagi mong ilalagay sa isip mo yang "can do" attitude na 'yan. Parang feeling ko nga, bukas marami pa akong magagawa. Kailangan kong pumunta sa SSS para kumuha ng ID and wala pa rin akong police clearance. Bukas na rin ang orientation namin sa SITEL, 6 pa ng hapon kaya sana magawa ko yung task ko nang maaga-aga.

Haaaay, sarap ng feeling! Ganito pala talaga ang buhay, hindi madali. Kailangan magtrabaho at napakahirap din pumasok ng trabaho dahil ang daming requirements na dapat mong ayusin. I'm still lucky dahil kahit wala akong work, may pera pa rin ako, hehehehe. Kanina nga nung nasa Carriedo ako, bumili ako ng limang pirated DVD's for only 150 pesos. Talagang nakipagtawaran ako dun sa mama dahil I want to spend as little as possible. Ayoko ng masyadong gastos sa ngayon dahil alam ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga taong tambay.

Speaking of tambay, 2 weeks pa akong magiging tambay dahil sa July 17 pa talaga ang start ng training ko. Tamang-tama ang binili kong DVD's, Da Vinci Code, X-Men 3, The Omen, Pirate Of The Carribean 2 and The Nun. Sa ngayon nga, masyado na talaga akong nag-e-enjoy sa mga palabas sa TV. Sobrang naging habit ko na ang manood ng TV from 6:30 PM which is Ambush Makeover, then pahinga ng kaunti or maliligo, tapos balik TV na naman kapag Kapamilya, Deal or No Deal, pagkatapos ay Bituing Walang Ningning. Ang gusto kong stylist sa Ambush Makeover ay si Anthony dahil ang cute n'ya, he very charming. Sa Deal or No Deal naman, naaaliw ako sa 26K. Yung mga babae na may hawak ng briefcase. Pretty si Meral, Diana at yung iba pa na hindi ko masyadong kilala. Natatawa naman ako kina Charmel at Angel dahil hindi talaga maganda ang rehistro ng face nila sa camera, ah ewan ko ba! Hehehehehe!!! Sa Bituing Walang Ningning naman, kanina na binitiwan ni Lavinia ang famous line na "You're nothing but a second rate, trying hard copycat" sabay buhos ng wine sa face ni Dorina. Ang ganda talaga ng mga shows na ito. Mami-miss ko 'to kapag nag-work na ako.

Another thing that keeps me busy these days ay ang forum. Ang saya ng forum dahil balik sa dati ang sigla. Ang saya kapag online ang mga friends kong sina Tin, Red, Mary and Jay. Pang-anim na lang ako sa Top 10 forumers with great number of posts. Okay lang yun since enjoy naman talaga sa Cashual Chat.

Alis na ako, I need to log on to the forum! Bye!

Tuesday, July 04, 2006

Sitel... Here I Come!

I've signed my contract with Sitel today. I applied with Blue and Mabz, unfortunately, Mabz didn't make it for phone simulation. I'm sad about it coz I was expecting the three of us to make it even until the final round. There are only three rounds for the whole day recruitment procedure of Sitel. First is the initial group interview. It was conducted by a human resource specialist, he's actually cute. We did a very cashual exchange of ideas and views about our present jobs. Next is the exam on the computer which consists of different category such as behavioral skills, customer service skills, typing skill, listening skill etc... The hardest part I suppose is the phone simulation. We're given a certain product on which we need to play as a customer service representative. I've waited for about more than two hours for my turn for this phone simulation but it's worth the wait, however, I'm still unsatisfied coz Mabz fail to pass the last challenge. Anyways, maybe its not for her. Poor Mabz, she broke up with her boyfriend and now, she failed to get a better compensating job. I'm sure she'll find her own luck one of these days. I'm excited about this new Job. We will be handling PayPal. I hope that this job would open the door for promotion and career advancement. Goodluck to Blue and I, I hope we'll pass the training.

Monday, July 03, 2006

MichaelAngelo's Message Board

Haller!!!

Good evening Philippines!

Nagfo-forum po ako sa ABS-CBN ngayon, at the same time, nagfo-forum din sa message board ng bandang MichaelAngelo. Kaya ako napasok sa forum ng MichaelAngelo is because, nang mapanood namin sila sa Esquinita, naging friendly siya sa amin. In return, we want to support him by logging in to his message board.

So far, friendly naman ang mga tao doon, pero kaunti lang ang online kadalasan, Mas enjoy pa rin talaga ang Cashual Chat sa ABS-CBN Forum.

Tomorrow na kami tutuloy ni Blue sa pag-apply sa Sitel. Kasama namin this time si Mabz. Grabe, break na si Mabz at ang long time boyfriend n'yang si Carl. Ever since na makilala ko si Mabz, silang dalawa na si Carl. Kawawa naman, nakaka-sad talaga. Mas masahol pa ata yun compare sa sakit na naramdaman ko nung nag-resign ako sa C3. Haaayyy, kailangan ko siyang i-cheer up.

Bye for now, goodluck sa aming tatlo tomorrow. Bye!

Sunday, July 02, 2006

Esquinita Part Three

Magandang gabi po sa inyong lahat!

July 2 na po ngayon. Ang bilis bilis talaga ng panahon, malapit na ang birthday ko, 8 more days to go, 24 na ako!!! Waaahhh, ang tanda ko na pala. Grabe, magbe-bente kwatro na ako this July 10 and ngayon pa nagkataon na wala akong trabaho, ang hirap pala noh???

Eto ako ngayon, pagimik-gimik na lang, isa na akong tambay talaga. Isang couch potato. Kahapon, nag-ninong ako sa anak ni Cherry. Ang name ng baby ay Maecydien. Ang hirap i-spell at ang hirap din bigkasin. Sa Navotas ginawa yung binyag at reception, sa bahay ng asawa n'ya. Grabe pala doon, mahirap ang buhay at nagbabaha pa. Sa tabi lang ng dagat sila nakatira kaya ang sarap ng hangin pero hindi naman din ganoon kalinis yung tubig na nasa dagat dahil mahahalata mo naman sa kulay. Maswerte pa rin talaga ako kahit paano.


After sa binyag, kinagabihan, gumimik naman ako sa Esquinita ulit kasama sina Tin, Eds, Blue, Onin at Jay. Nagkita-kita kami sa ABS-CBN. Grabe talaga 'to, nakita ko si Josh, yung anak ni Kris kasama yung yaya n'ya. Nakita ko naman sa Esquinita si Bambbi Fuentes, yung make-up artist ni Kris, then sa panaginip ko naman last night, si Kris naman napanag-inipan ko. Ano ba yan, puro Kris. Talagang official Kris fan na ako, hehehehe.

Going back sa Esquinita, as usual, masayang kwentuhan ang naganap. It's the third time na nagsama-sama kaming mga forumers sa Esquinita. Naka-dalawang beer ako at umorder din sila ng Tumba, yun ang specialty drink sa Lena. Lena ang name ng bar na pinuntahan namin. Hindi ko type ang lasa ng Tumba, para siyang Mindoro Sling sa Puerto Galera. Ayoko kasi ang aftertaste ng mga ganong drinks. In fairness, naging at ease agad si Blue kina Jay at Tin. Mabuti na lang at nakasama siya, at least kilala na n'ya mga friends namin sa forum. Actually, member na rin siya ng forum. Another recruit hehehe.

Additional info of the day, ngayon ay nanalo si Manny Pacquiao sa Mano-A-Mano na ginanap sa Araneta Coliseum. He won against Oscar Larios.