Biyernes Santo
It's April 14, Good Friday.
Walang katawag-tawag kanina. Naka-nineteen calls lang ako kanina, san ka pa? Ang sarap ng shift namin kanina. Sabi nila, kapag raw mahal na araw, bawal kumain ng karne, bawal magsaya at bawal maligo. Bakit kaya? Ewan ko ba? Yun na kasi ang naksanayan since bata pa ako, pero ngayon, hindi ko na siya ino-observe. Sa totoo lang, once in a blue moon lang ako mag-simba. Hindi ako religious na tao, I know there's God pero I admit na hindi ganoon kalakas ang faith ko sa Kanya, but I know that He's just up there watching me in every moves I make.
Magkausap kami ni Dolly kanina sa phone. Wala lang, chikahan tulad ng dati. Na-miss ko talaga siya pero kapag naman kasama ko siya mukhang hindi ko siya masyado napapansin. It's true na minsan, you take some people around you for granted. Hindi na siya pwedeng sumama sa team building namin this Sunday dahil mukhang ayaw pumayag ni Papa Bear at sa Sunday din kasi yung 7th birthday ng anak ni Monet kung saan invited rin si Dolly. Baka mabuking pa siya at baka magalit pa si Monet, bwahahahahaha!!!! Bukas, hindi pa ako sure kung matutuloy kami dahil hindi pa naman ako ina-update nina Janjay at Jay-Ar kung tutuloy nga kami sa Enchanted Kingdom. Hindi rin naman kami sure kung bukas nga yun tomorrow, although alam ko na bukas na ang showing ng movie ni Sandara, yung D' Lucky Ones. I will watch this movie for sure!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home