Saturday, April 22, 2006

Maria Guadalupe & Forumers Eyeball At Esquinita

Hi everyone! How are you doing?

It's a Saturday afternoon, kakapanood ko lang ng ETK and since cheap ang issue, mag-iinternet na lang ako. Kagagaling ko lang mula sa binyag ng anak ni Monet na si Maria Guadalupe. Medyo makaluma ang name pero it sounds cool na rin. Sobrang balbon ng baby but I didn't get the chance na buhatin yung baby dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Kasama sa mga ninong at ninang sina Devlin, Jeff, Jovy, MeAnn and Tere. Kami kami lang ang naka-attend, ang mga alam kong nasa list ng mga ninongs and ninangs ay sina Oliver, Maynard, Sir Don at Miss Fanny. Nandoon din si Badet with her daughter Betina, si Sondi na boyfriend ni Jovy at Bong na boyfriend naman ni Ate MeAnn. Iba talaga ito sa mga nadaluhan kong binyag dahil sobrang bilis at sobrang bilis din sa reception although malayo yung lugar na pinag-ganapan ng event, sa Angono, Rizal pa.

Last night, isa sa pinakamahalagang event sa buong forum life ko ang naganap. Sa hindi inaasahang pagkakataon, yung mini-eyeball na iniisip ko, naging isang malaking event. Hindi ko akalain na makadalo yung mga unexpected members ng forum. Eto yung list ng mga dumating and their respective usernames: Red as Red_in_Vain, Leah as PrincessBogart, Daphney as Kaorie Marie, Janice as Piper, Eds as Sassee, Errol as Simply Nasty, Tin as Xtine, Isko as Iskolastiko, Richard as Chapz, Ava as Ava (herself), Weng as Agi, Leonard as Dranoel, Nat as Mr.Sushi, Vilma or Mylene as Burubudur, Oliver as Nitrous Oxide, Pink as Pink Petal, Ahl as Kanyamanan and of course, yours truly, Lokagirl_Gatas. Eighteen lahat ang mga forum members na nandoon. Grabe, ang saya noh? Ang daming unexpected.

Hindi na ako pumasok ng shift ko na 1:30AM-10:30AM, nagpa-advise na lang ako, sakit-sakitan kunwari. Hindi na rin pumasok ang dalawang nagpa-advise na male-late lang na sina Daphney at Leah. Nagkita-kita kami sa Starbucks sa ABS-CBN Compound, then, nung dumating na si Ahl, pumunta na kami ng Esquinita. Pagdating namin doon, sa Graffitti kami napunta, yung bar na pag-aari ni John Lapus. Nandoon si John and I feel very flaterred nung pinansin n'ya ang kagandahan ko, hehehehe. Sabi n'ya may ipapakilala raw siya sa akin, kukuhanin raw n'ya number ko at pinababalik pa n'ya ako ngayong gabi, pero siyempre, I'm doubtful about it, alam n'yo naman, showbiz yan eh. Ah basta, all I know is may appeal pa rin talaga ako kahit may mga taong nagsasabi na sobrang payat ko na raw. Anyways, ang ingay talaga dun sa table namin, talagang pinagtitinginan. Nangunguna sa kaingayan sina Red, Tin, Pink, Vilma at yung iba pang babae. Naka-dalawang beer lang ako, ayoko nang madagdagan pa ang beer belly ko na nagsisimula nang lumobo. Maraming nakakatuwang eksena, sina Daphney at Isko ang tinutukso that night. Grabe si Tin, lasing talaga siya, kung anu-ano na ang pinag-gagagawa. That night, nalaman na rin ng lahat na si Ahl ay pamilyadong tao, medyo naiyak nga si Red. Si Janice naman, umuwi na kaagad dahil mukhang kukuhanin na naman daw ng asawa n'ya yung mga anak n'ya sa kanila. Issue nga ito sa office ngayon dahil biglang nagtetext yung kapatid n'ya at hinanap siya sa office, at pati ako'y tinext din dahil kami yung magkasama pauwi. Since ayaw namin na magpa-buko, hindi ko na lang sinagot yung mga text nila sa office. Sa ngayon, nasa safe naman na kalagayan si Janice dahil nag-text na siya sa akin kaninang umaga. Nagkita rin kami ni Dennis sa Esquinita, kasama n'ya yung friend n'ya na si Earl. Sinabi ni Dennis na I still look good, sinabi pa nga n'ya na mahal n'ya na raw ako, mukhang delikado ako dun ah... ah basta. By the way, si Ahl pala ang sumagot ng lahat ng nakain at nainom namin. Ang yaman!

So, yan ang mga panibagong kaganapan sa aking buhay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home