Last Day Of June 2006
Good evening! Kailangan kong gumising nang maaga bukas pero ayoko pang matulog, gusto ko pang mag-internet. Nakakawili ang forum. Sobrang naaadik na naman ako sa forum kahit nandito ako sa bahay. Tomorrow, mag-aanak ako sa binyag ng anak ng pinsan kong si Cherry. Sa Navotas ang venue. First time ko atang makakapunta sa lugar na 'yon. Bukas rin ng gabi, may lakad ang mga forumers sa Esquinita pa rin malapit sa ABS-CBN Compound. Kanina, nagkita-kita kami nina Janice, Red at Jam sa ex-workplace namin. Unexpectedly, dumating din si Eds, parang nagkaroon ng mini reunion ang mga nag-resign na forumers sa C3. Nakaka-miss talaga ang trabaho.
Patambay-tambay!
Magandang gabi po!
Haaay, nahihirapan akong huminga! Ewan ko ba kung baket. Anyways, tambay pa rin ako. 12 days na akong walang trabaho. Nag-resign ako effective June 17 and it's almost two weeks na akong naka-bum mode dito sa bahay.So far, ang mga nagagawa ko lang ay matulog, kumain at manood ng TV, in short, isa akong palamunin dito. Wish ko lang ay mag-gain ako ng kaunting weight pero ayoko namang lumaki ang tiyan ko. Today is Wednesday and tomorrow ay plano namin ni Janice na pumunta sa office pero until now ay hindi ko pa nako-confirm kay Janice dahil wala naman akong pera na pang-load para ma-text ko siya. Humingi lang ako ng pera kay JR para makabili ako ng internet card na ginagamit ko ngayon. Mahirap pala talaga ang maging tambay. Bukod sa nakakabored, wala pang pera!
Being A Bum
Ngayon ko ine-enjoy ang bakasyon ko. Walang trabaho, walang iniintindi masyado, wala ring pera at mga kaibigang pwedeng makausap. Ganito pala ang buhay ng isang tambay. Gusto ko nang mag-apply once na nagkapera na ako. Hopefully within this week. Sa Thursday, balak namin ni Janice na pumunta ng HTMT para magpa-clearance. Medyo okay din naman ang maging isang bum. Nakakanood ako ng TV mula umaga hanggang gabi, nakakapag-online ako anytime I want. Sa ngayon, enjoy ako manood ng Ambush Makeover, Deal Or No Deal, Bituing Walang Ningning, America's Next Top Model Cycle 4 at kung anu-ano pa. Ang favorite ko sa America's Next Top Model ay sina Naima, Michelle, Lluvy at Brittany. Ngayon ko lang nalaman na ang nanalo pala ay si Naima. Cycle 6 na 'ata ang meron ngayon, ibig sabihin, late na masyado yung ipinapalabas sa ETC. Buti na lang at si Naima ang nanalo. She's pretty, kahawig siya ni J.Lo. Haaay grabe, sa ngayon, kontrobersyal pa rin ako sa mga kaklase ko sa Letran. Inaakala nila na may nangyari sa amin ni Carlo Lantin where in fact, wala naman talaga. Ewan ko ba sa kanila. It's no big deal! Hallerrr!!! Bye for now.
I Won't Be A Housemate Anymore!
Good evening everyone!Haaay, kung alam n'yo lang ang feeling ko ngayon! Medyo na-disappoint ako dahil hindi kami nakapag-audition sa Pinoy Big Brother Season 2. Sobrang late na kami dumating at sobrang dami ng tao na nag-audition. Sa SM South Mall ginanap ang last audition within Metro Manila. Pagdating namin doon around 1PM, akala namin kaunti lang ang nag-a-audition, ayun pala, sobrang dami. Siguro more than a thousand talaga. Iba't-ibang klaseng tao! May mga guwapo at magaganda, meron din namang chaka, at may mga weird din, hehehe. Medyo nakakapanghinayang pero wala na kaming magagawa. Kasalanan din naman namin yun, we should have come earlier. Ngayon alam ko na na dapat, kapag mga audition tulad ng sa PBB, dapat pala sobrang aga, or else, hindi na maganda ang mood ng mga judge at sobrang haba pa ng pila. Goodbye, PBB dream! Hindi na ako magiging housemate for now, hehehe! Nakita ko pa ang friend and schoolmate ko na si Ronald Faina. In fairness, ang layo na talaga n'ya, kasa-kasama na siya lagi sa Pinoy Big Brother! Bye the way, ang mga kasama ko nga pala kanina ay sina Red, Tin at Mylene a.k.a. Vilma, a.k.a. Burubudur na jowa ni Oliver a.k.a. Nos, hehehe. Wala na kaming nagawa kung hindi i-enjoy na lang ang pagpunta namin sa Las Pinas. Pumunta kami ng Alabang Town Center. Okay naman siya pero hindi siya nalalayo sa Glorietta at Eastwood. Siguro hindi lang para sa amin ang audition na ito, maybe God has bigger plans. Hehehe, pero siyempre, hindi naman iaasa lang dapat kay God, dapat ako rin mismo ang kumilos for my own progress, tama ba ako? Hallerrrr!!! Hanggang dito na lang muna, sakit na ng kamay ko. Bye!!!
Serious About Pinoy Big Brother
Maging housemate kaya ako? Well, yan ang tanong ng karamihan ng mga ka-forum ko. Lahat kami ay hopeful na makasali sa Pinoy Big Brother Season 2. I have my birth certificate and all I need is to choose a close-up and whole body photo among my collection. Sa ngayon, wala pa akong trabaho kaya okay ang pag-o-audition sa akin, sana matanggap ako, or else, I need to find a work as soon as malaman namin ang resulta. Sa Sunday na ang last audition within Metro Manila, gaganapin ito sa SM South Mall. Mukhang hindi ko pa 'ata nararating ang South Mall na ito. Bandang Las Pinas 'ata 'to. I've heard a news from the office na nag-audition si Maynard sa SM North EDSA at ang sabi, pang-14 raw siya. Hallerrrr!!! Hindi pa kaya tapos ang audition, obviously, it's not true. Hay grabe, I'm so excited for this thing. May mga nagsasabi na pwede raw akong sumali. Actually, sa tingin ko, lahat naman ay may equal opportunity for this show. Sana lang talaga ay matanggap ako! For now, sa bahay pa rin ako. Hindi ko na sinipot yung interview sa Makati for Travel Rep dahil malamang, mali yung iniisip ko. Malayong dalhin nila ako sa ibang bansa dahil call center pa rin ang bagsak ko. Kung magko-call center lang din ako, sa Sitel na lang kung nasaan sina Jovie, Janice at Lew. Grabe, ubos na ang pera ko. 3,000 pesos na lang ang natira sa ATM ko, tapos nag-withdraw pa ako kanina. 2,000 para kay Ate Fannie, 500 kay JR and 500 for me, panggastos ko this Sunday sa audition. Wish me luck, sana matanggap ako!!!
Moving On
Fresh na fresh ang aking feeling dahil bagong ligo ako. Ngayon lang ulit ako nakapag-post sa blog ko dahil medyo wala ako sa mood mag-post the past few days, alam n'yo na, medyo lutang at hindi pa nakaka-move on sa aking resignation. Kaninang tanghali, nagpunta ako sa office para mag-pasa ng resignation letter. Dumaan muna ako sa Netopia para doon i-edit yung letter ko. Nag-internet din ako at the same time binuksan ko ang account ko sa Jobstreet. Nagki-click click ako ng kung anu-anong position like CSR at Travel Representative, kaya kanina, bago ako maligo, may tumawag sa aking lalake. He interviewed me for the position of Travel Representative. Wala akong idea kung ano ang isang travel rep, kaya ang sinabi ko na lang sa lalake ay 'it has something to do with tourism', grabe, naloka talaga ako. Hindi ko akalain na makakapasa pa ako sa phone interview. I'm not expecting this, kaya tomorrow, may appointment agad ako, 5PM sa RCBC Tower sa Makati. Goodluck sa akin! Oh sha, magbalik tayo sa nangyari kanina. Kina Lorie at MeAnne ko na lang ipinasa yung resignation letter na naka-address kay Sir Don since hindi pa naman siya dumarating, and besides, sinadya ko na rin na hindi na pumasok sa office. Baka next week na lang ako pumasok ng office along with Janice. Ano nga ba ang nangyayari sa akin the past few days? Nung Sunday, sumama ako sa Team Building ni Oliver sa Laiya, Batangas. Hindi naman masyadong malayo ang place. Around 3 hours 'ata ang biyahe pero sulit naman dahil kasama ko ang mga friends ko. Kasama namin ang tatay ni Oliver na siyang nag-drive ng sinasakyan namin, kasama sina Oliver, Azenith, Maxene, Gel at Renan. Yung isang van naman ay kay JM. Doon sumakay sina Karen, Rico, Alice, Brooke, Glenda, Rennel a.k.a. Yao Ming, John, Cielo at Love Joy. Sumunod sa amin sina Sir Denich, Cid, Uno at ang nagda-drive ay si Edmond. Grabe, ang dami pala namin, 21 kaming lahat. In fairness, ang ganda ng lugar. Parang white sand siya at hindi ganoon karami ang tao. Sa isang container van lang kami nag-stay pero okay din naman dahil may aircon at kumpleto sa gamit. Nag-enjoy talaga ako sa outing na ito. May volleyball, may games (Pinoy Henyo), may inuman at may snorkeling din. Ang saya talaga, kahit paano, medyo nawala sa isip ko ang pag-alis sa C3.
For now, I'm trying to move on. Hopefully makahanap ako ng trabaho na babagay sa akin and at the same time, yung trabahong enjoy at hindi stressful. Susubukan ko rin na sumali sa Pinoy Big Brother Season 2! Humanda sila! Bwahahahahaha!!!!
Paalam ABS-CBNi
Sobrang lungkot ko ngayon. Resigned na ako sa C3 or HTMT. August 19, 2003 ang unang araw ng training ko sa C3, about 2 years and 10 months ago. Naging sobrang emotional ako sa pagpapaalam ko last night saka kanina. Ang sakit sa loob at masikip sa dibdib. Ganon pala ang feeling kapag iiwanan mo na ang isang bagay na naging buhay mo na. Imagine, ang dami kong napagdaanan sa C3, ang dami ko na ring naging kaibigan. It's not easy to leave them just like that. I just hope na maging masaya pa rin ako sa bago kong papasukang trabaho. For now, pahinga muna ako. I lied to Sir Don. Hindi ko sinabi ang totoo na wala pa talaga akong nalilipatan. I hope maintindihan n'ya. Sawa na ako sa trabaho, but I'm sure na mami-miss ko rin lahat lahat. Bye!
2nd To The Last
Magandang hapon po. Mamaya na ang second to the last day ko sa opisina. Desidido na akong mag-resign bukas! Sa totoo lang, hindi ganoon kadaling pagdesisyunan ang pagre-resign ko. I've been with the company for almost three years now, and yet napabagal ng progress sa career ko, at the same time, mababa pa ang suweldo. I need a greener pasture. Alam n'yo, everytime na iisipin ko ang pag-alis, it breaks my heart. Hindi na ako masaya sa ginagawa kong pakikipag-usap sa mga customers at iba-iba pa ang concern. Kaya lang, kapag nawala na ako sa C3, I'm sure, marami akong mami-miss. Yung mga friends ko and of course, yung trabaho mismo, kahit sabihin ko pang sukang-suka na akong mag-assist sa mga customers. Halos naging buhay ko na rin ang pagpasok sa C3. So far, hindi pa ako nagsasabi kay Mother Gigi na magre-resign na ako. Wish me luck later! Wala pa rin akong resignation letter. Ewan ko ba! Sa totoo lang, kapag iniisip ko na siya, nalulungkot na ako, parang gusto kong umiyak na lang. Kapag nga pumapasok ako the past few days, para na lang akong lumulutang. Wala na ang drive ko para pumasok. Nakakatamad na. Feeling ko nga depressed na ako. Parang gusto ko laging may kasama. Haaay buhay! Napakahirap talagang iwanan ang mga tao at bagay na napamahal na sa'yo. (Emote mode lang, hehehehe)Goodluck!
JP, Nasa Manila Pa!?
Hindi pa raw nakakaalis si JP??? Yan ang sabi ng mga nakaforum ko kanina na sina Ava at Wino na ka-close ni JP sa forum. Well, baka dito nga siya mag-se-celebrate ng birthday! Nakatapos ako ng isang music video ngayon. "She" by Elvis Costelo. Ang pinaka-highlight ng video ay sina Danny, Renan at Mirasol. I hope na maaliw ang mga officemates ko with my new creation. Bye!
JP's Last Day In Manila
Pagod pa ako! Just came from ABS-CBN Compound. Hay, kakapagod talaga. Kanina, after ng shift ko, natulog muna ako sa office dahil imi-meet ko sina Red, Tin, Ahl and JP sa SM Megamall. Ang original plan ko ay pagkagising ko, didiretso na ako sa SM Megamall para kitain sila. Nagbago ang plans ko nang i-text ako ni JP na gusto raw nyang sumabay sa akin papunta sa SM Megamall. Gusto n'yang magkita muna kami sa SM North EDSA. So, instead na tumuloy agad ako sa Megamall, I decided na pumunta na muna sa SM North EDSA para i-meet ang cute na cute na si Papa JP. Nakakatuwa, ang plan kasi ay sila ni Red and magmi-meet and it turned out na sa akin nakipag-meet si JP, bwahahahahaha, poor Red! Originally, 2PM ang kitaan namin sa Megamall. 3PM na nang magkita kami ni JP sa SM North EDSA. Naglakad kami sa SM papuntang North Station ng MRT. Sobrang init to the max talaga. Okay lang yun, kasama ko naman si Papa JP! No worries. Sabi ni JP, first time raw n'yang sumakay ng MRT. Nakakatuwa naman, first time n'ya at ako pa ang kasama n'ya, how sweet! Hallerrrr!! Pagdating namin ni JP sa Ortigas Station ng MRT, umuulan pala. It means na after namin magpawis sa kakalakad from SM North to MRT Station, nagbasa naman kami sa ulan.
4PM na nang makarating kami ng Megamall at doon na namin kinita sina Red, Ahl and Tin. Kumain kami sa Yellow Cab at umorder kami ng 18 inches na pizza, sobrang nakakabusog! Super kodakan kami doon, then umalis na rin si Ahl ng 6PM dahil nag-away pala sila ng asawa n'ya. Buti na lang, dumating si Oliver a.k.a. Nos. Siya ang kasama naming nag-billiards. Grabe, sablay-sablay ako kanina sa bilyar. Dati, nung college, feeling ko ay medyo magaling ako, ewan ko ba kung bakit nawala na ang galing ko ngayon??? Anyways, after mag-billiards, hinatid na namin si Red sa sakayan n'ya, then nag-decide kaming pumunta sa ABS-CBN para i-tour si JP. Pinakita namin sa kanya ang Big Brother House at tumambay naman kami sa Starbucks sa The Loop. Sumunod sa amin sa Jay. Puro kwentuhan lang ang naganap since wala rin naman kaming ibang gagawin. I hope nag-enjoy si JP sa pagpunta namin sa ABS-CBN dahil tomorrow na pala ang alis n'ya. Actually, he's supposed to leave yesterday pero hindi natuloy, so tomorrow na talaga siya aalis. Sobrang tahimik lang siya at hindi siya palakuwento. All throughout, puro kami-kami nina Tin, Jay at Nos ang nag-oopen ng topic. Okay lang naman yun, it adds mystery, hehehehe!!! Hay grabe, napagod talaga ako! Byers!!!
Forumers At Laffline
I'm so bad!!! Tinamad na naman akong pumasok! Part na ito ng countdown sa pagre-resign ko! Hindi na ako nakapasok dahil sobrang nag-enjoy ako sa Laffline kasama ang mga forumers. Syempre, hindi mawawala sa lakad sina Tin at Red. Kasama rin namin si Oliver a.k.a Nitrous Oxide. Sumama din si Dwight, unexpectedly. This time, may mga bagong forumer din akong na-meet. Sina JP a.k.a. JP Kalog, Jay a.k.a. Mapangahas and si Onin a.k.a. Cyberkada.Kakaiba talaga 'pag comedy bar. Hindi lang nakakatawa, may halong takot at kaba pa! It's my second time in Laffline. Ang mga performers last night ay sina Vice Ganda, Maui Taylor and Janelle Jamer of Wowowee. Grabe, ang galing talaga ni Vice Ganda although yung ibang mga jokes n'ya ay umuulit. In fairness talaga with Vice Ganda and Janelle, they're really nice in person. Okay lang sa kanilang magpa-picture, hindi sila feeling star! I like them! About the forumers naman, mukhang nag-enjoy naman sila sa kakapanood. Lalong-lalo na si JP. Grabe, ang guwapo talaga ni JP. Cute siya sa mga pictures n'ya, and guwapo siya sa personal! After namin mag-Laffline, kumain kami sa Burger King. Tapos, after ng kaunting kwentuhan sa Burger King, nag-uwian na rin yung iba. Sina Red, JP, Jay at Onin naman ay pumunta pa sa bahay namin at nag-stay until 6 in the morning. Wala naman silang ginawa, nag-upload lang kami ng mga pictures and sina Jay at Onin ay natulog sandali. Grabe si JP, may puntong Bisaya pero it doesn't matter. He's really cute! Sayang nga lang, until Monday na lang siya sa Manila at uuwi na siya ng Surigao. Masyadong maikling panahon!
Alice At Glenda, The Sleeping Visitors
Good afternoon! Hindi ako makatulog! Ang dalawang bisita ko ay mahimbing pa rin ang pagtulog. Ang dalawang bisita kong 'to ay walang iba kung hindi sina Glenda at Alice. Mabuti naman at kahit paano ay natuloy ang pagpunta nila dito. Si Brooke, hindi na nakapunta dahil sobrang antok raw siya. Last night, umeksena ako sa office. Rest day ko talaga pero nagmaganda ako. Pumasok pa rin ako kahit walang pasok. Ang ending, pinauwi ako ng alas-dos. Nagkaroon pa ako ng mga Piolo-Juday hardcore fanatics na sobra ang reklamo sa teleserye nilang Sa Piling Mo. Tama ba naman na pagbantaan pa akong ika-cancel nila ang service kapag hindi nagkatuluyan sina Piolo at Juday! Haller!!!Mamayang gabi, kikitain ko sina Tin, Red at JP sa SM North. Hindi ko tuloy alam kung mag-aabsent ako mamaya or magha-halfday lang! Naku!!!
Kapamilya, Deal Or No Deal
Good evening!
Hanggang ngayon, masakit pa rin ang katawan ko! Nag-volleyball kami kahapon sa Club 650 and its been a year since last kami naglaro. Grabe, ang sakit ng kamay at likod ko. Matagal-tagal na rin akong hindi napagpapawisan kaya tama lang 'yon. Kasama kong maglaro sina Mervin, Rico, Gel, Jeff, Sailem, Uno, Brooke, Mother Gigi at yung programmer na si Glen, na super crush ni Veron. Nung una at pangalawang round, nanalo kami ng mga ka-team ko. By the way, kakampi ko pala sina Mervin, Sailem, Mother Gigi at Brooke. Nung umalis na si Brooke, that's the time na natalo na kami. I admit that I'm not a good player, even before, nag-eenjoy lang ako sa paglalaro.
Rest day ko tonight, and ang shift ko na for this week is by 10:30PM-7:30AM. Palapit na nang palapit ang araw ng resignation ko. Ewan ko ba naman. Parang hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko. Nag-aambisyon pa akong maka-join sa Pinoy Big Brother. Wish ko lang na mapili ako kapag nag-audition ako. Goodluck!
Sa ngayon, enjoy lang ako sa panonood ng mga foreign shows like America's Next Top Model With Tyra Banks, Queer Eye For The Straight Guy, Tyra and a whole lot more. Actually, parami nang parami ang magagandang shows sa TV. Kanina ang first epsiode ng Kapamilya, Deal Or No Deal hosted by my favorite, Kris Aquino. So far, parang regular portion lang ito sa mga noontime shows. I'm not sure if it will bring good ratings, hopefully maging maganda ang feedback ng mga viewers. First contestant nila si Mae Rivera, isa siyang singer na ngayon ay naghihirap na. Parang Pera O Bayong ang show na ito pero may thrill dahil one by one nilang binubuksan ang laman ng 26 briefcases. May excitement din kaya lang isang contestant lang ang maglalaro per episode kaya parang bitin.
Balik na naman ang forum sa Pinoycentral, kaya lang, wala na ang mga usernames namin although may existing account pa rin ako. Hindi naka-display ang username pero may avatar pa rin naman. Hindi na ako ganoon ka-excited sa forum, siguro dahil matagal din nawala.
Kim Chiu Is Teen Big Winner
Good afternoon!
Hindi kami natuloy nila Red at Tin kahapon sa pakikipag-meet kay JP Kalog, sa June 9 na lang kami magkikita-kita para mas masaya, mas marami ulit kami.
I'm about to leave. Pupunta akong Club 650 dahil may laro kami ng volleyball. Malapit na ang tournament sa office pero since magre-resign na ako, hindi na ako makakasali kaya hanggang sali na lang sa practice. Grabe, isa na 'ata yun sa mami-miss ko sa C-Cubed, yung volleyball namin every week.
Last night, ginanap na yung Big Night sa Pinoy Big Brother Teen Edition at ang Teen Big Winner ay si Kim. Second si Mikee, third lang ang pambato ko na si Gerald at fourth naman si Clare. I'm not that happy with the result pero okay lang dahil hindi ko rin naman masyadong nasubaybayan ang series na ito. Baka bumili na lang ako ng DVD ng Teen Edition once na available na.
Pink Life
Good afternoon!It's Saturday and tonight will be Pinoy Big Brother Teen Edition's Big Night. Who'll be the Big Teen Winner? Hmmm, I hope it's Gerald.I'm currently downloading dance tracks Pink Life by Gyskard and Dove (I'll Be Loving You) by Moony. These are club music popular among people of Malate. These are gay music and it actually reminds me of Pau. I've asked him the titles of these tracks and he immediately answered me. I'm a bit sad coz Pao no longer text me. I honestly miss him. I don't know, maybe we're not just meant for eachother. Last night, I didn't go to work coz I don't feel like answering calls. Janice called me up last night and she told me that her basic salary is 17 thousand which is much higher than what I'm earning now, that made me decide not to work last night. My resignation is not until the 18th of June. I wanna resign as soon as I get my salary on the 14th. Things are getting hopeless for people in ABS-CBNi. Those whose ranks got elevated will go back to their original jobs. Later this day, Red will inform me if we'll go out coz JP, one of the forumer is here in Manila. He's cute but I think he's small. I wanna meet him coz he's one of the funniest forumer in Pinoycentral. Byers!
Aya's Birthday
Yesterday, umattend ako sa birthday ni Alyanna Nicole or Aya for short. Second baby ni Honey at two years old na siya. Kasabay ng celebration ng birthday n'ya ay first birthday naman ni Ashanna, yung third baby girl ni Honey. Hindi naman po obvious na mahilig gumawa ng baby girl si Honey, hehehehe! Nakakainis kahapon kasi yung mga dapat na kasabay ko, sina Nat at Joanna ay hindi nagparamdam. Mukhang tinulugan ako. After ko magpagupit at mag-internet sa Eastwood, nag-decide ako na pumunta ng office. Nakasalubong ko si Ben, yung dating officemate ko rin sa C-Cubed, ang ganda ng car n'ya in fairness, bagong-bago. Itong si Ben, nililigawan n'ya ako, pero ayoko sa kanya. Ano nga bang dahilan bakit ayaw ko sa kanya... hmmm.... basta, secret na yun, hindi ko gusto mga style n'ya, ah ewan, basta hanggang friends lang kami. Going back sa mga nangyari, naabutan ko pa sa office sina Rico, JM at Chester. Good thing at may kasabay ako. Sabay sabay na kaming pumunta sa Marikina. Pagdating sa venue, ang dami na palang taga-office ang nandoon. Nandoon sina Sir Joey, Mam Elena, Myra, Jalou, Mike, July, Dennis (Raiden), Tessa, Annjo, Joy at sumunod din sina Bradley, Charlie, Irene Grace Silvosa (ang babaing laging mag 6 thousand pesos na Exceed), Hernz, Donna, Joanne, Joanna at Nat. Haaay, late ang dalawa. Mabuti na lang at hindi ko na sila hinintay. Grabe talaga ang birthday, may lasing pang nakipag-chikahan sa akin. Gusto n'yang ipakilala ko siya kay Joanna pero hindi umubra ang powers n'ya sa 'kin, hehehe!!!Ngayon naman, kagigising ko lang ngayon at nagmamadali papuntang Cubao dahil pupunta kami sa piyesta kina Glenda sa Bulacan. Byers!