Thursday, March 30, 2006

She's The Man

Good evening everyone!

Sinabi ko sa previous post ko na mukhang hindi na kami magkikita ni Nina. I was wrong. After kong mag-internet, pumunta ako sa Bench at bumili ng styling stick para sa buhok, tapos nag-decide na akong pumunta sa office namin. Naglakad ako papuntang Citybank para mag-commute papuntang Wilcon. Nasa Citybank na ako nang bigla kong nakasalubong si Jane, ang pinsan ni Nina. Magkikita pala sila ni Nina. Ayun, hinintay namin sa McDonalds si Nina, tapos pagdating n'ya kumain kami sa Ineng's Barbecue sa Eastwood. Kasama ni Nina yung mga kasamahan n'ya sa training ng pagiging medical transcriptionist tapos nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Hindi na ako nag-commute, bagkus, sumakay na lang ako ng free shuttle from C3 (the old site) patungong HTMT (the new site).

Sa pagkaka-alam ko, ang shift ko ay 1:30AM, ayun pala, 4AM dahil nakipag-swap sa akin si Tin-Tin. Natulog muna ako sa quarters para naman makapag-recharge. Tapos pagkauwi, niyaya ako ni Janice at Blue na pumunta ng Robinson's Galleria. Kasama namin si Jeff. Nanood kami ng She's The Man. Ang ganda ng movie. Okay siya, cute ang story. Si Amanda Bynes ang bida. Pero hindi yun ang ikinasaya ko, mas naaliw ako sa cuteness ng mga Amerikanong lalake sa film. Ang ku-cute nila. Sobrang ganda ng mga katawan at super cute ang mga face! Channing Tatum yung name ng cute actor. After that, kumain kami sa KFC then bumili sina Janice at Blue sa Bench ng kung anik-anik. Grabe, summer na summer na talaga, yung mga tinda nilang mga damit, cologne and mga accessories, mga pang-summer talaga! Nung medyo napagod na kami, tumambay kami sa Gloria Jeans. Umorder ng maiinom tapos nag-yosi at kwentuhan. Si Blue ay naglabas ng kanyang mga sama ng loob about sa incident na nangyari sa kanila ni Strasse. Hay buhay!


Pagka-uwi ko ng house, around 10PM na, nanood pa ako ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nagkaroon sila ng Big Debate. In fairness sa mga supporters ni Keanna, sina Direk Joey Reyes and Ces Quesada, ang galing ng depensa nila kay Keanna Reeves.

Wednesday, March 29, 2006

Too Many Photos

Nandito ako ngayon sa Utopia Internet Cafe sa loob ng Cybermall sa Eastwood. Umalis ako ng maaga dahil balak ko sanang kitain si Nina kaya lang hindi naman siya nagreply sa text ko kaya maya-maya ay pupunta na ako ng office para matulog. Buong mag-hapon, wala akong ginawa kung hindi mag-stay sa kwarto ko. Nag-internet, nagdownload ng mga kanta, tapos nag-ayos rin ako ng photo album ko. Grabe, ang dami-dami ko na palang picture, hindi ko na siya ma-manage. I need to buy a really big album for myself!

Sunday, March 26, 2006

ABS-CBN Australia Two-Day Refresher Training

I'm so sleepy na! Sa wakas, natapos na rin ang Two-Day Refresher Training namin for ABS-CBN Australia. Kahapon, si Sally ang nag-train sa amin, everything about customer service, billing computations and details, creation of new accounts, computation for mileage at kung anu-ano pa. In fairness, natuto talaga ako nang maigi kahit na medyo boring magturo si Sally (no offense meant, but that's a bit of truth). Ngayon naman, technical concerns ang ni-refresh namin. Si Dean ang nagturo. I expected it to be lively all throughout pero bigla na akong inantok on the latter part. Yung tungkol sa technical, wala na masyadong bago dahil halos araw-araw, technical concerns ang hina-handle ko. Kasama ko sa training sina Mabz, Tessa, Belle at ang aking ex-crush na si Sam. For me, maganda yung kinalabasan ng training dahil mas nagkaroon ako ng confidence na mag-handle ng mga tawag from Australia.


About forum naman, hindi na ako masyadong naging active the past few days dahil medyo nawala ako sa momentum at wala na ako masyadong kasagutan like Red, Errol, Jam at Eds. Inaamin ko, I always take them for granted, ngayon ko lang nare-realize na mahalaga pala talaga ang mga kaibigan. In a short span of time, naging close ko na rin sila. Ngayon nga, wala na ang dati naming tambayan. Yung Halo-Halo na thread kung saan itinuring na naming bahay sa forum. Nakakalungkot siya in a way pero okay lang dahil marami namang nagbukas na bagong topics like Campus Life, Sport & Leisures, Hobbies, at kung anu-ano pa. Wish ko lang wag magbago yung number of posts ko. Ngayon, pang-anim na lang ako sa top 10 posters.

About Pinoy Big Brother Celebrity Edition, last night, si Budoy ang natanggal. I promised to vote him but I didn't. Wala naman kasi akong pang-text dahil wala na rin akong pang-load sa ngayon. Sayang at hindi siya nakasali. Isa pa naman siya sa pinakatahimik na housemate sa bahay and hindi siya komplikado unlike nina Zanjoe at Bianca na obvious ang pagka-MU (mutual understanding) sa loob ng bahay. Sa ngayon, kasama na nina Keanna at John sina Zanjoe at Bianca sa Big Four. Basta ako, I'll vote for Keanna Reeves. She deserves to be the Big Winner!

Thursday, March 23, 2006

Voluntary Exit For Rustom

I'm so full! Pagdating ko kanina, nagpabili ako ng dalawang mais, kumain ako ng mga chocolate covered raisins na dinala ni Ate Baby at kumain din ako ng kanin at fried chicken. Busog na busog na ako. Kanina sa office, dalawang break ko ay itinulog ko lang sa pantry. Sa tingin ko, imbes na lumabas-labas ako at mag-yosi, itutulog ko na lang. Aside from avoiding bad habit, nakaka-recharge pa ako kapag nagtatrabaho na after ng break time. Ang sarap magpahinga!



Last night, imbes na magkaroon ng eviction through voting, ibang exit ang nangyari. Nagdesisyon si Rustom Padilla na lumabas ng Big Brother House dahil sabi n'ya, na-fulfill na n'ya yung mission sa bahay. He didn't intend to win those prizes. Sayang talaga yung pag-alis ni Rustom. Ang gusto ko pa naman sana na makasali sa Big Four ay sina Keanna, John, Budoy and Rustom since sila-sila na lang ang nasa bahay along with Zanjoe and Bianca. I don't like Zanjoe and Bianca, para silang love team na hindi mapaghiwalay. Pansin na pansin na ang pagiging close nila sa isa't-isa. Everyone's aware na may boyfriend na si Bianca, and yet, kung makadikit siya kay Zanjoe, parang mag-jowa sila.

Wednesday, March 22, 2006

Birthday Ni Chok-Chok, Ed's Son

Magandang tanghali po sa inyong lahat! Another day of survival for me. Kahapon, pumunta ako sa birthday ng anak ni Eds. Ang name ng baby boy n'ya ay Justine, ang palayaw n'ya ay Chok-Chok. Sa loob U.P. Diliman Campus ang bahay nina Eds. Ako ang pinakaunang nakarating among her visitors. After kong kumain, natulog muna ako saglit sa taas nina Eds. Sumunod na sina Jam, Errol at Melcar around 8:30PM. Sobrang late na sila nakarating pero okay lang dahil inuman naman talaga ang pinunta nila doon. Ako naman, may shift pa ng 12 midnight. Grabe talaga, uminom kami ng pineapple juice na may halong brandy. Ang bilis ko talaga nalasing, kitang-kita yung pagka-red ng skin ko after namin uminom. Around 11PM, nag-alarm na yung cellphone ko pero pinigilan nila akong umalis. 11:15PM, nag-alarm ulit pero napigilan na naman nila ako. Mabuti na lang at nang 11:30PM na, tumayo na ako at nagyaya nang lumabas. Ayun, wala silang nagawa, sinamahan nila akong sumakay ng taxi sa labas dahil sobrang nagkakatakutan kami. Nakarating ako sa office 6 minutes before my shift. Sobrang pula pa ng skin ko, obvious na obvious ang pagkalasing ko. Ang ginawa ko, para hindi mapansin ng mga guard, nakisabay ako sa mga agents na pumasok sa office. Thank God at hindi nahalata. Hindi agad ako pumasok ng shift ko, nagpalipas pa ako ng thirty minutes para medyo mawala yung tama ko. Nung maglog-in ako ng 12:30AM, wala namang nakapansin kaya okay lang, hehehehehe... Ang nakakainis lang, sobrang daming calls talaga kanina sa office. Ang sakit-sakit kaya ng ulo ko, sobra! Hay nako, mabuti na lang at nakuha ko na rin yung mga inorder kong DVD's kay Lois, yung Zathura, Charlie And The Chocolate Factory at Herbie Fully Loaded. Excited na akong mapanood sila, pero paano naman kaya yun, wala naman kaming matinong DVD player? Hehehehe, bahala na... see yah next time!

A quick Pinoy Big Brother update, si Rustom, mukhang magvovoluntary exit. Well... let's wait and see. Sayang naman kung ganon'. Tsk tsk tsk.

Monday, March 20, 2006

Loreland Part Two


Haller! Good day everyone!

Hanggang ngayon, feel ko pa rin ang pagod dahil sa outing namin kahapon. Ang mga forumers ay nagkita-kita ulit. Kasama sa outing kahapon sina Tin, Janice, Errol, Jam at Red. Ang original plan namin ay magsu-swimming kami sa private resort sa Angono, Rizal pero since hindi naging maayos ang corrdination namin with the caretaker dun sa pupuntahan namin, nag-iba ang plano. Sa Loreland na lang kami pumunta, sa may Antipolo. It's my second time there. First time nung nagyaya si Jassey.

As usual, ang ingay-ingay na naman. Kapag talaga nagsasama-sama kami, no dull moments talaga. Ang saya-saya. Sumakay kami sa car ni Tin, may driver siya kaya hindi kami nahirapan. Ang saya nung part na pumunta kami sa palengke ng Antipolo para bumili ng mga madadala sa resort. Para kaming nasa Ambush Make-Over, ang saya talaga.


Nung nasa Loreland na kami, too late, naabutan namin sina Len-Len na nagse-celebrate naman ng birthday n'ya that time pero pauwi na sila. That's okay dahil masasarap naman yung foods namin, ang daming mangga at singkamas. Super swim din kami at mabuti na lang, kaunti lang ang nainom namin. Tapos, past midnight, nagkwentuhan kami ng mga nakakatakot. Yun ang pinaka-nakakaaliw na part. Sobrang nagkakatakutan kami sa mga kanya-kanyang stories tapos nung part na may amoy bulaklak, biglang naglabasan, pabilisan pa kaming lumabas sa loob ng cottage na pinaglugaran namin. Kwela talaga, as in!

Saturday, March 18, 2006

Farewell For Rico & Roxie


Hello Philippines and hello world!

Magandang gabi po sa inyong lahat. Kakatapos ko lang pong maligo dahil ako'y may duty pa later. Nanood ako kanina ng 5th Eviction Night sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Ang mga nominees ay sina Zanjoe, John and Rico. Na-evict si Rico. It's his third time to be nominated and sa ngayon ay bumingo na siya. Kahapon naman, si Roxie ang nagpaalam dahil mas pinili n'ya na mag-march sa graduation rights n'ya sa Miriam College. Buti naman at mas pinili n'ya yung graduation, kung hindi, maraming maiinis sa kanya, I'm sure. Mabuti na lang at wala na masyadong iyakin sa bahay. Grabe, iilan na lang ang mga housemates sa bahay. Nandoon sina Zanjoe, John, Bianca, Budoy, Rustom and my favorite Keanna. Hopefully, makasama sa final four si Keanna.

Pagka-out namin kanina, sabay-sabay kami nina Janice, Deng, Joana at Donna sa jeep papuntang Cubao, then nung nasa Cubao na, humiwalay na si Janice, tapos kaming apat naman, pumunta sa Dunkin Donuts para tumambay. Iba't-ibang issue ang napag-usapan namin. Andyan yung matagal nang issue about promotion, napag-usapan din namin yung increase ng sahod and almost about everything sa account namin. Halos lahat pala kami ay may kanya-kanyang sentiments. Hay basta.

Ngayon na ang last day ni Elaine and medyo nakakalungkot dahil talagang masayang kasama si Elaine. Anyways, tomorrow na pala yung smimming namin. Summer na talaga, usong-uso na ang mga Summer colors like yellow, orange, pink at blue kung anu-ano pa! Kanina nga nung nag-window shopping kami sa Gateway, nakakafrustrate. Gusto kong bumili ng napakaraming Summer outfit kaya lang wala naman akong pera, hmmmmph! Di na bale, ngayon lang naman yan eh, kapag nagkaroon ng ako ng malaki-laking kita, mabibili ko rin lahat yan. Bye!

Thursday, March 16, 2006

Gretchen Got Evicted

Ang hirap pala talaga mag-abroad!!! Grabe, kanina pa lang, first step pa lang, parang nakakadiscourage na. Pumunta ako, kasama si Opalyn sa National Statistics Office sa East Avenue, sobrang haba ng pila at sobrang init. Pumila kami pero nang nasa kalagitnaan na, nag-decide na lang ako na umalis dahil hindi ko na kayang tiisin. Ang bagal ng usad ng pila at sobrang init pa. Paano nga ba naman hindi mahihirapan ang mga nag-aapply for authenticated birth certificates. Good thing at mayroon silang hotline kung saan pwedeng mag-request ng authenticated birth certificate. Pilipinas Teleserv Inc, ang solutions provider nila. Ito yung ka-tie up nila sa pagsagot ng mga tawag for requests on birth, marriage and death certificate. Kailangan nga lang magbayad ng extra, but that's okay since yun lang ang pinakamadaling paraan para makakuha ng authenticated birth certificate. After that, pumunta naman kami ng SM Megamall para magpa-renew ng NBI. Unfortunately, hindi ko dinala yung lumang NBI clearance ko. Hindi talaga pumasok sa isip ko yun. Nasa office pa naman yung original NBI ko.

By the way, about Celebrity Pinoy Big Brother, si Gretchen Manalad ang fourth evictee. I think that she's one of the strongest housemate since she's an athlete and she's not that bad in dealing with most of the housemates. Minalas lang siya dahil hindi nagwork ang mga powers ng fans n'ya through text votes. Yung mga natirang nominees, sina John, Rico and Zanjoe, ay may haharapin pa rin na eviction sa Saturday. For this week kasi, simula na yung dalawang eviction per week. I hope Keanna will remain strong!

Tuesday, March 14, 2006

Teriyaki Boys And Girls

My goodness gracious! Ang sakit ng paa ko! Ang sarap talaga kapag pay day, you can do all you want. Kagagaling ko lang ng Shopwise. Magkakasama kami nina Janice, Red, Jam at Blue. Ang saya-saya, feeling ko, sobrang dami kong napamili pero nung tinignan ko na at nilabas sa plastic bag, kaunti lang pala. Bumili ako ng mga noodles, luncheon meat, fresh milk, canned drinks, shampoo, mga fruity soaps at kung anu-ano pa. Grabe, usong-uso na sa grocery ang mga summer stuffs. Parang ang sarap mag-swimming!

Bago kami pumunta ng Shopwise, nagpunta muna kami ng Eastwood para bumili ng Kris Aquino Magazine na ipapadala namin sa Japan para sa new friend namin sa forum na si Ate Mary. Bumili rin ako ng CD para sa mga ibe-burn ko na pictures. Kumain kami kanina sa Teriyaki Boy. It's my first time to eat there. It's a Japanese restaurant which caters for class A, B and C. Medyo may kamahalan siya pero hindi naman ganon, affordable pa rin for working class like us. Ang inorder ko kanina ay yung Teriyaki Boy's Chicken Don, para siyang chicken with barbecue sauce topped on a Japanese rice. It's kinda common pero okay lang, kesa naman oorder ako ng food na hindi ko alam ang lasa. I don't eat Japanese foods like sushi's and other fresh items. I preferred cooked dishes rather than fresh when it comes to fish dishes. In fairness talaga, ang bigat sa t'yan ng kinain ko. Hay nako, magpapahinga na muna ako ngayon, papasok pa ako mamayang 1:30AM. Byers!

Monday, March 13, 2006

Kick Off Party 2006

Good afternoon people!

Ang saya-saya ng Kick Off Party 2006. Ginanap ito sa old building ng C3 sa Eastwood. Ito na ata ang pinakahuling Kick Off Party ko sa taong inilagi ko sa C3 or HTMT. Anytime soon, magreresign na ako for greener and better pasture.

The foods, ano nga bang masasabi ko? Well, walang binatbat ang party the past 2 years. Mukhang mas engrande talaga ngayong taong ito. They have pasta, ham, salads, buttered vegetables, desserts, soups at umaapaw ang beer at namimigay ng free Jose Cuervo Tequila.

The event itself, hmmmm... Nag-hire sila ng mga performers, some sort of stand-up comedy act. Sobrang daming agents ang nagperform. Sa ABS-CBNi pa lang, dalawang bands na ang nagperform, yung band nina Cid at yung ACW nina Jiro and Nica. Ayoko lang yung mga selections nila since I'm not really a big fan of rock and reggae. Mas gusto yung mga tipong show band na pop and dance ang kinakanta. In fairness talaga with my co-workers, well attended talaga ang Kick-Off dahil sa ABS-CBNi, mukhang kami yata ang may pinakamaraming populasyon na umattend that night. Panay nga ang acknowledgement sa amin ng ibang band na nagperform.

Syempre,along with this event, hindi natin maiaalis ang mga disappointments and some problems. Nanalo ako ng Jose Cuervo Tequila, kaya lang hindi ko na naiuwi ng bahay dahil sobrang daming hayok sa alak last night. Medyo nadisappoint lang ako dahil naubos siya without my consent. Masama lang ang loob ko dahil mismong mga kasamahan ko pa sa account ang nag-take advantage. Sinumbong ko 'to kay Sir Don pero wala naman siyang nagawa.

Si Paula at Lois ay may kanya-kanyang issue din. Pareho silang nagngangawa dun. Umiyak si Paula dahil may nanghipo sa kanya during photo opportunities, at iyon daw ay ang agent na si Heinz. Later that night, na-corner din nila yun. Nagalit talaga si Lana, ang jowa ni Paula. Ang daming tumulong, ang mga ka-federacion ni Lana na sina Yuri, Annjo at Achel. Eto naman si Lois, umiyak dahil napahiya siya sa harap ng maraming tao nang sigawan siya ni Sir Don for some personal reasons. There was a time talaga na kinausap ko si Lois at kinomfort ko siya dahil super iyak siya. She doesn't know what to do. She confessed that the only superiors that she respects truly are Sir Don, Rico and Veron. Thank God that the evening didn't last without having both Sir Don and Lois reconciled. Mabuti na lang at nag-usap din ang dalawa.


Inis lang talaga ako at wala akong napala sa Tequila na napanalunan ko. Grabe talaga, ang daming nanalo from ABS-CBNi sa raffle. Yung napanalunan kong tequila, nauwi sa wala, mabuti na lang at nakuhanan ko na ng picture bago pa man maubos. Sa amin din nanggaling ang mga winners ng grand prizes, nanalo si Caloi ng bagong cellphone and isang migration agent naman ang nanalo ng trip to Bangkok for two.

Nag-end ang Kick Off sa dancefloor. Ang pinakagusto kong part ay nang tumugtog na ang Everafter. Sa stage talaga kami nagsayaw at walang ibang account nang magsayaw kami sa stage. About 2am, umuwi na rin ako, sumabay na ako kay Sir Don.

Sunday, March 12, 2006

Girls Visit

Good day!

Nagpunta ngayon dito sa bahay ang tatlo sa mga friends ko sa office na kasama ko rin sa pagfo-forums. Yan ay sina Janice, Eds at Red.

Hinintay ako ni Janice na mag-out ng 10:30am sa trabaho, then, dumiretso kami sa SM North dahil nagpagupit ako ng hair sa David's Salon. Ang nag-gupit sa akin ay si Renee, nung una, akala ko maganda talaga siya since hindi na siya ganoon kahaba, ngayon ko lang narealize na hindi pala siya ganoon ka-bagay sa akin. Mabuti na lang at mabilis humaba ang hair ko. After having my haircut, umuwi na kami ni Janice at kumain kami ng kanin at sardinas.

Dumating si Eds around 3 o'clock in the afternoon, then sumunod si Red. Sinundo pa namin si Red sa tapat ng bakery malapit sa Royal dahil saktong pagdating n'ya sa lugar namin, bigla namang bumuhos ang napakalakas na rain. Nag-pictorial to the max kami. Ang saya-saya, I wish marami pa kaming oras for that kaya lang, kailangan na naming pumunta sa Eastwood dahil Kick Off Party na! Bye!

Saturday, March 11, 2006

Aleck Leaves, Willie Returns

It's Saturday night! Mukhang pakonti na nang pakonti ang tawag. Kanina sa shift namin, halos isang oras kaming walang call dahil mukhang may nasirang linya sa trunkline namin.

Ngayon ang unang episode sa pagbabalik ng Wowowee after ang Ultra Tragedy. Last week, nagkaroon sila ng primer, "Pangarap at Tagumpay, Mga Kwento Sa Likod Ng Wowowee", kung saan ipinakita nila ang mga buhay ng mga naging contestants at kung paano binago ng Wowowee ang kanilang life. Naging maganda ang simula. Nagbigay ng kanya-kanyang pagbati ang mga pinakamalalaking celebrities headed by Noli de Castro, Kris Aquino, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Aga Muhlach, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Charo Santos and Dolphy. Hindi ganoon ka-impressive ang simula dahil parang hindi katulad ng dating crowd ang napanood ko. Mukhang kaunti lang ang nasa audience and hindi sila ganoon ka-wild unlike before.

Samantala, sa Pinog Big Brother Celebrity Edition, kanina rin naganap ang 3rd eviction night. Ang mga nominees ay sina Keanna, Aleck & Roxie. Aleck got evicted. Si keanna ang may pinakamataas na vote. Grabe, 60% ng text votes ay pumabor kay Keanna Reeves. Nag-text ako sa kanya twice, kakaiba talaga. Siya ang pinaka-totoo sa loob ng bahay. Nung inannounce na ni Toni Gonzaga na si Aleck Bovick ang evictee, nagtatalon si Aleck sa sobrang tuwa, kaya lang mukhang plastic talaga ang reaction n'ya. Mukhang kunwari lamang yung pa-cheer cheer n'ya. I don't like it. Anyways, tanggal na siya. Sana sa susunod si Roxie na ang matanggal.

Friday, March 10, 2006

Happy Birthday Trish & Jericho!


Happy happy birthday to my friends Jericho and Trish. I think Jericho's celebrating his 24th birthday while Trish is on her 25th or 26th, I'm not so sure.

I was suppose to meet my friends Janjay and Jay-Ar at the mall tonight but it didn't push through. Janjay doesn't feel like going, same with me coz I still don't have money. Can't wait 'til pay day. I'll be getting 2,000 pesos from Vilma and 500 pesos from Lavinia.

Thursday, March 09, 2006

Ang Kiss Ni Matet

Magkasunod ang rest day ko for this week. Nag-off ako last night and tonight.

Kahapon, nag-celebrate ng birthday si Kyla sa bahay ni Andy sa Pasig. Maraming umattend sa birthday. Nandoon sina Alice, Jasmin, Matet, Zach, Jiro, Lew, Royjet Sarigumba, Ogen, Errol, Allan, Kenny, Rob, Adrian, JM, Edward at Arwin. Masaya ang birthday at sobrang ingay. Ang ininom namin ay Emperador Brandy. Puro ako yosi, kapag walang magawa, sige yosi pa rin. Pictorial to the max ulet, syempre, with the help of my Kodak Digicam. Ang nakakatawa pa, may handa silang ulo ng baboy tapos, biglang humirit si Errol na si Eds daw yung baboy na yun. Last day na kahapon ni Eds sa ABS-CBNi dahil malilipat na siya ng ibang project, yung Mead Johnson, magkasama sila ni Kenny.

Naging isa sa highlight ng event na 'yon ay nang mag-smack kami ni Matet. Biglang nag-iba ang mood ni Zach, ex kasi n'ya si Matet. Hindi ko alam kung matatawa ako or magi-guilty since wala namang malisya yun dahil hindi naman ako straight na lalake. Haaay, ewan ko ba, sana naman ayos na sila. Nakauwi na ako around 4 ng madaling araw. Mabuti na lang at umuwi na si Allan, ibinaba n'ya ako sa Rosario, and from there, nag-jeep na ako papuntang Cubao.

Hanggang ngayon, parang antok pa rin ako. Wala ako masyadong gana na mag-type at mag-kwento ng kung anu-ano pang nangyari sa birthday ni Kyla.

Wednesday, March 08, 2006

Kyla's Birthday

Today's Kyla's 25th birthday. Hindi kami ganoon ka-close sa office, na-invite lang ako dahil most of her friends are my ka-chika like Matet and Jasmin. Last day na ni Eds kanina sa office, baka hindi na siya maging ganon ka-active sa forums, hopefully makasama pa rin namin siya sa mga lakaran lalo na kapag may mga eyeball na magaganap. Hallerrr!!!

Tuesday, March 07, 2006

Pasaway Deeds

Isa na akong ganap na pasaway!!! Ngayong March pa lang ang dami ko nang sablay sa trabaho. Dalawang absence na, one is "no show", then the other one is "sick leave" kuno. Ngayong araw na ito, may pasaway deed na naman akong nagawa. Ang shift ko ay 1:30AM-10:30AM, nagising ako exactly 1:19AM sa watch ko, 11 minutes bago ako mag-in. Obviously, hindi na ako aabot. Hindi na ako nag-dalawang isip pa na magmadali papuntang office. Sobrang bilis ko nagbihis, hindi na ako naligo dahil nakaligo naman ako before ako matulog that day. Nag-taxi na rin ako. Nagmadali talaga ako sa pagpasok sa office. Nakita pa ako ni Sir Don sa labas. Grabe, mukhang bagong gising raw talaga ako. Sa ngayon, wala na talaga akong ganang pumasok sa office. Ang dami nang nag-resign, sunod-sunod talaga. Sina Kruschev, Ivy, Anthony at Peter sa technical support. Sa ibang splits naman, marami rin, sina Daianne, Abet, Grace, Tiny and a whole lot more. Tapos, ang mga nababalitaan kong malapit nang mag-resign ay sina Paula, Elaine at Cathy. Nakakalungkot. Parang depressed na ata ako!

Kanina, tumawag ang ate ko from Dubai, she's confirming kung talaga bang gusto kong magtrabaho doon. I said yes. Mas gusto ko na doon kesa dito na sobrang hirap umasenso. I need to work on my papers as soon as possible.

Monday, March 06, 2006

Text BB space KEANNA To 231 for Smart

Summer is official! There's burning heat outside, the sun's so hot! I'm currently listening to Summer Nights sung by Olivia Newton-John and John Travolta from the soundtrack of Grease. Kagagaling ko lang ng bath room, naligo ako dahil sobrang init talaga.

Kanina, halos walang katawag-tawag kaya nag-forum ako almost the whole shift. It means na delikado na talaga ang status ng mga migration agents namin. Ang saya-saya dahil wala nang calls pero nakakalungkot din na isipin na baka malapit na rin ang mga masasayang araw namin with the migration agents.



Nalaman ko sa forum kung sinu-sino ang mga nominees for eviction para sa susunod na Sabado sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Ang mga hula ko last night ay sina Rico, Roxie and Aleck. In fairness, two out of three ang tama. Imagine, ang mga natitirang housemates ay sampu pa, sina Rustom, Keanna, Budoy, Gretchen, John, Bianca, Zanjoe, Rico, Roxie and Aleck, tapos iisa lang ang sumablay sa hinulaan ko, which is Keanna dahil siya ang favorite ko. So ang mga official nominees ay sina Keanna, Roxie and Aleck. This time, I will assure myself na iboboto ko talaga siya!

BBname of housemate and send it to 2331(Globe and Sun Cellular) or 231 (Smart, Talk N Txt and Addict Mobile).

Sunday, March 05, 2006

Happy Birthday Jam!

Hello everyone!

It's a very tiring Sunday for me. Kahapon ang birthday ni Jam. Isa siya sa mga pinakabago kong friends sa office. Unfortunately, malapit nang mag-end ang contract nila kaya we'll never know kung kailan sila aalisin sa operation since the past few days, unti-unti nang nagtatanggal ng mga agents. Nakaka-sad talaga kasi kung kailan pa kami nagiging close ng mga bagong friends ko, saka naman sila mawawala. This goes for all my new friends, sina Andy, Jam, Red, Eds, Errol, Yeoj, Daphnie at marami pang iba. Naalala ko pa, the time na nagpapaalam na sa akin si Daianne, na-realize ko na hindi talaga magiging permanente ang ang pag-stay ko sa trabaho. Hindi ito tulad ng school na alam mo kung hanggang kailan ka pwedeng magtagal.

Going back sa birthday ni Jam, parang wala talaga akong plano na sumama kahapon although alam ko na may celebration talaga. Nagsabay na kami ni Eds na pumunta sa Cubao para i-meet si Red, nagkita kami sa SM North EDSA around 3pm. Nainis talaga ako sa cellphone ko dahil bigla-bigla na lang namamamatay kapag sine-send na yung message, so ang nangyayari ay hindi na namin natetext si Red. Grabe, ang tagal talaga bago kami nagkita-kita. Kinailangan ko pang bumili ng bagong baterya for my cellphone which is somehow a blessing in disguise, para nga naman mapalitan na yung battery. After going back and forth sa MRT Cubao station, nagkita na rin kami nila Red dahil tinawagan na namin siya.

Mga 6pm na kami nakasakay ng van papuntang Cavite, ang hometown ni Jam. Mejo matagal ang biyahe. Feeling ko, napakalayo ng pinuntahan namin na lugar. Nag-stop muna kami sa plaza tapos sinundo na kami ni Errol kasama yung jowa n'yang si Melcar. Grabe ang dalawa sa pagpi-PDA (public display of affection). Nakakatawa lang kapag pinagtitinginan sila ng mga tao, hindi naman kasi ganoon ka-open dito sa Pilipinas ang mga ganyang bagay bagay. I'm just wondering, kailan kaya ako may makaka-PDA, hahahaha!!! Hallerrrr!!!

Dumating kami sa venue around 8pm na. Tumuloy kami sa Fisher's Eco-Farm Paradise Resort. Nadatnan namin si Jam kasama ang friend n'yang si Joanne, isang stand-up comedienne sa Malate. Nakakatawa talaga ang mga taong kasama, dedma lang kahit lahat ng usapan ay may patungkol sa sex, lahat ng joke is about sex.

Sumunod sina Tin, Nos and Vilma around 11pm. Mas sumaya ang environment dahil ang ever hyper na si Tin ay panay ang pagbabangka sa usapan. Syempre, hindi mawawala ang pictorial galore kaya kung saan-saan kami napadpad sa pagpapapa-picture. Nagkwentuhan din kami our life in real and in forum. Nai-kwento ko pa sa kanila yung story ng Just Like Heaven ni Reese Witherspoon. Ni-recommend ko sa kanila na panoorin nila yun, saka yung movie ni Jennifer Love-Hewitt, yung If Only. Yung plano ko na mag-swimming ay hindi na natuloy dahil sa super pagod talaga ako.

Hindi na ako pumasok that time dahil I don't want to spoil the moment. Sayang naman kung mami-miss ko pa ito. Si Mother Fanny ang nakasagot ng advise ko, sana naman makalimutan na n'ya ang pagpapadala n'ya sa akin ng medical certificate. Umuwi kami around 5am at mejo umaambon-ambon pa. Grabe, sobrang pagod ako talaga, pero pagkauwi ko hindi agad ako natulog. Nag-upload pa ako ng mga pictures and nagchat pa kami ni Ahl.

FYI: Second evictee si Christian Vasquez sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Tonight's another nomination night. Sino kaya mano-nominate? I'll take a guess. Sina DJ Rico Robles, Roxie Barcelo and si Aleck Bovick. Go Keanna!!! Tomorrow ko ilalagay kung sino man ang maino-nominate tonight.

Thursday, March 02, 2006

Second No Show

Nakakabad-trip talaga! Hindi ako nagising kagabi. Ang shift ko ay 1:30AM pero nagising na ako ng 2AM, ano na naman kayang alibi ang sasabihin ko mamaya. I'm sure this time may ise-serve na silang suspension for me. Ewan ko na lang kapag hindi pa nila ako sinsupend, hmmmmph!

Dito lang ako nag-stay sa bahay. Tinanggal ko na sa closet ko yung mga pantalon na hindi ko nagagamit para naman lumuwag-luwag yung kabinet ko. Nanood din ako kanina ng "Shutter", yung Asian horror movie about ghosts appearing on photos.

Speaking of closet, isang malaking news sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition ang pag-amin ni Rustom na bakla siya. Umamin siya kay Keanna Reeves. Nung umpisa pa lang very obvious na ang pagka-gay n'ya pero hindi siya nagko-comment about that issue. Ngayong umamin na siya, ano kayang magiging reaction ng mga tao? For me, since gay din ako, I understand how Rustom feels. At least gagaan na ang loob n'ya. It doesn't matter how people would react on that.

Wednesday, March 01, 2006

Hey People, It's March!

It's the first day of March and it's Ash Wednesday, meaning, malapit na naman ang Holy Week and of course, malapit na rin ang summer!

Just came from the mall with a female officemate, I dont know her name. She's pregnant but her tummy is not that big yet. Ang tagal din naming namasyal sa mall pero never ko talagang nakuha ang name n'ya. I know that it's not good, sana man lang ay tinanong ko siya kung ano ang name n'ya. I'm bad, hehehehe, pero in fairness, ang dami naming napagkwentuhan. Hindi siya boring kasama. Nalaman ko ang mga history ng trabaho n'ya, nalaman ko rin na hindi pa sila kasal ng boyfriend n'ya na ka-officemate din namin from AMEX.
Magkasabay kami umuwi, kasama rin namin si Arriane, isang Kris fanatic just like me. She's so kikay kahit around 30's na siya. I like her, naaaliw ako sa kanya. Nagkayayaan lang kami sa mall. I bought S Magazine featuring Kris Aquino and future husband James Yap, bumili rin ako padlock for my locker, ilang araw na rin kasi akong walang locker na ginagamit kaya hirap akong maghanap ng headset kapag magdu-duty na ako.

Kahapon, Tuesday, araw ng sahod, natulog muna ako sa sleeping quarters kasama si Heart dahil hihintayin namin ang sweldo. Mabuti na lang at naglagay na rin sila ng ATM Machine sa labas ng office namin para hindi na mahirapan pang mag-withdraw sa ibang lugar. Nag-out ako ng 9:30AM and nagising ako ng 2PM. Ginising kami ni Vilma. Later on, ginising na rin namin si Janice. Around 3PM, nauna na si Heart at nag-stay pa kami nina Janice, Eds at Vilma para hintayin si Jam dahil pupunta kami ng Eastwood to treat ourselves for a good meal. Nag-check kami ng sweldo at medyo na-surprise na naman ako. 12 thousand pesos ang laman ng I-Bank ATM ko. It's impossible! Parang last month lang ay halos ganon din ang sinuweldo ko. Actually, may laman pang 1,400 pesos yung ATM ko, so most likely, ang pumasok na pay sa akin ay around 10 thousand plus. Kanina, nalaman ko rin na mali yung sweldo dahil nagkaroon daw ng problema, same pay as that of last cut-off ang nailagay sa pay roll kaya pare-pareho ang lumabas.

Going back, kahapon, kumain kami ng pizza sa Yellow Cab. First time kong kumain doon. Magkakasama kami nina Janice, Jam, Vilma, Eds and ang humabol na si Red. Grabe, napaka-ingay namin. Ang laki-laki ng pizza na inorder, about 18 inches in diameter.Tag-dadalawang slice kami. Sobrang nakakabusog! After that, pumunta na kami ng Shopwise para samahan si Janice na mag-grocery. Namili ako ng ilang mga stuffs. Bumili ako ng dalawang Suave na shampoo, 4 na sabon na iba't ibang fruits ang flavor, merong red apple, green apple, strawberry and grapes (bagay na bagay this summer), anim na canned drinks para mailagay dun sa personal refrigerator na binili ko kay Ate Cathy and Kuya Jig.