Tuesday, October 31, 2006

Ayoko Ng PDP!

Magandang hapon!

Hindi pa rin ako safe sa PDP na yan dahil $600 pa ang kailangan kong mai-move na balance. Mamaya na ang last day namin para makahabol sa quota na $6,200.00. Kanina, naka-apat na EP ako pero sobrang liliit naman ng mga balances na na-move ko, puro $10 plus lahat kaya in total, $500 lang ang nai-move ko. Mamaya, aagahan ko ang pasok para mas malaki ang chance na makaabot ako sa goal namin. Wish ko lang ay maka-abot ako para hindi ako ma-PDP. Ayoko 'nun!

Nung Sunday night, na-meet namin si Victor, yung isa sa mga forumer sa Pinoycentral. May contact sila ni Tin kaya naman nakisali na rin ako. Dinaanan ko muna si Red sa kanila tapos nagpahatid kami kay JR hanggang Megastrip sa may Megamall. Well, sa totoo lang, hindi naman kami close nung Victor na yun sa forum dahil hindi kami madalas nagpapang-abot pero mukhang okay naman siya, yun nga lang, tahimik siya pero kahit paano naman ay nasasakyan n'ya ang pangha-harass namin sa kanya.

Kahapon, after ng shift namin, nagpunta kami sa burol ng lolo ni TM Anne sa La Funeraria Paz. Kasama ko sina Khaye, Wil, Ella, Marco, Poppy at Ed. Ayun, kami lang ang tao dun kaya naman hindi nagmukhang funeral home yung lugar. Para siyang naging "chikahan room".

Sa wakas ay na-terminate na rin si Red sa Teletech. Balita ko kasi matagal na siyang isinusuka ng kompanyang yun, etchoz!!! Nag-usap kami kanina bago ang shift ko, sabi n'ya, medyo naiyak daw siya although talaga namang ine-expect n'ya na matatanggal talaga siya. Goodluck na lang sa'yo Red at mag-apply ka na ulit dito sa RMH.

Well, last day na pala ng October ngayon. Wala man lang akong napuntahan na Octoberfest pero okay lang dahil this month alone, napakaraming beses ko nang nakainom ng beer. Siguro lagpas sampung bote na just for this month. Happy Halloween na lang sa lahat!!!

Sunday, October 29, 2006

Halloween Party Sa RMH

Good morning!!!

Kagagaling ko lang sa Halloween Party ng RMH sa may Metro Bar. Bago ako pumunta doon, nag-render muna ako ng OT dahil kailangan ko na talagang maghabol ng balances moved at EP. Medyo sinuwerte naman ako kanina dahil kahit paano ay naka-dalawang EP ako pero hindi ganoon kalaki yung mga na-move kong balance, $300 lang siya in total. Nakakainggit yung iba kong mga ka-wave dahil bukod sa napakarami nilang EP, qualified na sila para sa incentives, eh ako naman, medyo marami nga akong EP, kaya lang, ang bababa naman ng mga namu-move kong balances kaya wala ring effect. Basta ang kailangan kong gawin ay makapag-move pa ng mga balances at least $2,000 kasi ang timano kapag hindi ko nagawa yun, baka ma-PDP pa ako. 'Di ko alam ibig sabihin ng PDP pero ito yung matatanggap ko kapag hindi ko na-reach yung goal na $6,000.00. Kahapon nga, nag-OT na ako pero wala naman akong na-EP, hmmmmph! Nakaka-frustrate talaga kahapon.

O sha, mabalik ako sa Halloween Party na 'to. In fairness, masaya din siya dahil sobrang dami ng taong pumunta. Wala masyadong nakapuntang Wave 14 sa party dahil karamihan sa kanila ay may shift at mga nagsisipag-OT. Eh since medyo may pagka-pasaway ako, umalis agad ako para makapunta sa party. Kasabay ko si Wil saka yung isang TM sa Park Avenue. Sumunod din sina Khaye, Mat & Rico. Unfortunately, mukhang hindi pinayagan sila Mel na pumunta sa party for some reasons. Enjoy naman ang party dahil may mga stand-up comedian. Andun din ang walang kupas na si Vice Ganda, lagi ko na lang siyang napapanood tuwing nagko-comedy bar ako. May mga presentation din kada account, yung sa amin lang 'ata ang wala pero nung bandang huli na, kumanta naman yung mga ka-team kong sina Che at Donnit. In fairness, magaling talaga si Donnit kaya lang isang song lang ang kinanta n'ya. Anyways, magla-log out na ako dahil gusto ko munang kumain ng pandesal! Ciao!!!

Thursday, October 26, 2006

At Last! I Saw Charmel

Good afternoon!

Kakatapos ko lang makipagchikahan kay Red sa phone, as usual, updates about our friends and forum buddies. Chinika n'ya sa akin na naka-check in pala 'tong si Tin sa isang 6 star hotel (etchoza!!!) at ini-invite pa kami kaya lang mukhang wala masyadong time sa ngayon. Bahala na sa mga darating pang araw.

Kanina sa shift, wala na si TM Anne, kahapon kasi pumasok pa s'ya. I'm not sure kung kelan ang balik 'nun. Naka-isang EP lang ako kanina at ang balances moved ko pa lang ay nasa $3,000 plus pa lang, ang kailangan namin ay $6,000 plus until the end of this month so it means na kailangan ko na talagang mag-overtime para makahabol ako sa goal. Yung ibang mga ka-wave ko na maaga ang schedule, halos lahat sila'y naka-abot na samantalang kaming nasa 2AM shift hirap na hirap maka-EP since nanggaling na sa kanilang lahat yung mga calls namin hmmmmph!
After ng shift, habang hinihintay namin ni Bernice si Mommy Cath, bigla naming nakasalubong si Charmel at Angel ng 26 K sa Deal Or No Deal. Grabe, hindi ko man lang natawag 'tong si Charmel. From the very beginning, tuwang-tuwa na ako sa babaeng 'to dahil nung una, hindi ko talaga ma-appreciate yung ganda n'ya, parehas sila ni Angel. Hindi maganda ang rehistro nila sa TV pero nung nakita ko sila kanina, magaganda naman pala pero sa totoo lang, medyo may pagka-siopao yung mukha ni Charmel. Sayang talaga at hindi ako nakapagpa-picture dahil sobrang pino-promote ko siya sa forum ng Pinoycentral, bwahahahaha!!!

Okay, enough of Charmel. After ko sa ABS-CBN, nagpunta na ako sa SM North. Bumili ako ng jeans at jacket sa Solo. Isa siyang boutique na nasa taas ng SM Hypermarket. In fairness naman, hindi siya ganoon kamahal compare sa ibang mga retail stores ngayon. Ang cute cute pa ng nabili ko. After that, nagpagupit na ako sa SM Carpark. Grabe yung naggugupit sa akin, si Len, medyo may pagka-ulyanin na 'ata, hindi na n'ya ako matandaan samantalang pang-apat na beses ko na 'atang nagpapagupit sa kanya, hallerrrr. Ayun, hindi ko na siya binigyan ng tip dahil pang-taxi ko rin yun. Bumili din ako ng mga blank CD's saka yung VCD ng Amityville Horror. Since malapit na ang Halloween, nagbibibili na ako ng mga horror movies para mapanood kapag walang magawa. I'm a big fan of horror movies. Yung mga blank CD's naman, ipagbe-burn ko si Maxene nung mga videos na ginawa ko para 'pag dinalaw ko siya sa hospital this Saturday, may gift ako sa kanya.

Tuesday, October 24, 2006

Happy Birthday Sir Don!


Good evening. Today, we celebrate the feast of Ramadan!

Kagigising ko lang at in fairness, medyo ma sarap ang sleep ko today. Pagkagising ko, nabasa ko yung text sa akin ni Monet reminding me about Sir Don's birthday. Ngayon pala yun, October 24! Binati ko agad si Sir Don through text. The best talaga 'yun in terms of handling people kaya naman napakaraming nagmamahal sa kanya. Natatandaan ko pa nung araw na nagpaalam ako sa kanya about my resignation, naiyak talaga ako dahil sa mga sinabi n'ya. Haaaayyy, nakaka-miss lang lahat lahat. Anyway, hindi ko alam kung ilang taon na talaga si Sir Don, siguro 30's na siya. Malapit na siyang mawala sa kalendaryo, bwahahahaha!!!

Kanina sa work, naka-isang EP lang ako at tagda-dalawa naman 'tong sina Bernice, Mat & Rye. Medyo na-frustrate ako dahil ine-expect ko na more than one ang EP na mapa-process ko. Ganun pala kapag medyo marami kang nako-collect the past few days, you'll be expecting more on the following days. Before pala mag-start ang shift, nagsabi sa amin si TM Anne na mawawala s'ya for a week dahil namatay yung grandfather n'ya. It means na wala kaming TM for a week. Sana lang makayanan namin 'to dahil most of the time, siya rin yung nagte-take over sa calls ng karamihan ng mga ka-team ko.

Sha nga pala, Team Fantastics ang representative ng GE Collections sa darating na Halloween Party ng RMH on October 28, Saturday. Required kaming pumunta. So far, wala akong idea kung ano ang gagawin or sinu-sino ang magpeperform. Baka mamaya malaman na rin namin. Goodluck!

Monday, October 23, 2006

Cute Si Wil!

Haller!

Sobrang antok na ako at super pagod pa dahil medyo nagpaka-busy-busyhan ako ngayon araw na ito. Nandito ako ngayon sa Eastwood dahil gusto ko nang tapusin ang clearance ko para naman makuha ko na rin ang back pay ko sa SITEL. Naabutan pa ako ng lunch break kaya 'eto ako ngayon, nandito sa internet cafe sa Cybermall. Nanggaling din ako sa Makati, after ng shift ko, nagsabay na kami ni Bernice dahil aasikasuhin din n'ya yung clearance n'ya sa former employer n'ya. May iniutos kasi sa akin ang Papa ko kaya napapunta tuloy ako sa Makati nang wala sa oras. Haaay, sana lang talaga ay matapos ko na 'to ngayon para isang beses na lang ulit ako babalik dito, hmmmmph!!!

Kanina sa shift namin, medyo sinuwerte halos karamihan sa mga ka-wave ko. Lahat kami may EP. Ako naka-lima (my highest so far), si Mat naka-tatlo, samantalang si Zem & Bernice ay dalawa and si Rye ay isa. Not bad at all dahil naging productive talaga ang Team Fantastics ngayon kaya natuwa si TM Anne. Medyo nagiging close na din kami ni Wil dahil pansin ko lang, lagi siyang sumasabay sa akin, sa lunch, sa yosi break, saka nung uwian, ininvite pa n'ya ako kumain but I declined since pupunta nga ako sa Makati. Feeling ko'y gusto n'ya akong maging friend hehehe. Cute si Wil at sobrang lakas ng appeal n'ya kahit bading-badingan ang drama n'ya, crush ko na siya! Sana lang ay maging magkaibigan kami for life.

Haaay, ano pa ba??? Wala na akong maisulat dahil nasasabaw na ang utak ko. O sha, hanggang dito na lang, pag-uwi ko mamaya, kukuha pa ako ng cedula sa baranggay, hmmmph!

Sunday, October 22, 2006

Janero

Kumusta naman???

Ka-chat ko si Maxene habang tina-type ko ang blog na 'to. Miss ko na 'to and the rest of the gang.

Nung Friday, sobrang na-feel ko ang pagka-swerte ko sa pagkuha ng EP dahil 5 minutes before mag-end ang shift, nakapag-process pa ako ng payment. $84 lang naman ang balance moved at ang amount na na-process ko pero okay lang dahil EP pa din yun. Yung mga walang EP nagsayaw!

After ng shift namin, nag-inuman na ang team namin sa Janero. Ang Janero ay isang open bar na malapit sa ABS-CBN Compound, walking distance from our work place kaya ang saya-saya! Aside from Team Fantastics, andun din ang Team Catwoman saka yung ibang Team Managers. Grabe si TM Anne, talagang inilayo ako sa mga ka-wave ko at pinaupo ako sa tabi n'ya! Katabi ko din sina Ella at Wil. Si Ella ay isang gwapong tibo at si Wil naman ay gwapong bisexual! Sobrang cool ni TM Anne, and of course, pinakilala n'ya rin kami kay TM Dada, na sobrang haliparot din! Kakaaliw siya, ang galing ng mga banat n'ya. Sobrang nakakatawa. Halos hapon na din natapos yung inuman session na yun sa Janero then after that, kumain kami ni Wil sa McDonald's at nilibre pa n'ya ako, how sweet! Kwentuhan about life and of course, todo chika siya about his ex-jowa.

O sha, may pasok pa ako laterness kaya paalam muna! Ciao!

Thursday, October 19, 2006

Thanks Tim!

Hello po!

Pang-apat na araw na namin sa floor at mukha naman talagang sinuswerte ako. Naka-tatlong EP ako today. Yung unang call, walang kahirap-hirap na nagbigay ng checking account number yung customer or debtor. Yung pangalawa naman, manual dialling ang ginawa ko, mabuti na lang at pilit na sina-suggest ng mga TM sa floor na mag-check ng other possible numbers kaya naman doon sa call na yon, hindi lang isa kung hindi dalawa yung na-post date ko na check. Actually, escalated yung call na yun dahil ang daming demands nung customer. Gusto n'ya 2 months yung iwe-waive na late fees charges, eh wala naman akong authority para gawin yon, hmmmmph! Mabuti na lang, to the rescue si Tim, isang siya sa mga quality coaches sa GE Collections. Magaling siya kaya naman nakadalawang check agad kami sa isang transaction!

Sobrang thankful talaga ako kay Tim dahil hindi siya namimili ng agent na tutulungan n'ya dahil after ng call ko, si Mat naman yung inassist n'ya. Thanks Tim!

Wednesday, October 18, 2006

One EP For My Third Day

Hallerrr!!!

Third day ko na sa floor. From three EP's kahapon, isa lang ang nakuha ko ngayon! At least meron pa rin akong na-collect kahit paano at ako ang pinaka-unang nagkaroon ng EP sa mga ka-wave ko sa schedule na 2AM-11AM. After ng nag-iisang EP ko, dalawang call back naman ang gagawin ko sa shift ko bukas at isa sa shift ko sa Linggo. Mamaya, meron ulit kaming training sa accent. Ewan ko ba kung bakit lahat ng collection agents ay pauulitin ng 2-hour accent refresher training, eh halos lahat naman ay okay yung accent.

Kanina pala, natuloy yung pag-a-apply nina Ate MeAnn, Lorie at Alice sa RMH, kaya lang, sa kasamaang palad, hindi sinuwerte sina Ate MeAnn at Alice, si Lorie lang ang nakapasa sa group interview. Hay nako, ewan ko ba d'yan sa mga recruiter sa RMH, magagaling naman yung mga ni-refer ko tapos hindi nila tatanggapin, hmmmmph!

At dahil d'yan, matutulog na ako! Alas dose pa ng hatinggabi ang pasok ko mamaya!

Tuesday, October 17, 2006

Sa Wakas, Naka-EP Na Din Ako!


Magandang hapon po!!!

I'm sooo happy today! Yesterday, nag-warning si TM Anne na magba-butt spell ang hindi makaka-EP. Sa totoo lang, nakakahiya talagang mag-but spell lalo na kung hindi mo pa kilala karamihan ng mga taong nanonood sa'yo. Kahapon din, sobrang frustrated ako dahil bukod sa napakahirap makahanap ng RPC (right party contact), napakahirap din maningil ng mga utang! Ngayon naman, hindi ako nahirapan sa paniningil dahil naka-tatlong EP (express pay) ako, meaning, tatlong mababait na debtor ang nasingil ko sa mga pagkakautang nila. Yung first two EP's ko ay walang kapagod-pagod kong nakuha, samantalang yung pangatlo, ayaw pang magbayad at kung anu-anong explanation at rebuttals pa ang pinagsasabi ko, bibigay din naman! Sa mga ka-wave ko na kasabay ko ng shift, ako ang may pinakamaraming EP, followed by Rye & Mito with 2 EP's and Bernice & Mat with 1 EP each. Yung iba, sina Alvin, Cath and Zem, hindi sila sinuwerte ngayon. Sana naman bukas swertehin kami lahat dahil sa totoo lang, iba yung feeling kapag lahat ng ka-wave mo ay may EP, mas magaan sa pakiramdam.

Maganda ang naging performance ng Team Fantastics (team where I belong) kanina. Naka-48 EP's lahat ng agent ni TM Anne. Sa tingin ko ay happy din siya sa naging result kanina dahil kami 'ata yung may pinakamaraming EP on that shift. Hindi na nga natuloy yung butt spell since kaunti lang naman yung hindi naka-EP. May isa akong ka-team na mabait, si Ron. Sumabay siya sa amin kaninang lunch, nakipagwkwentuhan siya sa amin and marami din siyang advice. Mukhang mabait siya, actually, schoolmate ko siya sa Letran at kanina ko lang na-confirm nang tanungin ko siya. Friend pala n'ya si Mam Gie na naging friend ko rin dahil siya yung adviser namin sa LMS (Letran Management Society). Kay Ron ko din nalaman na Letranista din si TM Anne. Grabe, ang daming common things sa amin ni TM Anne. She worked for C-Cubed and now I've learned that she also came from Letran. Well, sana lang ay ma-impluwensiyahan 'nun yung pag-stay ko sa company since sinabi ni TM Anne na siya yung TM na may pinakamaraming na-terminate na tao, natakot talaga ako sa statement n'ya na 'yun. Ayokong maulit yung nangyari sa PayPal with SITEL. Sa Friday, may gimik ang Fantastics sa isang bar near ABS-CBN, hindi ko lang alam kung anong name ng bar. Of course excited din akong makilala pa yung ibang team mates ko!

Haaay, miss ko na yung ibang ka-wave ko, lalung-lalo na sina Mel, Khaye, Kuku and Mother Joanne! Mamaya magkikita-kita kami dahil 8PM-2AM shift nila.

After ng work, nag-stay muna ako sa ELJ Building dahil nag-text sina Ate MeAnn sa akin, gusto nilang mag-apply doon. Kasama n'ya sina Lorie at Alice. Nag-meet kami around 12 noon. Ayaw na nila sa Orchid, yung current employer nila dahil hindi raw maganda ang management doon. Hanggang ngayon nga raw ay pala pa silang ID kahit 2 months na silang nagwo-work dun, san ka pa!? Hallerrr!!! Hindi sila nagtagal sa RMH dahil pupunta pa sila ng HTMT para kuhanin yung mga back pay nila. Marami din silang pina-refer sa akin dahil nung nag-pass sila ng resume, may referral form na pinapirmahan yung guard sa akin. Halos dalawang referral forms yung nasulatan ko. Siguro around 17 lahat yun. Basta nilagay ko sa list (aside dun sa tatlo) sina Maynard, Jepoy, Maxene, Ate Hope, Brooke, Daphnie, Glenda, Wella, Ash, Lea at kung sinu-sino pa including Red na former applicant din sa RMH. Sana man lang ay may sumipot kahit sampu lang kapag interview na. I'm thinking positive about my referrals dahil lahat naman sila ay may call center experience na, and I'm sure, kayang-kaya nila 'yan. Ang masasabi ko lang sa kanila ay "goodluck"!!!

Anyways, mukhang humahaba na ang post ko na ito. Last but definitely not the least on my list, si Tere, na friend ko sa Letran at naging co-worker ko sa C-Cubed ay niyaya akong mag-Hong Kong. Through Friendster, nag-message siya sa akin and sinabi n'ya na kailangan n'ya ng kasama. Well, ang catch sa message na yun ay, ililibre n'ya ako ng 5-10 thousand pesos, san ka pa? Ngayon lang may nag-alok sa akin ng ganito considering na hindi kami masyadong close nung college since magkaiba naman kami ng course and may kanya-kanya kaming set of friends. Well, ang kailangan ko na lang ngayon ay makahanap ng bakanteng schedule para makasama ako. Hindi pa ako pwedeng mag-leave dahil bago pa lang ako sa work pero lagi namang 2 consecutive days yung rest day namin so hopefully, mahanapan ko ng schedule yung pagsama ko kay Tere.

O sha sha, bye bye muna dahil kailangan ko na ding matulog. Ciao!

3:11PM/October 17, 2006/Tuesday

Monday, October 16, 2006

Butt Spell Ang Walang EP!

Good evening!

Kagigising ko lang at medyo mahaba-haba ang tulog ko, mukhang nababawi ko na unti-unti yung mga nawalang tulog sa akin the past few days.

Kanina yung first day ng totoong trabaho namin sa floor. Sa sobrang kamalasan ko, hindi pa rin ako nakakakuha ng EP! Anong petsa na??? Naka-limang RPC or right party contact ako kanina pero wala naman akong nasingil. Alam kong marami pang kulang pa sa mga ginagawa ko pero sana lang ay may mag-take over na supervisor sa call since hindi pa naman ako familiar sa mga strategies nila ng paniningil.

Na-meet na namin yung Team Manager namin kanina, si Anne Soliven. Pinag-butt spell pa kami sa harap ng buong team dahil hindi kami nakakuha ng EP, kainis!!! Ang mga ka-team ko na nandun sa floor kanina ay sina Rye, Mat, Bernice and Zem. Sa batch namin, si Rye lang ang naka-EP. Ang swerte n'ya at hindi na siya nag-butt spell. Yung ibang tenured agent na walang EP, nag-butt spell din. Mukhang mahigpit nga tong si TM Anne dahil nung nagpa-escalate si Rye kanina, hindi n'ya kinuha yung call, tinuruan lang n'yang mag-process ng payment through SpeedPay.

Gusto ko nang magtagal sa work na 'to dahil sobrang petiks at hindi toxic. Swertihan lang din talaga pag willing magbayad yung mga hinayupak na debtor na 'yan! I hope mamaya makakuha na ako ng EP para naman hindi na ako mag-butt spell!

Saturday, October 14, 2006

Mom's 11th Death Anniversary

This day marks my Mom's 11th Death Anniversary. Pagod-paguran ang drama namin dito sa bahay dahil sobrang aga kami ginising ng Papa then around 10AM nag-grocery na kami ni JR sa SM Hypermarket. Bumili kami ng mga isasahog sa pansit at sopas, at kung anu-ano pa. After namin sa SM, dumaan pa kami ng Munoz dahil bumili pa ako ng bulaklak saka bumili pa si JR ng sashimi sa palengke. Haaay juice ko, nakakapagod talaga, kaya naman pagdating sa bahay natulog muna ako. Ginising ako around 2PM dahil pupunta pa kami ng sementeryo para dalawin ang puntod ng aking Nanay. Nung andun na kami sa sementeryo, I was thinking, what if my mother's still alive? Will I be like this? Will our family life still be the same (of course minus the step mother)? Haaay, so many questions! Anyways, ayoko naman magdrama dahil sobrang pagod na ako. In fairness, ang dami naming bisita kanina. Dumating sina Ate Nene, Ate Deng at yung iba ko pang pinsan na kahit paano ay close ko na din. Karamihan ng dumating ay mga thunder cats na or in short, matatanda na. Syempre, sino pa bang ine-excpect mo na darating sa padasal kung hindi yung mga senior citizen. Actually, kaka-alis lang ng papa ko around 10 o'clock. Uuwi pa siya ng Bulacan kahit nakainom na, anyway kaya naman n'ya yun. O sha, byers na muna. Gusto ko nang magpahinga! Ciao!!!

Friday, October 13, 2006

Stage Fright

Kakagising ko lang at buti naman ay rest ko na rin sa wakas! Sa Sunday night pa ulit ang pasok ko. Friday the 13th pala ngayon, hmmm.

Kahapon ang birthday ng Sangko at isa yun sa mga araw na hindi ko talaga makakalimutan dahil pinag-speech ba naman ako sa stage! Ako yung naging representative naming magpipinsan para mag-greet ng happy birthday. Kagagawan lahat ng Papa ko yun eh. Ibinida pa ako para magsalita sa harap. Of course hindi lang happy birthday sasabihin ko, kailangan ko 'ring dagdagan pa ng kung anu-anong pa-effect yung greeting ko. May stage fright kaya ako! Halos nangangatog nako nung nasa harap ako, hmmmph! Buti na lang medyo mahaba-haba yung sinabi ko at nagawa ko pang magtawag ng iba pang pinsan para lang ma-overcome ko yun, hmmmmph! Tinawag ko na lang si Kenneth since siya naman 'ata ang pinaka-showbiz or pinaka-artistahin sa aming lahat, bwahahahaha!!! Haaay basta, hindi ko talaga makakalimutan yon.

Kanina naman sa work, second day na namin sa pag-handle ng calls. Kahapon, 2 hours lang kami nag-collect and unfortunately, wala akong nakolekta dahil it's either voice mail or wala sa bahay yung tinatawagan ko! Medyo matagal-tagal na ang pagtawag namin kanina and again, wala na naman akong nakolekta. Ang malas ko naman ngayong araw na 'to! Sa totoo lang, ang hirap makakuha ng right party contact, hindi tuloy ako maka-EP. Express Pay or EP yung term nila sa cheque na napa-process ng mga agent. Wala pa akong EP! Si Chow ang humataw kanina, naka-apat na EP's s'ya samantalang si Khaye naman ay tatlo. Ako wala pa along with Mel, Mat, Rye and the others. Mahirap pala maging isang collector dahil karamihan ng calls sa dialer ay walang kwenta. Nakakainis pa kanina nung nasa predictive mode na yung dialer, hindi ko man lang maramdaman kung may call na sa kabilang linya dahil wala kang maririnig na ring. Sana makarami na ako sa Sunday night para naman matuwa yung Team Manager ko! Hmmmmmph!!!!

6:35PM/Oct 13, 2006/Friday

Wednesday, October 11, 2006

I Miss Badet!

Haller!!!

Parang hindi ko rest day ngayon dahil may pasok na agad ako mamaya. 2AM-11AM ang schedule ko mamaya kaya malamang, dalawang oras lang ang magiging tulog ko. Mamaya na ang start ng trabaho namin, magsisimula na kaming maningil. Medyo kinakabahan ako dahil sa totoo lang, wala ako masyadong naa-absorb sa training. Basta ang strength ko na lang sa ngayon ay yung experience ko. Hindi pa nga ako dinadalaw ng antok kahit medyo napagod ako sa lakad ko kanina, 'wag sana akong antukin mamaya sa shift.

Kanina ko lang kinuha yung passport ko sa DFA. Medyo nakakapagod dahil sa biyahe at sobrang init kanina. Tirik na tirik yung araw nung umalis ako. After ko sa DFA, pumunta ako sa Divisoria dahil bibili sana ako ng white or red na shirt kaya lang wala akong nagustuhan. May nabili ako kaya lang hindi naman siya white, medyo may pagka-cream or off-white yung kulay ng damit. May tatak pa nga na Pepe Jeans kaya obvious na fake siya pero ang cute ng pagkakatahi n'ya kaya ko binili. Kailangan ko ng white or red para sa okasyon bukas. Birthday ng tito ko, kapatid ng nanay ko. Sa restaurant gagawin yung event, hindi ko pa alam kung saan pero nire-require na magsuot ng red or white. Ano kayang significance nun? Long life kaya? 70 years old na kasi yung tiyuhin kong 'yun, "Sangko" tawag namin sa kanya dahil siguro siya yung pangalawa sa pinakamatanda or dahil siya yung pinakamatanda sa mga lalake.

Recently, mine-message ako ni Badet sa Friendster. Isa siya sa mga close friends ko noong college sa Letran. Isa siya sa mga nagturo sa akin mag-yosi at mag-bilyar. Nasa Thailand na siya ngayon at doon na siya nagwo-work sa isang hospital. Hindi ko pa alam ang work n'ya doon dahil nung maging magka-klase kami sa Letran, Computer Management ang course namin. Eventually, nawala siya at ako naman nag-shift ng Management. Miss ko na nga siya eh, madalas kami magkwentuhan dati sa telepono. Haaayyy, salamat sa Friendster at nagkakaroon pa rin ako ng contact sa mga long lost friends ko.

O sha, sleep na ako. Goodluck na lang sa buong Wave 14 ng GE Collections! Bye!!!

Sunday, October 08, 2006

Tiendesitas

Good evening!

Sleepy nako pero bago matulog, magpo-post muna ko. Sabay nag-celebrate ng birthday si Edison at Stephanie kanina sa bahay nila sa Makati. Si Edison ay yung anak ni Tita Baby, he's celebrating his 11th birthday, si Stephanie naman na daughter ng cousin kong si Marie ay 6 years old na. Hindi ko alam kung kelan talaga mga eksaktong birthday nila, basta mahalaga, pumunta ako hehehehe. Niregaluhan ko si Steph ng Barbie na bag. Mukhang na-appreciate naman n'ya 'to samantalang si Edison naman, isang pair ng pang-basketball na damit pero mukhang hindi n'ya na-appreciate, gusto n'ya siguro laruan. Ang mga bata talaga! Hehehehe, sa susunod na magreregalo ako sa mga bata, toys na lang para matuwa sila. Hindi ako masyadong nagtagal sa birthday although gusto ko dahil nagkakaroon kami ng bonding moment ng mga pinsan kong sina Lira, Loren at Larison. Siguro next time na lang yung mga ganoong moments.

After ko sa birthday, pumunta ako sa Tiendesitas. Pinuntahan ko sina Red, Tin at Jay. Grabe, ang tagal ko nang hindi nakikita 'tong si Tin. Inakala ko pa na siya'y buntis na dahil hindi siya nagpaparamdam sa amin tuwing may lakad kami. Ang mahalaga ngayon, nakakasama na ulit namin siya. Na-miss ko talaga ang babaeng 'to! First time kong pumunta sa Tiendesitas. Nilibre pa kami ni Tin sa kalesa. Hindi ko alam kung ilang beses na ako nakakasakay ng kalesa, siguro wala pang sampu. Grabe, parang nakakakalog ng t'yan yung kalesa, parang gusto kong sumuka after namin sumakay. Sumunod sa Tiendesitas si Tyrone. Finally, nakilala na rin siya ni Red! Medyo matagal na rin siyang gustong makita ni Red. Mukhang magkakasundo naman sila hehehe.

Pagod na 'ko, may pasok pa mamaya! Ciao!

Friday, October 06, 2006

Feel The Rain On Your Skin!


Good evening!!!

Hindi pa ako natutulog! Anong petsa na??? 10PM na! Hahahaha, paano naman 6AM pa pasok ko bukas tapos kailangan ko pang gumising nang maaga mamaya, kanina kasi muntikan na akong ma-late, buti na lang hindi pa nakakapasok ng training room yung class namin.

Kakapanood ko lang ng final episode ng Bituing Walang Ningning. Sobrang naiiyak yung mga kasama kong nanonood, lalo na si Tita Cita saka si Ate Fannie. Ang magsi-iyak at magsipag-arte ng mga cast, para silang mga theater artists lalo na si Angelika dela Cruz.

Last night, nagkita kami ni Bee. Kumain kami dun sa sobrang mahal na restaurant sa may Shangri-La. I dunno the name pero mahal talaga siya hahaha!!! After that, uminom kami ng tig-isang beer sa labas ng Shangri-La. Umulan pa nang malakas habang nakikinig kami ng mga music ni Bee sa cellphone n'ya. Ang romantic ng dating, parang scene sa isang movie hehehe!!!

Haaay grabe, fifth day na namin sa product training tapos may pasok pa rin kami hanggang bukas. Wish ko lang ay double pay since OT/OFF yun. So far, hindi ko pa masyadong naiintindihan yung mga specifics sa product training namin tulad ng mga acceptable amounts kapag nagko-collect saka yung mga finance charges and interests pero kung iko-compare ko sa PayPal, hindi siya ganoon ka-complicated dahil maniningil lang naman kami at hindi customer service ang nature ng work namin.

Sobrang saya sa training namin dahil puro mga joke ang nagaganap. Si Khaye sobrang bungisngis tapos kapag humirit na si Mel a.k.a. Ciara nakakatawa rin, lalo na kapag tinutukso na siya ni Mat a.k.a. John Lloyd! Si Kuya Ollie at Mito ay ang mga non-stop sa pagtatanong, buti pa si Kuya Ed kahit ka-age n'ya yung mga yun hindi pasaway.

Kanina, bumili ako ng pants sa Whoops, ang cute n'ya! Sobrang galing sa sales talk nung storekeeper dun. In fairness naman kasi, nagagandahan talaga ako. Wish ko lang ay bumagay s'ya dahil nung pinaputol ko, mukhang medyo bitin 'ata. Goodluck! Ala lang share ko lang. Ano pa ba? Grabe parang na last song syndrome ako dun sa "Unwritten" ni Natasha Bedingfield. Yun ang background song sa commercial ni Kris Aquino sa Pantene kaya parang nagustuhan ko na rin siya hehehe!

O sha, alis na ako at kailangan ko pang kumain. Byers!

Monday, October 02, 2006

Feeling Close Kay Ella V.


Hallerrr!!! Kakagaling ko lang sa banyo at naligo ako, ang init-init naman kasi ng panahon ngayon kahit gabi na. Ginamit ko yung shampoo na binili namin ni Red sa Shopwise, yung Pantene Shine. Dati kasi, pakiramdam ko, para akong star na walang kinang (Kris mode) bwahahahaha!!!

Kanina sa product training namin, sobrang nakaka-bore! Kaye ang name nung trainer namin. Wala siya masyadong na-discuss dahil nagkaroon kami ng online exam kanina. Sobrang tagal ng oras kanina dahil karamihan ng ginawa namin ay nasa computer lahat. Napaka-kapal pa ng module na inuwi ko. As if naman lahat ng nakalagay dun ay makakabisado ko kaagad.

Hindi agad ako umuwi. Tumambay muna kami nina Mel and Kuku sa Starbucks, naghihintay kung sinu-sinong artista makikita namin. Andun sina Toni Gonzaga, JC Cuadrado, Kim Chiu and Gerald Anderson. Nakita pa nga namin si Ella V. Tinawag ko si Ella V at lumapit pa siya sa akin then hinawakan ko yung kamay n'ya. Akala nina Mel at Kuku, kilala ko talaga siya, ang hindi nila alam, medyo makapal lang ang mukha ko that time. Kinumusta ko si Ella and kinumusta rin n'ya ako, feeling close, hehehe. Parang na-adapt ko na 'ata yung guts ni Red, bwahehehehe!!!

Sunday, October 01, 2006

When It Rains, It Pours!

Hi! Good eveing! October na pala? Super miss ko na ang pagba-blog! It's like ages since I last updated my blog (pa-sosyal mode), etchoz!!!

Anu-ano nga ba ang meron sa akin ngayon? Hmmmm... ang daming bago! From Monday to Friday ay nag-train kami ng accent under Joan Peterssen, at yung assistant n'yang si Roch. Okay naman sila pero mas nagagalingan pa rin ako sa mga trainers ng TeleDevelopment. Very specific sila sa pronunciation ng mga English words and names, at mahigpit din sila sa pagi-implement ng English Only Policy. Si Joanne nga, nabigyan agad ng citation for speaking a single Tagalog word "ano", san ka pa!? Lahat kami sobrang kinabahan nung assessment day namin nung Friday. Hindi naman pala siya ganoon kahirap, after all, ang inevaulate lang naman talaga nila ay yung mga natutunan namin sa Accent Training. Highest sa call simulation sina Gia and Matt. They both have perfect score, ako naman, isang mistake lang so lumalabas, second placer ako! Bwahahahaha!!! Sobrang enjoy yung training namin lalo na kapag nagkakaasaran na. Madalas nagkakatawanan kapag si Mel na ang nasa usapan dahil bininyagan ba naman siya ni Matt as Ciara Sotto look-alike. Jim Carrey bansag nila sa akin dun, ewan ko ba kung saan napulot ni Matt yun, pati tuloy yung mga trainers uma-agree dun, hmmmmph! John Llyod Cruz naman ang binansag ko sa kanya para ka-loveteam ni Ciara Sotto, bwahahahaha!!!

Last Thursday, nagkaroon ng super typhoon, Typhoon "Milenyo" or "Xangsane" (international name). Grabe, sobrang lakas ng bagyo na yun. Nagawa pa naming mag-mall that time kahit sobrang lakas ng hangin. Yung mga poste at barricades ng MMDA ay nagsisitupian na at yung mga punong malalaki ay nagtutumbahan. Sobrang lakas talaga ng hangin. Nung napanood ko nga sa TV Patrol, may truck pa na tumumba at may pader pa na bumagsak dahil sa bagyo. Nawalan kami ng kuryente, telepono, DSL at cable, mabuti na lang hindi nawalan ng tubig, charoz!!! Super dooper sa lakas talaga, as in, pero kahit na bumabagyo, kinailangan ko pa ring pumasok sa training, grabe!!!

Nung Friday naman, nag-date kami ni Tyrone, yung fiance ko sa Multiply. Friends na rin kami dito sa Friendster. Nanood kami ng Fly Boys and kumain sa McDonald's. Well, ano nga bang masasabi ko? It's my first time to go out on a date. Wala pa akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay-bagay hehe. Nag-start siyang mag-text sa akin nung Tuesday. Sa ngayon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Mukhang naging cold na siya sa akin since hindi ako nag-rereply sa mga texts nya. It's all my fault! Waaaahhhhh!!!! Well... I'll fix it soon.


Kahapon naman, kasama ko ang mga forumers. Nanood kami ng First Day High sa Megamall. Sobrang daming people! Kasama ko sina Red, Oliver, Mylene, Isko, Onin, Jay, Blue at Jepoy. Hindi ako masyadong naaliw sa movie. Parang pang-TV lang ang story n'ya. Masyadong naging OA yung paggamit nila ng colors sa movie. Kapag red ay sporty, pag yellow ay brainy or nerdy, pag blue ay nice, pag violet ay sozy then pag black naman ay rebel. Siguro bawal magsuot ng green, brown, pink at white sa school na yun? After namin sa Megamall, nagpunta kami sa Eastwood, kami nina Red, Jay, Jepoy at Nos. Uminom kami sandali sa Jack's Loft. Habang nagchichikahan kami, biglang nag-ring yung phone ko, akala ko kung sino na, si Fesoj pala. Yung friend nila Errol at Jam from Teletech. Naku, nirereto nila sa akin yung taong yun. Sa totoo lang, confused na ako sa kahahantungan ng lovelife ko. "When it rains, it pours" sabi nga nila. Halos magkasabay pa sila ni Tyrone! Si Vada naman, yung co-trainee ko sa RMH, gusto n'ya pa akong ipakilala sa brother n'ya. Ano ba talaga??? Ngayon lang 'ata naging ka-komplikado.


Anyways, happy thoughts na lang muna. Kanina, last play na ng ABS-CBNi sa C3 dahil mawawala na ang account by January 2007. Sobrang frustrating dahil natalo sila ng Sony pero okay lang dahil makikita mo pa rin yung support ng mga ex-employees. Nakakagulat yung appearance ng iba. Nakita ko pa dun sina Abet at Kruschev! Pagdating talaga sa support, number one pa rin ang ABS-CBNi! Unfortunately , hindi na ako nakasama sa inuman nila dahil kailangan kong umuwi nang maaga dahil iba na ang shift ng training namin, from 6AM-3PM na. Bago pala ako umuwi kanina, dumaan muna kami nina Monet, Daphnie at Red sa Eastwood. Binilihan ko ng crying doll si Guada, yung anak ni Monet na inaanak ko. Medyo may pagka-maarte kasi 'tong Monet na 'to, kailangan crying doll pa, ayaw n'ya nung laughing doll, hmmmmmph!!!


O sha, alis na muna ako! Ang sakit na nga kamay ko sa kaka-type. Sana maging maayos ang lahat.