Friday, April 28, 2006

Inis Na Ako Kay Trish

Good evening!

I'm so excited na gosh!!! Punta na kami sa Puerto Galera mamaya, ah este bukas pala. Kasi naman, sobrang aga ng alis namin, mamayang 3AM, magkikita kami ni Maynard sa kanto ng del Pilar, then diretso na sa bus station papuntang Batangas Pier para magkita-kita pa ng mga ibang kasama namin na sina Lorie, Jovie, MeAnn and her boyfriend Bong.

Sobrang excited na ako at kanina lang ako nag-ayos ng mga dadalhin na damit. Kahapon, namili ako ng mga gagamitin for personal hygiene. Grabe, kanina, nagpasama ako kay Trish sa Greenhills para mamili sana ng mga pwede kong madala sa Puerto Galera. Naiinis ako sa sarili ko dahil pumayag na naman akong magpauto sa friend kong 'to. Binilihan namin yung anak n'ya ng mga damit sa Gingersnaps na umabot ng 800 pesos at ang bruha, nagpabili pa sa akin ng sandals. Medyo makapal na talaga ang face n'ya. I know it's my fault dahil kinukunsinte ko. Ewan ko na lang kung mauulit pa ito, wish ko lang hindi na. Ang nabili ko lang ay isang white 3/4 na pants na bagay pang-beach at tatlong colorful bandanas na magandang props para sa picture taking.

After namin sa Greenhills, dumiretso na ako sa office dahil gumawa pa ako ng EAR (ewan ko lang kung tama ha, pero that's how they pronounce it, hindi ko rin alam ang meaning). Gumawa na ako 'nun dahil malapit na ang katapusan ng April. Nagbayad na rin ako ng mga utang ko kay Joanna at Annjo na ginamit ko nung nagpunta kami sa Enchanted Kingdom.

Pagkatapos sa office, sumabay na ako kay Mother Ruth papuntang Cubao, bumaba siya ng Eastwood at mukhang may kikitain pa siya. Grabe, sobrang traffic talaga, nakakainis, pero in fairness, hindi ako masyadong nainip dahil sa pag-iisip ko sa Puerto Galera. Dumaan ako ng Bench at nakabili pa ako ng sleeveless na pwede kong isuot pang-swimming. Kulay blue siya at may number 87 sa harap.


Ngayong araw na ito, nalaman ko rin na namantay na pala ang mother ni Nat. Kawawa naman si Nat, siya pa naman ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Haaaay... May God bless Nat's mother!

Bye for now, kwento ko na lang kung anu-ano ang mga magaganap sa Puerto Galera. Byers!

Thursday, April 27, 2006

Nagkasugat Sa Legs Dahil Sa Shave!

Good evening po sa inyong lahat!

Medyo pagod pa ako ngayon dahil kagagaling ko lang sa SM North EDSA kasama ang half-brother kong si Mico. Lumabas kami dahil hindi na natuloy ang lakad namin ni Trish. Bukas na lang kami aalis ni Trish dahil late na siyang tumawag kanina. May sahod na, kanina pang 3PM. Nang mag-check ako kanina sa mall, hindi naman ako nabigo dahil hindi naman ganoon kaliit ang sinuweldo ko this time. Kahit paano ay acceptable pa rin dahil biruin mo, tatlong holidays 'ata ang ipinasok ko last cut-off. Going back sa lakad namin ni Mico, iniwan ko siya sa may arcade sa SM Annex, binilihan ko siya ng sampung token, tapos pumunta ako ng Watson's at bumili ng mga kakailanganin sa Puerto Galera. Bumili ako ng pouch bag, toothbrush, toothpaste, shampoo, lip balm at battery para sa digicam ko. Nang mapadaan naman ako sa Blue Soda, nagustuhan ko yung violet polo shirt nila dahil maganda yung design. Binili ko kaagad siya without thinking twice, alam n'yo naman ako, may pagka-impulsive buyer minsan. Lalung-lalo na ngayon at bagong sweldo, parang hindi alam kung saan dadalhin yung pera. Pagkatapos ko mamili, binalikan ko na si Mico. Pagkabalik ko, ubos na yung mga token na binili namin. Kumain na lang kami sa McDonald's sa may Carpark kasi mukhang gutom na rin 'tong kapatid ko. Inorder ko siya ng chicken nuggets at dalawang rice, tapos ako naman, hindi pa ako masyadong gutom kaya french fries lang kinain ko.

Kanina, sa sobrang walang magawa, pinanood ko na lang yung DVD ng Pinoy Big Brother first season. Nare-recall ko pa yung time na nakakainis sina Racquel at Chx. Speaking of Big Brother, yung Teen Edition ngayon, si Mariel Rodriguez yung nagho-host. Okay naman siyang mag-host pero mas magaling pa rin talaga si Toni Gonzaga, walang kasabit-sabit. Nung naligo ako kanina, nag-shave ako ng mga buhok sa legs ko, kainis, nagkasugat pa ako. Medyo malaki yung sugat, ang sakit!

Wednesday, April 26, 2006

Kakaaliw Ang Oompa-Loompa

Hello Philippines and hello world! It's Wednesday, my third day on leave. Wala akong ginawa kung hindi tumambay lang dito sa bahay since wala rin naman akong pera pangrampa and nandito rin yung half-brother kong si Mico. Since summer naman, sinundo ni JR si Mico kahapon sa Bulacan, mabuti naman at pumayag si Tita Ludy.

Sa ngayon, umaabot ng 9 hours ang tulog ko which is really good for me dahil sobrang dami talaga ng tulog na dapat kong bawiin. Kaninang tanghali, nanood lang ako ng dalawang DVD's. Zathura at Charlie And The Chocolate Factory ang pinanood ko. Mejo na-frustrate ako sa Zathura dahil ang akala ko, sobrang ganda ng movie na malaki ang pagkakatulad sa Jumanji. Mas maganda pa rin ang story ng Jumanji compare sa Zathura. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa Zathura at medyo kulang sa mga events and characters as what I'm expecting. Yung pangalawang DVD naman, Charlie And The Chocolate Factory, ang akala ko, mas maganda ang Zathura, mas nagka-interes pa ako sa movie na ito. Very colorful ang movie, pero aside from being colorful, may matututunan ka talaga. It's about a boy living a very simple life, his name is Charlie. Limang sinuwerteng bata ang involved sa story. Sila ang mga nakakuha ng Golden Ticket para makapag-tour sa Chocolate Factory ni Willie Wonka played by Johnny Depp. Ang focus ng story is more on giving value to your family. It doesn't matter kung ano mang wealth ang itumbas mo, mas mahalaga pa rin ang pamilya. Yun ang lesson! Aliw ako dun sa actor na pumapel sa Oompa-Loompa, si Deep Roy, ang dami n'yang role na ginampanan, kakaaliw pa yung mga production numbers nya.

Kanina rin, nanood ako ng Pinoy Big Brother Teen Edition. May mga nagugustuhan at kinaiinisan na ako sa bahay ni Kuya. Ayoko kay Olyn, parang masyado siyang ma-feeling, mabuti nga at inaway siya ni Mikki, bwahahahahaha!!! Hindi ko rin nagustuhan si Aldred, although cute siya, mukhang mahilig siyang magpapansin sa camera. Siya yung tipong iiyak na lang sa isang tabi at biglang magco-confess, conscious siya sa camera at mukhang hindi siya nagpapakatotoo. Sa mga girls naman, I like Nina, sobrang ganda n'ya, para siyang si Iya Villania. Sa mga boys naman, I like Bam and Gerald. Ang ku-cute nila. Si Bam pala ay brother ni Dimples Romana. Medyo chubby siya pero ang cute talaga n'ya. Si Gerald naman ay amboy kaya slang magsalita, hindi siya ganoon ka-papansin.


Tomorrow ay pay day na. Makakalabas na rin ako sa wakas. Baka umalis kami ni Trish bukas and mamimili na rin ako ng mga gamit na dadalhin ko sa Puerto Galera this weekend! Excited na ako!!!

Monday, April 24, 2006

Basang-Basa Sa Rio Grande

Exactly 11:59PM nang ako'y magising ngayong gabi. I'm writing this blog post and it's around 1:39AM here, April 25 but I'll just consider this one for the 24th.

Yesterday, sumama ako sa Team Building ni Mam Elena sa Enchanted Kingdom. Pangalawang punta ko na sa EK ngayong 2006. I still managed to go with them even I don't have enough money. Humiram na lang ako ng 200 pesos kay Joana and yung contribution na 500 pesos, inutang ko muna kay Annjo. Tag-hirap na talaga ako, hehehehehe. Anyways, masaya ang outing, sobrang daming kasama. Let me enumerate, of course, hindi mawawala ang team leader na si Mam Elena, kasama rin si Miss Vicky, with her son and yaya. Nandoon din ang mga QA na sina Anna and Sally, sa mga agent, nandoon sina Hope, Eugene, Blue, JM, Annjo, Karen, Bradley, Joanne (Casipit), Sheng, ang ex-ABS-CBNi agent na si Charlie, na ngayon ay nasa Ryder na, ang mga resigned agents na sina Belle, Donna and Anthony, at ang inyo pong lingkod. 20 kami lahat in total.

Ang ganda ng EK at wala masyadong tao, tamang-tama ang team building na 'yon dahil hindi ganoon katagal ang paghihintay sa pila. Hindi tulad nung last na pumunta kami, halos isang oras ang paghihintay para makasakay ng isang ride. Una kaming sumakay Flying Fiesta, yun ang pagkakatanda ko. Sumakay din kami ng Anchor's Away pero hindi ganoon kataas yung inaabot, siguro dahil sobrang init ng araw, yung Space Shuttle naman, hindi mawawala ang kaba ko, pero ngayon, hindi na ganoon kalakas yung impact sa akin dahil ang secret lang talaga doon ay ipikit ang mga mata para hindi ka matakot.



Nang magutom na kami, pumunta kami somewhere near Tagaytay area para kumain. Grabe, ang sarap ng bulalo na kinain namin. Sobrang dami talaga ng nakain ko. Aside from bulalo, may fried tilapia at crispy pata rin. Fresh na fresh ang lasa ng mga pagkain. Ang sarap!
Pagkatapos kumain, kaunting picture taking at bumalik na rin kami sa EK. Medyo padilim na that time. For me, ang pinaka unforgettable experience namin this time is yung Rio Grande. It's my first time there dahil everytime na pupunta kami doon, sobrang haba ng pila. Naka-tatlong rounds kami doon. Basang-basa talaga kami. Feel na feel ko yung tubig na pumapasok mismo sa loob ng pants at brief ko. Ang natutunan ko lang, dapat pala, kapag sasakay ng Rio Grande, may dala kang extra shirt, even underwear kailangan dahil talagang mababasa ka. Our EK Adventure wraps up with the firework display. Ang ganda ng presentation dahil along with the fireworks ay yung theme song ng Enchanted Kingdom, "The Magic Is Here!".

Nakauwi na ako ng bahay around 1:30AM. Sa sobrang pagod, pagkauwi ko, natulog na lang ako. Bagsak sa kama! I don't care anymore dahil start na ng vacation leave ko for 2 weeks. Ang sarap!

That same day na nag-EK kami ay launching naman ng Pinoy Big Brother Teen Edition. Hindi ganoon kalakas ang excitement na nafi-feel ko this season dahil mas gusto kong makita yung mga taong marami na nang naranasan sa buhay. Let's just wait and see kung ano ang kalalabasan ng show na ito. I have all the time in the world para mapanood ang show na 'to dahil naka-leave nga ako.

Sa ngayon, masasabi kong medyo nakakabawi na ako sa mga sleep credits ko dahil from 2AM to 9AM, nakatulog ako, then back to bed na naman ng 5PM 'til almost midnight. Sana, mabawi ko pa yung iba ngayong bakasyon!

Bye for now, surf muna ako!

Saturday, April 22, 2006

Maria Guadalupe & Forumers Eyeball At Esquinita

Hi everyone! How are you doing?

It's a Saturday afternoon, kakapanood ko lang ng ETK and since cheap ang issue, mag-iinternet na lang ako. Kagagaling ko lang mula sa binyag ng anak ni Monet na si Maria Guadalupe. Medyo makaluma ang name pero it sounds cool na rin. Sobrang balbon ng baby but I didn't get the chance na buhatin yung baby dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Kasama sa mga ninong at ninang sina Devlin, Jeff, Jovy, MeAnn and Tere. Kami kami lang ang naka-attend, ang mga alam kong nasa list ng mga ninongs and ninangs ay sina Oliver, Maynard, Sir Don at Miss Fanny. Nandoon din si Badet with her daughter Betina, si Sondi na boyfriend ni Jovy at Bong na boyfriend naman ni Ate MeAnn. Iba talaga ito sa mga nadaluhan kong binyag dahil sobrang bilis at sobrang bilis din sa reception although malayo yung lugar na pinag-ganapan ng event, sa Angono, Rizal pa.

Last night, isa sa pinakamahalagang event sa buong forum life ko ang naganap. Sa hindi inaasahang pagkakataon, yung mini-eyeball na iniisip ko, naging isang malaking event. Hindi ko akalain na makadalo yung mga unexpected members ng forum. Eto yung list ng mga dumating and their respective usernames: Red as Red_in_Vain, Leah as PrincessBogart, Daphney as Kaorie Marie, Janice as Piper, Eds as Sassee, Errol as Simply Nasty, Tin as Xtine, Isko as Iskolastiko, Richard as Chapz, Ava as Ava (herself), Weng as Agi, Leonard as Dranoel, Nat as Mr.Sushi, Vilma or Mylene as Burubudur, Oliver as Nitrous Oxide, Pink as Pink Petal, Ahl as Kanyamanan and of course, yours truly, Lokagirl_Gatas. Eighteen lahat ang mga forum members na nandoon. Grabe, ang saya noh? Ang daming unexpected.

Hindi na ako pumasok ng shift ko na 1:30AM-10:30AM, nagpa-advise na lang ako, sakit-sakitan kunwari. Hindi na rin pumasok ang dalawang nagpa-advise na male-late lang na sina Daphney at Leah. Nagkita-kita kami sa Starbucks sa ABS-CBN Compound, then, nung dumating na si Ahl, pumunta na kami ng Esquinita. Pagdating namin doon, sa Graffitti kami napunta, yung bar na pag-aari ni John Lapus. Nandoon si John and I feel very flaterred nung pinansin n'ya ang kagandahan ko, hehehehe. Sabi n'ya may ipapakilala raw siya sa akin, kukuhanin raw n'ya number ko at pinababalik pa n'ya ako ngayong gabi, pero siyempre, I'm doubtful about it, alam n'yo naman, showbiz yan eh. Ah basta, all I know is may appeal pa rin talaga ako kahit may mga taong nagsasabi na sobrang payat ko na raw. Anyways, ang ingay talaga dun sa table namin, talagang pinagtitinginan. Nangunguna sa kaingayan sina Red, Tin, Pink, Vilma at yung iba pang babae. Naka-dalawang beer lang ako, ayoko nang madagdagan pa ang beer belly ko na nagsisimula nang lumobo. Maraming nakakatuwang eksena, sina Daphney at Isko ang tinutukso that night. Grabe si Tin, lasing talaga siya, kung anu-ano na ang pinag-gagagawa. That night, nalaman na rin ng lahat na si Ahl ay pamilyadong tao, medyo naiyak nga si Red. Si Janice naman, umuwi na kaagad dahil mukhang kukuhanin na naman daw ng asawa n'ya yung mga anak n'ya sa kanila. Issue nga ito sa office ngayon dahil biglang nagtetext yung kapatid n'ya at hinanap siya sa office, at pati ako'y tinext din dahil kami yung magkasama pauwi. Since ayaw namin na magpa-buko, hindi ko na lang sinagot yung mga text nila sa office. Sa ngayon, nasa safe naman na kalagayan si Janice dahil nag-text na siya sa akin kaninang umaga. Nagkita rin kami ni Dennis sa Esquinita, kasama n'ya yung friend n'ya na si Earl. Sinabi ni Dennis na I still look good, sinabi pa nga n'ya na mahal n'ya na raw ako, mukhang delikado ako dun ah... ah basta. By the way, si Ahl pala ang sumagot ng lahat ng nakain at nainom namin. Ang yaman!

So, yan ang mga panibagong kaganapan sa aking buhay.

Friday, April 21, 2006

Cute Si Alex

Haller! Magandang tanghali!!!

Nandito sa house ngayon ang mga ka-officemate/ka-forum ko na sina Janice, Daphney and Leah, excited na kami para sa mini-eyeball tonight.

Kahapon pumunta ako sa Bulacan. Pinuntahan ko si Mac dahil medyo nangungulit na naman. Kahit medyo antok na ako at kaunti na lang ang pera, sige, go pa rin ako. Umalis ako dito sa bahay around 7:30 na yata ng gabi. Sumakay na lang ako sa bus terminal sa Cubao, and around 9PM, lumakad na yung bus. About 10PM na ako nakarating ng Sapang Putol. Pinabili n'ya ako ng maiiinom dahil mag-iinuman kami bago mag-sleep, hehehe.


Pagdating ko sa kanila, nagulat na lang ako dahil may kasama siyang iba, si Alex. 25 years old na 'tong si Alex na nagta-trabaho as a teacher in Pulilan, Bulacan. Nung una, hindi ko siya matignan diretso sa mata dahil nahihiya ako, ang buong akala ko, kami lang ni Mac ang tao sa bahay nila. Nang titigan ko nang mabuti si Alex, I then realized na kahawig siya ni Richard Gutierrez. Mas matangkad lang at mas mataba, pero cute ang overall appeal n'ya sa akin. In short, panalo! So, nag-inuman kami ang then nag-sleep na. Okay din ang mga naganap dahil I was able to serve Alex right, I swallowed his juice, ah basta, yun na yun. Rated PG po kasi itong blog na 'to, haller!!!



Wednesday, April 19, 2006

Bonding Moment With Gel

Hello everybody!

We've had a refresher course today with our QA's Gel and Noreen. It's a short refresher course for current promos on our products, the One-Time Free 60 Minutes for Long Distance Direct first time users and the Refer-A-Friend Promo. Together with my fellow agents, Annie, Lew, Leo and Francis, it was conducted for us to be more cautious and careful with every calls and transactions. The course somehow helped us to manifest the quality on each calls we receive per day. I'm kinda excited to work on my shift this Friday. I hope that I could apply it well.

After the training, Gel and I went to Gateway (the mall endorsed by my favorite Kris Aquino), withdrawn money from I-Bank ATM and took our lunch at Kentucky Fried Chicken located outside the mall. It was a bonding moment for us. We've shared a lot of things about our views on love life. She has her own issue in the office. Someone claims to have a long time crush on her, and it was El Cid. He's now with Ryder that's why the code of conduct is applicable no more. Gel disclosed her feelings about the situation and I think that she's confused on what she'll do if ever that she falls for Cid. For now, she loves the feeling of being liked by someone, someone's not that bad looking at all.... and possesses some sort of cuteness in some cultures. There's just one problem, Gel is totally free and no commitment at all while Cid has a girlfriend. Oh boy...I can really say that men are polygamous in nature. Goodluck on whatever decision she'll make.


I am enjoying my new hair now. After we stroll, I went to SM North EDSA to have my haircut at David's at Carpark. The name of the hairdresser is Len and she did great on my hair. I said that I wanted my hair to be semi-mohawk and she did it right. Now I know where to go whenever I wanted to have that style!

Mac keeps calling me on my mobile. He wants me to go by their house in Bulacan. I can't decide. Bye for now!

Tuesday, April 18, 2006

Friendster Ni Veron

Lumipas na naman ang isang araw ng pagiging isang call center agent sa HTMT.

Last night, 11:30PM na ako nagising. 12 midnight ang duty ko kaya hindi na ako naligo. Dedma kahit malagkit ang pakiramdam, may cologne naman ako kaya hindi nila maamoy yung pawis ko, bwahahahahahaha!!!! Muntik na akong ma-late, mabuti na lang at nakarating ako ng office around 11:58AM avaya time or eastern time. Sobrang dami ng calls kanina, nakakapanibago. The past dew days kasi, wala naman masyadong calls. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil Holy Week.

Grabe, may issue na naman sa office. May gumawa ng friendster account ni Veron. Suspect n'ya si Eugene at pati si Annie ay nakisali. I don't want to narrate everything, gusto ko lang na maaalala ko 'tong incident na 'to kapag nagba-backread na ako ng mga posts ko.

Ang sakit ng t'yan ko, dami ko kasing kinain na singkamas, hindi pa ako kumakain ng heavy meal, as in!

Monday, April 17, 2006

Team Allan's Farewell Summer Outing

Finally, nandito na rin ako sa bahay. At the comfort of my own room! Medyo malamig dahil nakabukas ang aircon at naka-inom na rin ako ng malamig na water.

Kahapon ang farewell team outing ni Papa Bear. Maaga akong pumunta ng office. 2PM ang meeting time sa office pero 10AM pa lang umalis na ako para makadaan pa ng mall. Dumaan ako sa Gateway at bumili ako ng pink na polo shirt sa Folded 'N Hung. Tamang-tama yung fit sa akin nung shirt dahil extra small yung size na binili ko. Gusto ko na ngayon ang Folded 'N Hung, yahoo!!! Nag-commute na lang ako papuntang office dahil sayang naman kung magta-taxi pa ako. Kahit super init, okay lang dahil papalitan ko rin naman yung suot ko.

Nang makarating ako sa office, hindi na ako pumunta ng station. Diretso agad sa locker area, inayos ko yung mga gamit ko then nagpalit din ako ng outfit, para talaga feel na feel ang summer. Naka-pink na top ako then torned jeans. After kong mag-ayos, nagpunta na ako sa quarters para matulog kahit sandali lang. Nagising na lang ako sa text ni Ate Glenda. Niyayaya n'ya akong kumain bago umalis, so kumain muna kami sa pantry sa taas, sa Urban Chef kung saan ang mga foods ay may mga ipis at uod, yuck! Kadiri!!!! Hehehehehe, anyways, kumain pa rin kami in the end.

Hindi lahat ng ka-team ko ay nakasama. Wala sina Polly, Jason at Jessie. Yung iba naman na nasa ibang account like Caloi, Edward and others, hindi na rin nakasama. Si Hernz naman na nasa Ryder (international account) na ngayon ay nakasama, buti pa siya. Sa mga ka-team ko, nakasama sina Azenith, Glenda, Joy, Nat.... sino pa ba??? Yun lang ata. Grabe, anim lang pala kami from original team. Kasama rin si Mother Maya, with her family, si Ate Noreen with her daughter, sina Gel, Maxene, Jeff, Renan, Karen at Anthony.

Around 2:30PM, nauna na ang van ni Anthony sakay sina Hernz at Nat, then yung sasakyan ni Mother Maya kasama yung family n'ya at si Maxene. Naiwan kami dahil hinihintay pa namin si Joy. Grabe, sabi n'ya 5 minutes na lang daw, then mabuti na lang, after 30 minutes dumating din siya. Naging lokohan tuloy yung 5 minutes n'ya all throughout ng outing, bwahahahahahaha!!!

Pabilisin na natin ang kwento. Hindi naman pala ganoon kalayo yung place. Sa Pansol, Laguna kami pumunta. About an hour and 30 minutes lang from Libis, not bad. Nang makarating na kami sa place, naghanap agad kami ng kwarto. Sobrang luwag ng place dahil kami lang ang nandoon. Para siyang semi-private na resort, ang name ay Villa Navarro. Hindi ganoon ka-impressive yung dating ng place pero masaya na rin dahil katabi lang mismo ng cabin yung pool at yung kitchen saka mezzanine. May kasama pang videoke kaya tuwang-tuwa ang lola Jepoy at lola Renan!

Hindi kami agad nakapag-swimming dahil pinupuno pa ng water ang pool. Namili muna kami ng mga iinumin at iluluto sa labas. Nakakapagod palang mamili at magbuhat ng mga pinamili. Biruin mo, ilang bote ng 1.5 na coke, at halos tatlong dosenang bote ng beer ang pinamili namin. Mabuti na lang marami ang sumama, kung hindi, patay-patay na! Pagdating sa resort, nagluto na at kumain na rin kami. Ang sarap ng mga kinain namin. May grilled porkchop, inihaw ng tilapia at sinigang na bangus. Sobrang nasarapan ako sa sinigang na bangus. Puro gulay ang kinain ko. Kangkong at sitaw ang pinagpapapak ko imbes na porkchop. Feeling ko tuloy, ngayon lang ulit ako nakakain ng masarap na sinigang.

After kumain, nag-swimming na rin. Ang sarap mag-swimming, hotspring yung water! Tamang-tama para kay Papa Bear at Ate Joy, nyahahahahaha!!!! After mag-swim, kaunting inom then picture taking syempre. Yung isang picture nga nakakatakot dahil may parang formation ng smoke na nabuo sa tabi ni Ate Glenda. Maraming nagyoyosi pero saan kaya nanggaling yung usok na yun, eh mejo malayo naman yung mga nagyoyosi kay Ate Glenda. Uminom lang ako nang kaunti then umakyat kami ni Ate Glenda, kwentuhan nang kaunti about her lovelife, then pareho kaming nakatulog, sobrang pagod kasi eh.

Nagising ako at hinihila na lang ako nina Maxene at Renan, nakakainis hmmmph! Itsorbo sa tulog, hehehe. Anyways, nung pagkagising ko, kumain lang ako ng kaunting chips then inom na agad. Nung medyo tinatamaan na ako, kumakanta na rin ako sa videoke. Ganon ako, kapag medyo lasing, nagkaka-guts na kumanta sa videoke, doesn't matter kahit mataas yung kakantahin. Inabot kami hanggang 4:50AM sa pagkanta, kaming dalawa ni Ate Glenda ang natira. Umakyat na kami nung pinuntahan kami ng caretaker at sinabihan kami na hinaan yung videoke, hmmmmph!

Kinaumagahan, si Renan naman ang gumising sa akin. Around 9AM na yata yun. Kumain ako then nag-swimming. Sarap din mag-swim, kailangan kong magpapawis sa tubig dahil apat naboteng beer ang naubos ko last night. Pampalaki rin ng t'yan yun kahit sabihin natin na SanMig Light pa siya. About 11AM, umahon na ako, then nagbanlaw. Pumunta kami sa mga taas kung saan overlooking ang Laguna Lake and of course, kita rin namin yung Mount Makiling saka yung mga resorts sa paligid ng lugar. Grabe, nakakalula siya.

Umalis kami ng 1PM. Sobrang uhaw na uhaw ako sa biyahe. Bumaba kami sa HTMT then sumabay na kami kay Mother Maya and bumaba kami ng SM North. Bumili agad ako ng maiinom sa Quickly dahil sobrang uhaw ako.In fairness, masarap naman yung nabili kong mango shake. Mamaya, may pasok na ako, kailangan ko nang matulog ngayon dahil baka ma-late na naman ako. Byers!

Sunday, April 16, 2006

Excited Na For Pansol!

Happy Easter!!! Ang aga ko nagising, 4AM pa lang gising na ako dahil narinig ko yung tunog ng kampana.

Excited na ako! Paalis na ako ng house para pumunta sa office. Around 2:00PM ang meeting time. I'll be leaving with my cousin Opalyn, sabay kami magba-bus. Cubao ako bababa then siya naman sa Ortigas. Buy muna ako ng pink polo shirt sa Folded 'N Hung. Bye!

Saturday, April 15, 2006

Naudlot Na Enchanted Kingdom

Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi kami natuloy nina Janjay at Jay-Ar sa Enchanted Kingdom.

Kahapon, habang ako'y mahimbing na natutulog, ginising ako ni Ate Fanny dahil may naghihintay raw akong mga bisita sa baba. Dalawang lalake raw, mga kaibigan ko raw. Sa totoo lang, nasa isip ko na yung dalawa. Pagkababa ko, sila nga! Hay nako, ang mga bakla, hindi 'ata mapakali sa kani-kanilang mga bahay. Ayun, at hindi napigilan ang mga sarili, pumunta sila dito sa bahay ng walang sabi-sabi. Anyways, umalis kami ng bahay around 7:30pm then dumiretso na kami sa Eastwood. Unfortunately, since Good Friday, walang bukas na ibang restaurant sa Eastwood except for McDonald's. After that, nagpunta kami sa Starbuck's at nag-chikahan with Vanilla Frap. Aalis na si Jay-Ar this monday, April 17. Pupunta na siya ng Japan. Kasama n'ya ang ate n'ya dun kaya hindi siya mahihirapang makapunta at makahanap ng work doon. Ako kaya? Malapit na rin ba akong umalis? Ah, ewan, basta pag pinayagan ako sa leave, mag-aayos na ako ng mga papeles. Pagkatapos namin mag-Starbucks, hinatid na nila ako sa office. Konting chikahan at yosi, pumasok na rin ako at umuwi na rin sila. Ngayon, nagte-text na naman si Jay-Ar, last gimik na raw. Ewan ko kung makakasama pa ako since gusto ko sanang mag-tipid ng pera, pero gusto ko rin sumama para mahingi ko sa kanya yung pants na bigay sa kanya ni Janjay, yung suot n'ya kahapon, ang cute kasi eh! Bahala na, I'll keep you updated later.

Moving on, tomorrow na ang team building namin. Excited na ako! Namili ako ng mga gagamitin ko tomorrow. Bumili na ako ng pink na shades at purple polo shirt from Folded 'n Hung, flip flops and summer cologne sa Bench at bukas, I'm still planning to buy something na pwedeng maidala ko sa Laguna. Ang mga confirmed na sasama ay sina Papa Bear (of course, siya ang team leader namin), si Mother Maya, Ate Noreen, Gel, Maxene, Azenith, Jeff, Nat, Glenda, Anthony Tejuco na kahit resign na ay hindi pa rin nawawala sa mga gimik, si Karen... sino pa nga ba? Sila lang ang mga alam ko. Hay bahala na, I'll just keep you updated na rin about this one. Bye for now!

Friday, April 14, 2006

Biyernes Santo

It's April 14, Good Friday.

Walang katawag-tawag kanina. Naka-nineteen calls lang ako kanina, san ka pa? Ang sarap ng shift namin kanina. Sabi nila, kapag raw mahal na araw, bawal kumain ng karne, bawal magsaya at bawal maligo. Bakit kaya? Ewan ko ba? Yun na kasi ang naksanayan since bata pa ako, pero ngayon, hindi ko na siya ino-observe. Sa totoo lang, once in a blue moon lang ako mag-simba. Hindi ako religious na tao, I know there's God pero I admit na hindi ganoon kalakas ang faith ko sa Kanya, but I know that He's just up there watching me in every moves I make.

Magkausap kami ni Dolly kanina sa phone. Wala lang, chikahan tulad ng dati. Na-miss ko talaga siya pero kapag naman kasama ko siya mukhang hindi ko siya masyado napapansin. It's true na minsan, you take some people around you for granted. Hindi na siya pwedeng sumama sa team building namin this Sunday dahil mukhang ayaw pumayag ni Papa Bear at sa Sunday din kasi yung 7th birthday ng anak ni Monet kung saan invited rin si Dolly. Baka mabuking pa siya at baka magalit pa si Monet, bwahahahahaha!!!! Bukas, hindi pa ako sure kung matutuloy kami dahil hindi pa naman ako ina-update nina Janjay at Jay-Ar kung tutuloy nga kami sa Enchanted Kingdom. Hindi rin naman kami sure kung bukas nga yun tomorrow, although alam ko na bukas na ang showing ng movie ni Sandara, yung D' Lucky Ones. I will watch this movie for sure!

Thursday, April 13, 2006

Today Is Maundy Thursday

Sobrang init talaga ng araw kapag Holy Week, halos matuyo ang lupa at mga dahon ng halaman sa garden namin. Halos walang mga tawag kanina sa work kaya medyo okay din ang shift ko. Plus, andoon din ang new found friend ko na si Mirasol to cheer me up.

Pag-uwi ko, wala halos sasakyan sa daan. Sa EDSA lang medyo bumagal ang sasakyan dahil sobrang dami ng tao ang nag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsiya for the long weekend. Ang sarap mag-beach ngayon kaya lang, wala naman akong pera to afford Boracay. Kanina tumawag si Dolly, sinabi niya na hindi na siya makakasama sa birthday ng anak ni Monet, and sa bunyag na lang ng anak ni Monet kami magkikita since pareho naman kaming sponsor (Ninong/Ninang). Gusto ko sanang isama si Dolly sa team building namin nina Papa Bear sa Laguna, pero I need an approval from Papa Bear of course. After tumawag ni Dolly, sumunod naman si Tita Ludy. Nangumusta lang siya at tinanong n'ya kung tumawag na raw ba ang Papa ko. Sa totoo lang, matagal ko nang hindi nakakausap ang Papa ko. Siguro dahil hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kanya. Na-trauma na ata ako. Ayoko na siyang makaharap, natatakot na ako. Grabe, medyo marami talaga ang tumawag sa akin ngayon araw na ito dahil pagkatapos namin mag-usap ni Tita Ludy, wala pang five minutes, tumawag naman sina Janjay at Jay-Ar. Nag-three way conference call kami. Hindi na kami tuloy sa Puerto Galera. Sa Enchanted Kingdom na lang kami pupunta. Yehey!!!! At least makakapagtipid ako sa gastos.

Wednesday, April 12, 2006

Pink & Brown Flowery Summer Shirt

Good afternoon! Today is Holy Wednesday. Kakapanood ko lang ng Pilipinas, Game Ka Na Ba?, si Bianca Gonzales pa rin ang may-ari ng medal. Ang ganda pa rin ni Kris. Actually, sa EDSA, magkatabi yung billboard ni Kris for Bench at Bianca for Pink Soda. Mas maganda pa rin si Kris. Before si Borgy Manotoc ang nakalagay na billboard yun. Ang galing noh, Marcos and Aquino, magkatapat ng billboard. Sa ngayon, may issue na naman si Kris. Binunyag na ni Ricky Lo sa kanyang column sa isang broadsheet na kasal na nga officially sina Kris Aquino at James Yap. It was last year, July 10, birthday ko pa! Ang galing noh. Sana nga maging happy na ang idol ko and I hope na mapanood ko sa TV yung magiging wedding special nila if ever na matuloy ang chruch wedding.

Ano nga ba nangyari ngayon??? Suweldo na ngayon, and kanina, gumawa ako ng budget for my salary. Grabe, puro sa luho ko yata mapupunta ang pera. Nilulubos-lubos ko na dahil nafi-feel ko na ang nalalapit kong pag-alis (kahit wala pa ako masyadong naaayos). Part ng budget ang mga gagastusin ko sa mga outings, gimiks, clothes, accessories and allowance sa pagpasok sa work. Kanina, dumaan ako sa People Are People, tumingin ako ng pants. Medyo mahal, about Php1,400. Tapos tumingin naman ako sa Oxygen. May nagustuhan ako na polo. Flowery siya, pink and brown yung color. Perfect this summer! Ang cute cute talaga! Excited na akong isuot pero di ko pa alam kung saan ko isusuot yun. Basta one of these days, maisusuot ko rin yun.

May bago na naman ako friends sa account namin, si Mirasol. Ayokong sabihin ang dahilan why I like her so much. Nakakatuwa kasi siya, masarap kausap at marunong ring makisakay sa mga jokes. Basta, I want to be her friend forever! Nakakatuwa siya!

Monday, April 10, 2006

Mga Forumers Sa Enchanted

Isa na namang masayang bonding moment ng mga forumers ang naganap kahapon. Yesterday was Palm Sunday, another quality time for the forumers. Habang ang mga tao'y naghahanda this Holy Week, kami naman ay nagsasaya. Nag-punta kami sa Enchanted Kingdom. Free yung tickets namin na 500 pesos din ang price. Maraming salamat talaga kay Melcar at libre ang ride-all-you-can bracelet namin. Anim kaming magkakasama. Ako, sina Red, Tin, Jam at ang mag-jowang Erroll at Melcar.

Una kaming sumakay sa Rollerskates, then sa Anchor's Away. Sumakay din kami sa Space Shuttle. Ang tagal naming naghintay bago kami nakasakay sa Space Shuttle, halos isang oras mahigit ata yung ipinila namin dahil sobrang daming tao! Lahat yata kami kinakabahan. Basta ako, tahimik lang, it's like I don't show any traces of fear pero deep inside, super kabado rin ako sa pagsakay namin sa Space Shuttle. Natakot nga ako dahil nung part na dumaan sa loop yung shuttle, halos matanggal yung shades ko. Mabuti na lang, nahawakan ko kaagad. The experience was fun. After Space Shuttle, sa may Rialto naman kami. Sobrang dami naming pictures sa pila ng Rialto. Mukhang yun ata ang nag-consume sa karamihan ng shots ng digicam ko.


Nakakapagod talaga ang mga pinaggagagawa namin. After sa Rialto, kumain na kami sa may Walter Mart malapit mismo sa Enchanted Kingdom. Grabe, wala akong kapera-pera. What happening to me? Hindi naman ako ganito dati. Mukhang naghihirap na ako, huhuhuhu.... kailangan nang kumayod nang kumayod! Going back, hindi ako naka-order ng gusto ko since very limited lang yung money ko. Buti na lang, nang pauwi na kami, nakahiram pa ako kay Jam ng 100 pesos and 150 pesos naman kay Tin. Si Tin muna ang sumagot ng pamasahe namin. Next time, I promise, hindi na talaga ako maghihirap! I swear!!!

Saturday, April 08, 2006

Nanlibre Si Dheng Sa Chowking!

Magandang hapon mga kaibigan! Ito na naman po ang inyong lingkod na si Brian para sa ating daily post (kahit hindi masyadong makapag-post araw-araw).

Ano nga ba ang nangyari ngayong araw na ito? Na-late ako para sa shift ko last night. 1:30AM ang shift ko pero nung nagising ako, saktong 1:30AM din, AVAYA time pa! Nakakainis talaga, life is very ironic. Kung kelan ako nagtitino, saka naman ako nagkaroon ng problema sa pag-gising nang tama.

Pagdating ko sa office, wala naman masyadong supervisor kaya diretso lang ako. Nagset-up ako ng station and exactly 2:45AM na ako nag-in. Nakita ako ni Mother Gigi, and she confirmed na late ako. By the way, siya na pala ang bagong Team Leader ko, I'm now part of Team Gigi. Recently, nagkaroon ng pagre-reshuffle ng mga teams. Nagkahiwa-hiwalay na kami ng mga former teammates ko from Papa Bear's Team. Ang na-retain lang na ka-team ko ay si Nat. Sa ngayon ang mga ka-team ko ay sina Nat, Sam, Hope, Marlon, Jalou, Arriane, Carlo Roman, April, Ash and hindi ko na maalala kung sino pa yung iba kung meron pa.

Sa ngayon, ang flow ng shift ay okay naman, pero pabugso-bugso ang dami ng calls. Hindi na ako nag-last break. And pagka-out ko, sumama ako kina Dheng at Joana Pascua sa may Markina. Sinamahan namin si Dheng na bumili ng dalawang pantalon. Nilibre rin n'ya kami ng lunch. Sa may Chowking kami kumain. Umorder ako ng seafood rice pero I don't like the smell. Mukhang hindi fresh. Medyo nakaka-disappoint pero okay lang since treat naman sa amin ni Dheng yun eh. Nilibre rin n'ya kami ng halo-halo!

Kanina, tumawag sa akin sina Janjay at Jay-Ar. Mukhang hindi na kami matutuloy sa Puerto Galera this Holy Week. Pabor sa akin yun, dahil it means na less gastos and may possibility na hindi na ako mag-absent. Yehey!!! Well, tignan na lang natin.

Excited na ako tomorrow dahil pupunta kaming Enchanted Kingdom and maisusuot ko na rin yung pink and violet stripe shirt ko na nabili ko sa Oxygen. Bye for now!

Friday, April 07, 2006

Forumers At Esquinita

Good afternoon everyone!

I can feel the heat of the sun. Summer is great but it's not being friendly to my shift. I go out by 10:30AM, and by that time, the sun completely dominates the sky. It's very hot that you'd feel the thirst inside.

Hay nako, tama na muna ang emote! Last night, natuloy ang eyeball naming mga forumers. Ang mga nakapunta ay sina Eds, Red, Tin, Oliver, Vilma at Errol. Sa ABS-CBN kami nagkita-kita. Grabe talaga, ang dami naming nakitang stars. Una kong nakita ay si Janelle Quintana, isa siyang Star Circle Quest Batch 2 finalist. Sunod kong nakita si Chubi del Rosario, then nung pumunta kami sa Ministop, nakita namin yung batang lalake na gumanap na anak ni Kris Aquino sa Feng Shui, Jeboy ang name n'ya sa Mga Anghel Na Walang Langit, ang cute ng batang yon. Nakita ko rin ang mga Wowowee girls na sina Iya Villania, Kat Alano at Janelle Jamer. Mukhang suplada si Kat. Si Iya super ganda talaga, at si Janelle naman, simple lang. Nakita ko rin si Bea Alonzo, maganda pala talaga siya. Hindi ko siya na-a-appreciate sa TV pero sa personal, para siyang si Anne Hathaway, super ganda! Nakita ko rin si Archie Alemania, hindi siya artistahin, hanggang pang-dancer lang talaga ang appeal n'ya.

Pumunta kami sa Esquinita. Isang lugar yun kung saan may group of bars na matatagpuan. Ang place na yon ay partly owned by Kris Aquino, and may internet shop din si John Lapus, yung Graffitti. Sobrang saya namin dahil sobrang kina-career nina Tin at Errol yung mga cute na waiters, kaya lang, may kulang that night. Si Emz na forumer din from Australia. Hindi siya nagtetext or tumawag man lang para malaman namin kung makakarating siya. Medyo disappointed kami dahil siya talaga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng get together, pero we still need to check kung bakit hindi siya nakapunta, we'll find out soon. Nandoon din si Agi or Weng na isa rin forumer. Hindi namin siya nakasama nang matagal dahil may sarili siyang grupo na nasa kabilang bar, with Esquinita rin. Sa Esquinita, nakita namin sina Roxie Barcelo at Luis Alandy, super sweet ang dalawa. Nandoon din si Baron Geisler. Tumawag sa cellphone ni Tin sina Jolas at Ahl. Sa totoo lang, parang mas na-appreciate ko si Jolas nang banggitin nina Tin na cute siya sa bagong picture n'ya sa Friendster. Magic Bebe pa ang tawag ko sa kanya, hehehehe.



Umalis ako around 11:45PM dahil may shift pa ako ng 1:30AM. Hindi ko na sinabi ang totoong shift ko sa kanila dahil baka mapigilan pa nila ako. Pagdating ko ng office, natulog na muna ako sa quarters para naman mejo fresh ako pag nag call handling na ako. Puro Tawag Remit ang pumasok sa bandang umpisa ng shift ko. Nakakainis pa dahil walang copy-paste yung computer ko tapos ang sama pa ng t'yan ko. Feeling ko talaga, matatae na ako. Eh pano ba naman, kumain ako ng ice cream sa SM, uminom ako ng chilled Milo sa Ministop, uminom pa ako ng beer sa Esquinita, sinundan ko pa ng isang Royal in can at isang malaking baso ng iced tea. Grabe! Hindi ko talaga feel yung nangyari kanina, buti na lang naka-survive ako.

Sobrang init na talaga ng panahon! Gusto ko nang mag-swimming!

Thursday, April 06, 2006

Eyeball With Emz


Haller!!! Ngayon ang eyeball namin with Emz sa Esquinita malapit sa ABS-CBN. Magkikita kami nina Red at Eds sa SM North around 6PM. Excited na akong makita silang muli. Siyempre, si Emz! Siya ang bagong makikita namin at si Weng a.k.a. Agi. Bye!

Tuesday, April 04, 2006

Just Friends

Magandang tanghali po! Anu-ano na nga ba ang nagaganap? Last Sunday, umalis kami nina Janjay at Jay-Ar. Nanood kami ng "Just Friends" sa Greenbelt sa Makati. It's another cute movie pero hindi ko siya ganoon ka-type unlike nung last movie na napanood ko, yung "She's The Man". Ang nakaka-aliw lang talaga sa movie ay yung bubblegum pop princess na pino-project ang image ni Britney Spears, ang name n'ya sa movie ay Samantha James played by Anna Faris. Bida sa movie si Chris Brander na ginampanan ni Ryan Reynolds, then ang love interest n'ya dun ay Jamie Palamino played by Amy Smart. Hindi siya ganoon kaganda. Nakakaaliw lang talaga si Samantha James, the way she acts as if she's really famous, bwahahahahaha!!!!!

Kahapon naman, rest day ko, dito lang ako buong maghapon sa kwarto. Nag-internet ng mga anim na oras. Kanina naman sa shift ko, sobrang daming calls! Nakakainis talaga, naka-30 plus na calls ako ngayong araw na ito. Ewan ko ba bakit ganon karami ang tawag kanina, lahat ng split ay na-handle ko. Meron akong Australia, Europe, Sarimanok, StarKargo, Tawag Remit, Tech, Bills, Referral, Retail, Survey at kung anu-ano pa!

Kanina, nang makasalubong ko si Tyrone (pamangkin ko sa pinsan), sinabi n'ya na kukuhanin na n'ya yung passport n'ya dahil malapit na siyang umalis. Bigla akong nabuhayan sa pagpunta sa Dubai. Kung nakaya n'yang mag-asikaso ng mga papeles, mas kaya ko! I'm really excited about this. Parang nagkaroon na ako ng clear vision. Parang gusto ko nang mag-resign agad-agad!

Sunday, April 02, 2006

Keanna Reeves Is The Big Winner!

Article from ABS-CBN website, no permission from the author, just wanted to mark this one special event on my blog. My apologies in advance.


From being known as the queen of the escort service scandal, Keanna Reeves now holds the title as the 1st ever Celebrity Big Winner of Pinoy Big Brother Celebrity Edition! The Kilabot ng Senado bested the other 13 celebrity housemates to bag 4 million pesos worth of cash and prizes!

“Thank you, thank you Lord! Hindi ako mapaniwala na ako yung napili niyo, nagpakatotoo lang talaga ako. Sana marami akong na-inspire na tao na hindi huli ang pagbabago, mahal tayo ng Diyos,” Big Winner Keanna said as tears of joy fell from her eyes. Her two sons and father gave her a very tight embrace while she delivered her victory speech .

Her unprecedented victory was announced during the star-studded Celebrity Big Night, the culminating event of PBBCE held in Liwasang Bonifacio in Manila, where thousands gathered to witness Keanna’s triumph!

In the final tally of votes, Keanna became the runaway winner beating the other three formidable contenders John Prats, Bianca Gonzales and Zanjoe Marudo by garnering almost half of the total votes cast. She received 571,607 votes (44.2%). John was a far second with 372,198 votes (28.8%). Bianca was named as the 3rd Celebrity Big Placer with 245,594 (19%) while Zanjoe landed in the 4th place with 103,422 votes (8%).

Big Winner Nene Tamayo welcomed her fellow Big Winner, Keanna, back to the outside world while ABS-CBN’s Chairman, CEO and President Eugenio Lopez III awarded the big prizes. The Kilabot ng Senado received one million pesos from Rebisco. Her chosen charity, Gabriela, a group advocating for women’s rights, also received a million pesos from Rebisco. Aside from the money, Keanna was also awarded with a condo unit from Chateau Valenzuela.
Although John, Keanna, Zanjoe didn’t bag the top prize, they didn’t go home empty-handed. Second Celebrity Big Placer John received P500,000 courtesy of Rebisco. His chosen charity, National Children’s Hospital also received P500,000.


ABS-CBN's Executive Vice President and Channel Head, Charo Santos Concio awarded third celebrity big placer Bianca with P100,000. Her chosen charity, Gabriel Symphony Foundation, got P250,000 courtesy of Rebisco.

A check amounting to P100,000 was given by ABS-CBN’s Senior Vice President for Television, Cory Vidanes, to fourth celebrity big placer Zanjoe. His chosen charity, Santa Ana-San Joaquin Bahay Ampunan Foundation received P250,000 from Rebisco.
Aside from the cash prizes, each of the Big 4 received Promac Appliances, a RedFox Laptop and a Sony DVD camera.

KEANNA: Nanay, True Friend , Comedienne
Comedienne, nanay and a true friend. These words best describe Keanna as a housemate of Pinoy Big Brother Celebrity Edition.
In her first week in the house, Keanna immediately caught the attention of her housemates, not because they liked her. The other celebrities noticed that she was not fond of doing the household chores. Her laziness earned her a nomination during the 1st nomination night. Fortunately, possibly due to her funny jokes and antics, the viewers rescued Keanna from eviction.

Things changed after the 1st eviction night. The Kilabot ng Senado became more cooperative in terms of helping others do the household chores, tasks and challenges given by Big Brother. She eventually earned the respect of the others especially the younger celebrities like John, Roxie and Bianca. Keanna became their “Nanay-nanayan.” John would always go to her Nanay to seek her advice on how to handle the difficult situations inside the house.
Aside from being his “nanay,” John also considers Keanna as one of his closest friends. One of the most recognizable barkadas in the house was the triumvirate of John, Keanna and Rustom. Both the prodigal son of showbiz and the dance floor dynamite say that Keanna is a person whom they can truly trust. And when the moment came for Rustom to reveal the biggest secret of his life, without any doubt in his mind, Rustom chose Keanna to be the first housemate to know that he’s gay.

Aside from a nanay and a true friend, Keanna is also considered to be the funniest housemate of PBBCE. This comedienne is known for cracking anticlimactic but hilarious jokes just like what she did during her big fight with former housemate Mich. She mistakenly labed Mich as “KFC” instead of “KSP” or kulang sa pansin. Who can forget the moment when Keanna suddenly excused herself to attend to nature’s call when Rustom was about to reveal that he’s gay? These are just two of Keanna’s hilarious moments in Kuya’s house that have become part of the highlights of the 14 celebrities’ 56-day stint in PBBCE.

A bright future awaits Keanna with her emergence as the Celebrity Big Winner. Her triumph tonight didn’t only change her life but also the lives her sons. Kilabot ng Senado’s Pinoy Big Brother Celebrity Edition experience will surely make her a much stronger person in facing the upcoming challenges of the real world.

Brace yourself because after three weeks, Big Brother will be back again on your TV screen for the much-awaited Pinoy Big Brother Teen Edition!

Saturday, April 01, 2006

Mango From Tin-Tin

I've just eaten the mango that Tin-Tin gave me. It's a big piece but it's not that sweet, a bit sour. I really appreciate her gift, she gave it to me as a favor of swapping a shift for a day with her. I enjoyed the mango. Thanks Tin!

Before going home, I dropped by the mall to buy a shirt. I've planned to buy a polo shirt in Penshoppe which I think is perfect for summer. UInforunately, no size available for me. So I tried going to Oxygen where summer clothes can be bought in a cheaper rate than that of People Are People where I usually buy my clothes. I saw this cute violet-pink stripe shirt which is really perfect fit for me and it kinda fits my personality. I'm excited to wear it tomorrow coz we're going to Enchanted Kingdom after my shift until 10:30AM.

I'm now listening to Stick With You by The Pussycat Dolls. The tune is good. Some sort of Mariah , J.Lo and Destiny's Child combined. What else? Hmmmm.... During my shift today, I'm not in the mood to work coz I have toothache. I really hate it. I'm not in the mood to talk, to think, to eat, to post on the forum, and everything else. Thank God there's mefenamic acid. I've already taken 3 tablets of this pain reliever within a period of about 16 hours, I'm not sure if this thing is bad or not. Whatever!!!

Later tonight, Pinoy Big Brother Celebrity Big Winner will be announced. I'm kinda excited who's gonna be the winner for this Big Night. I hope Keanna will be the one!!! I'll be posting the winner after the Big Night on ABS-CBN channel 2.