Inis Na Ako Kay Trish
Good evening!
I'm so excited na gosh!!! Punta na kami sa Puerto Galera mamaya, ah este bukas pala. Kasi naman, sobrang aga ng alis namin, mamayang 3AM, magkikita kami ni Maynard sa kanto ng del Pilar, then diretso na sa bus station papuntang Batangas Pier para magkita-kita pa ng mga ibang kasama namin na sina Lorie, Jovie, MeAnn and her boyfriend Bong.
Sobrang excited na ako at kanina lang ako nag-ayos ng mga dadalhin na damit. Kahapon, namili ako ng mga gagamitin for personal hygiene. Grabe, kanina, nagpasama ako kay Trish sa Greenhills para mamili sana ng mga pwede kong madala sa Puerto Galera. Naiinis ako sa sarili ko dahil pumayag na naman akong magpauto sa friend kong 'to. Binilihan namin yung anak n'ya ng mga damit sa Gingersnaps na umabot ng 800 pesos at ang bruha, nagpabili pa sa akin ng sandals. Medyo makapal na talaga ang face n'ya. I know it's my fault dahil kinukunsinte ko. Ewan ko na lang kung mauulit pa ito, wish ko lang hindi na. Ang nabili ko lang ay isang white 3/4 na pants na bagay pang-beach at tatlong colorful bandanas na magandang props para sa picture taking.
After namin sa Greenhills, dumiretso na ako sa office dahil gumawa pa ako ng EAR (ewan ko lang kung tama ha, pero that's how they pronounce it, hindi ko rin alam ang meaning). Gumawa na ako 'nun dahil malapit na ang katapusan ng April. Nagbayad na rin ako ng mga utang ko kay Joanna at Annjo na ginamit ko nung nagpunta kami sa Enchanted Kingdom.
Pagkatapos sa office, sumabay na ako kay Mother Ruth papuntang Cubao, bumaba siya ng Eastwood at mukhang may kikitain pa siya. Grabe, sobrang traffic talaga, nakakainis, pero in fairness, hindi ako masyadong nainip dahil sa pag-iisip ko sa Puerto Galera. Dumaan ako ng Bench at nakabili pa ako ng sleeveless na pwede kong isuot pang-swimming. Kulay blue siya at may number 87 sa harap.
Ngayong araw na ito, nalaman ko rin na namantay na pala ang mother ni Nat. Kawawa naman si Nat, siya pa naman ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Haaaay... May God bless Nat's mother!
Bye for now, kwento ko na lang kung anu-ano ang mga magaganap sa Puerto Galera. Byers!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home