Wednesday, April 26, 2006

Kakaaliw Ang Oompa-Loompa

Hello Philippines and hello world! It's Wednesday, my third day on leave. Wala akong ginawa kung hindi tumambay lang dito sa bahay since wala rin naman akong pera pangrampa and nandito rin yung half-brother kong si Mico. Since summer naman, sinundo ni JR si Mico kahapon sa Bulacan, mabuti naman at pumayag si Tita Ludy.

Sa ngayon, umaabot ng 9 hours ang tulog ko which is really good for me dahil sobrang dami talaga ng tulog na dapat kong bawiin. Kaninang tanghali, nanood lang ako ng dalawang DVD's. Zathura at Charlie And The Chocolate Factory ang pinanood ko. Mejo na-frustrate ako sa Zathura dahil ang akala ko, sobrang ganda ng movie na malaki ang pagkakatulad sa Jumanji. Mas maganda pa rin ang story ng Jumanji compare sa Zathura. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa Zathura at medyo kulang sa mga events and characters as what I'm expecting. Yung pangalawang DVD naman, Charlie And The Chocolate Factory, ang akala ko, mas maganda ang Zathura, mas nagka-interes pa ako sa movie na ito. Very colorful ang movie, pero aside from being colorful, may matututunan ka talaga. It's about a boy living a very simple life, his name is Charlie. Limang sinuwerteng bata ang involved sa story. Sila ang mga nakakuha ng Golden Ticket para makapag-tour sa Chocolate Factory ni Willie Wonka played by Johnny Depp. Ang focus ng story is more on giving value to your family. It doesn't matter kung ano mang wealth ang itumbas mo, mas mahalaga pa rin ang pamilya. Yun ang lesson! Aliw ako dun sa actor na pumapel sa Oompa-Loompa, si Deep Roy, ang dami n'yang role na ginampanan, kakaaliw pa yung mga production numbers nya.

Kanina rin, nanood ako ng Pinoy Big Brother Teen Edition. May mga nagugustuhan at kinaiinisan na ako sa bahay ni Kuya. Ayoko kay Olyn, parang masyado siyang ma-feeling, mabuti nga at inaway siya ni Mikki, bwahahahahaha!!! Hindi ko rin nagustuhan si Aldred, although cute siya, mukhang mahilig siyang magpapansin sa camera. Siya yung tipong iiyak na lang sa isang tabi at biglang magco-confess, conscious siya sa camera at mukhang hindi siya nagpapakatotoo. Sa mga girls naman, I like Nina, sobrang ganda n'ya, para siyang si Iya Villania. Sa mga boys naman, I like Bam and Gerald. Ang ku-cute nila. Si Bam pala ay brother ni Dimples Romana. Medyo chubby siya pero ang cute talaga n'ya. Si Gerald naman ay amboy kaya slang magsalita, hindi siya ganoon ka-papansin.


Tomorrow ay pay day na. Makakalabas na rin ako sa wakas. Baka umalis kami ni Trish bukas and mamimili na rin ako ng mga gamit na dadalhin ko sa Puerto Galera this weekend! Excited na ako!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home