Monday, April 24, 2006

Basang-Basa Sa Rio Grande

Exactly 11:59PM nang ako'y magising ngayong gabi. I'm writing this blog post and it's around 1:39AM here, April 25 but I'll just consider this one for the 24th.

Yesterday, sumama ako sa Team Building ni Mam Elena sa Enchanted Kingdom. Pangalawang punta ko na sa EK ngayong 2006. I still managed to go with them even I don't have enough money. Humiram na lang ako ng 200 pesos kay Joana and yung contribution na 500 pesos, inutang ko muna kay Annjo. Tag-hirap na talaga ako, hehehehehe. Anyways, masaya ang outing, sobrang daming kasama. Let me enumerate, of course, hindi mawawala ang team leader na si Mam Elena, kasama rin si Miss Vicky, with her son and yaya. Nandoon din ang mga QA na sina Anna and Sally, sa mga agent, nandoon sina Hope, Eugene, Blue, JM, Annjo, Karen, Bradley, Joanne (Casipit), Sheng, ang ex-ABS-CBNi agent na si Charlie, na ngayon ay nasa Ryder na, ang mga resigned agents na sina Belle, Donna and Anthony, at ang inyo pong lingkod. 20 kami lahat in total.

Ang ganda ng EK at wala masyadong tao, tamang-tama ang team building na 'yon dahil hindi ganoon katagal ang paghihintay sa pila. Hindi tulad nung last na pumunta kami, halos isang oras ang paghihintay para makasakay ng isang ride. Una kaming sumakay Flying Fiesta, yun ang pagkakatanda ko. Sumakay din kami ng Anchor's Away pero hindi ganoon kataas yung inaabot, siguro dahil sobrang init ng araw, yung Space Shuttle naman, hindi mawawala ang kaba ko, pero ngayon, hindi na ganoon kalakas yung impact sa akin dahil ang secret lang talaga doon ay ipikit ang mga mata para hindi ka matakot.



Nang magutom na kami, pumunta kami somewhere near Tagaytay area para kumain. Grabe, ang sarap ng bulalo na kinain namin. Sobrang dami talaga ng nakain ko. Aside from bulalo, may fried tilapia at crispy pata rin. Fresh na fresh ang lasa ng mga pagkain. Ang sarap!
Pagkatapos kumain, kaunting picture taking at bumalik na rin kami sa EK. Medyo padilim na that time. For me, ang pinaka unforgettable experience namin this time is yung Rio Grande. It's my first time there dahil everytime na pupunta kami doon, sobrang haba ng pila. Naka-tatlong rounds kami doon. Basang-basa talaga kami. Feel na feel ko yung tubig na pumapasok mismo sa loob ng pants at brief ko. Ang natutunan ko lang, dapat pala, kapag sasakay ng Rio Grande, may dala kang extra shirt, even underwear kailangan dahil talagang mababasa ka. Our EK Adventure wraps up with the firework display. Ang ganda ng presentation dahil along with the fireworks ay yung theme song ng Enchanted Kingdom, "The Magic Is Here!".

Nakauwi na ako ng bahay around 1:30AM. Sa sobrang pagod, pagkauwi ko, natulog na lang ako. Bagsak sa kama! I don't care anymore dahil start na ng vacation leave ko for 2 weeks. Ang sarap!

That same day na nag-EK kami ay launching naman ng Pinoy Big Brother Teen Edition. Hindi ganoon kalakas ang excitement na nafi-feel ko this season dahil mas gusto kong makita yung mga taong marami na nang naranasan sa buhay. Let's just wait and see kung ano ang kalalabasan ng show na ito. I have all the time in the world para mapanood ang show na 'to dahil naka-leave nga ako.

Sa ngayon, masasabi kong medyo nakakabawi na ako sa mga sleep credits ko dahil from 2AM to 9AM, nakatulog ako, then back to bed na naman ng 5PM 'til almost midnight. Sana, mabawi ko pa yung iba ngayong bakasyon!

Bye for now, surf muna ako!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home