Monday, April 17, 2006

Team Allan's Farewell Summer Outing

Finally, nandito na rin ako sa bahay. At the comfort of my own room! Medyo malamig dahil nakabukas ang aircon at naka-inom na rin ako ng malamig na water.

Kahapon ang farewell team outing ni Papa Bear. Maaga akong pumunta ng office. 2PM ang meeting time sa office pero 10AM pa lang umalis na ako para makadaan pa ng mall. Dumaan ako sa Gateway at bumili ako ng pink na polo shirt sa Folded 'N Hung. Tamang-tama yung fit sa akin nung shirt dahil extra small yung size na binili ko. Gusto ko na ngayon ang Folded 'N Hung, yahoo!!! Nag-commute na lang ako papuntang office dahil sayang naman kung magta-taxi pa ako. Kahit super init, okay lang dahil papalitan ko rin naman yung suot ko.

Nang makarating ako sa office, hindi na ako pumunta ng station. Diretso agad sa locker area, inayos ko yung mga gamit ko then nagpalit din ako ng outfit, para talaga feel na feel ang summer. Naka-pink na top ako then torned jeans. After kong mag-ayos, nagpunta na ako sa quarters para matulog kahit sandali lang. Nagising na lang ako sa text ni Ate Glenda. Niyayaya n'ya akong kumain bago umalis, so kumain muna kami sa pantry sa taas, sa Urban Chef kung saan ang mga foods ay may mga ipis at uod, yuck! Kadiri!!!! Hehehehehe, anyways, kumain pa rin kami in the end.

Hindi lahat ng ka-team ko ay nakasama. Wala sina Polly, Jason at Jessie. Yung iba naman na nasa ibang account like Caloi, Edward and others, hindi na rin nakasama. Si Hernz naman na nasa Ryder (international account) na ngayon ay nakasama, buti pa siya. Sa mga ka-team ko, nakasama sina Azenith, Glenda, Joy, Nat.... sino pa ba??? Yun lang ata. Grabe, anim lang pala kami from original team. Kasama rin si Mother Maya, with her family, si Ate Noreen with her daughter, sina Gel, Maxene, Jeff, Renan, Karen at Anthony.

Around 2:30PM, nauna na ang van ni Anthony sakay sina Hernz at Nat, then yung sasakyan ni Mother Maya kasama yung family n'ya at si Maxene. Naiwan kami dahil hinihintay pa namin si Joy. Grabe, sabi n'ya 5 minutes na lang daw, then mabuti na lang, after 30 minutes dumating din siya. Naging lokohan tuloy yung 5 minutes n'ya all throughout ng outing, bwahahahahahaha!!!

Pabilisin na natin ang kwento. Hindi naman pala ganoon kalayo yung place. Sa Pansol, Laguna kami pumunta. About an hour and 30 minutes lang from Libis, not bad. Nang makarating na kami sa place, naghanap agad kami ng kwarto. Sobrang luwag ng place dahil kami lang ang nandoon. Para siyang semi-private na resort, ang name ay Villa Navarro. Hindi ganoon ka-impressive yung dating ng place pero masaya na rin dahil katabi lang mismo ng cabin yung pool at yung kitchen saka mezzanine. May kasama pang videoke kaya tuwang-tuwa ang lola Jepoy at lola Renan!

Hindi kami agad nakapag-swimming dahil pinupuno pa ng water ang pool. Namili muna kami ng mga iinumin at iluluto sa labas. Nakakapagod palang mamili at magbuhat ng mga pinamili. Biruin mo, ilang bote ng 1.5 na coke, at halos tatlong dosenang bote ng beer ang pinamili namin. Mabuti na lang marami ang sumama, kung hindi, patay-patay na! Pagdating sa resort, nagluto na at kumain na rin kami. Ang sarap ng mga kinain namin. May grilled porkchop, inihaw ng tilapia at sinigang na bangus. Sobrang nasarapan ako sa sinigang na bangus. Puro gulay ang kinain ko. Kangkong at sitaw ang pinagpapapak ko imbes na porkchop. Feeling ko tuloy, ngayon lang ulit ako nakakain ng masarap na sinigang.

After kumain, nag-swimming na rin. Ang sarap mag-swimming, hotspring yung water! Tamang-tama para kay Papa Bear at Ate Joy, nyahahahahaha!!!! After mag-swim, kaunting inom then picture taking syempre. Yung isang picture nga nakakatakot dahil may parang formation ng smoke na nabuo sa tabi ni Ate Glenda. Maraming nagyoyosi pero saan kaya nanggaling yung usok na yun, eh mejo malayo naman yung mga nagyoyosi kay Ate Glenda. Uminom lang ako nang kaunti then umakyat kami ni Ate Glenda, kwentuhan nang kaunti about her lovelife, then pareho kaming nakatulog, sobrang pagod kasi eh.

Nagising ako at hinihila na lang ako nina Maxene at Renan, nakakainis hmmmph! Itsorbo sa tulog, hehehe. Anyways, nung pagkagising ko, kumain lang ako ng kaunting chips then inom na agad. Nung medyo tinatamaan na ako, kumakanta na rin ako sa videoke. Ganon ako, kapag medyo lasing, nagkaka-guts na kumanta sa videoke, doesn't matter kahit mataas yung kakantahin. Inabot kami hanggang 4:50AM sa pagkanta, kaming dalawa ni Ate Glenda ang natira. Umakyat na kami nung pinuntahan kami ng caretaker at sinabihan kami na hinaan yung videoke, hmmmmph!

Kinaumagahan, si Renan naman ang gumising sa akin. Around 9AM na yata yun. Kumain ako then nag-swimming. Sarap din mag-swim, kailangan kong magpapawis sa tubig dahil apat naboteng beer ang naubos ko last night. Pampalaki rin ng t'yan yun kahit sabihin natin na SanMig Light pa siya. About 11AM, umahon na ako, then nagbanlaw. Pumunta kami sa mga taas kung saan overlooking ang Laguna Lake and of course, kita rin namin yung Mount Makiling saka yung mga resorts sa paligid ng lugar. Grabe, nakakalula siya.

Umalis kami ng 1PM. Sobrang uhaw na uhaw ako sa biyahe. Bumaba kami sa HTMT then sumabay na kami kay Mother Maya and bumaba kami ng SM North. Bumili agad ako ng maiinom sa Quickly dahil sobrang uhaw ako.In fairness, masarap naman yung nabili kong mango shake. Mamaya, may pasok na ako, kailangan ko nang matulog ngayon dahil baka ma-late na naman ako. Byers!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home