Monday, April 10, 2006

Mga Forumers Sa Enchanted

Isa na namang masayang bonding moment ng mga forumers ang naganap kahapon. Yesterday was Palm Sunday, another quality time for the forumers. Habang ang mga tao'y naghahanda this Holy Week, kami naman ay nagsasaya. Nag-punta kami sa Enchanted Kingdom. Free yung tickets namin na 500 pesos din ang price. Maraming salamat talaga kay Melcar at libre ang ride-all-you-can bracelet namin. Anim kaming magkakasama. Ako, sina Red, Tin, Jam at ang mag-jowang Erroll at Melcar.

Una kaming sumakay sa Rollerskates, then sa Anchor's Away. Sumakay din kami sa Space Shuttle. Ang tagal naming naghintay bago kami nakasakay sa Space Shuttle, halos isang oras mahigit ata yung ipinila namin dahil sobrang daming tao! Lahat yata kami kinakabahan. Basta ako, tahimik lang, it's like I don't show any traces of fear pero deep inside, super kabado rin ako sa pagsakay namin sa Space Shuttle. Natakot nga ako dahil nung part na dumaan sa loop yung shuttle, halos matanggal yung shades ko. Mabuti na lang, nahawakan ko kaagad. The experience was fun. After Space Shuttle, sa may Rialto naman kami. Sobrang dami naming pictures sa pila ng Rialto. Mukhang yun ata ang nag-consume sa karamihan ng shots ng digicam ko.


Nakakapagod talaga ang mga pinaggagagawa namin. After sa Rialto, kumain na kami sa may Walter Mart malapit mismo sa Enchanted Kingdom. Grabe, wala akong kapera-pera. What happening to me? Hindi naman ako ganito dati. Mukhang naghihirap na ako, huhuhuhu.... kailangan nang kumayod nang kumayod! Going back, hindi ako naka-order ng gusto ko since very limited lang yung money ko. Buti na lang, nang pauwi na kami, nakahiram pa ako kay Jam ng 100 pesos and 150 pesos naman kay Tin. Si Tin muna ang sumagot ng pamasahe namin. Next time, I promise, hindi na talaga ako maghihirap! I swear!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home