Teriyaki Boys And Girls
My goodness gracious! Ang sakit ng paa ko! Ang sarap talaga kapag pay day, you can do all you want. Kagagaling ko lang ng Shopwise. Magkakasama kami nina Janice, Red, Jam at Blue. Ang saya-saya, feeling ko, sobrang dami kong napamili pero nung tinignan ko na at nilabas sa plastic bag, kaunti lang pala. Bumili ako ng mga noodles, luncheon meat, fresh milk, canned drinks, shampoo, mga fruity soaps at kung anu-ano pa. Grabe, usong-uso na sa grocery ang mga summer stuffs. Parang ang sarap mag-swimming!
Bago kami pumunta ng Shopwise, nagpunta muna kami ng Eastwood para bumili ng Kris Aquino Magazine na ipapadala namin sa Japan para sa new friend namin sa forum na si Ate Mary. Bumili rin ako ng CD para sa mga ibe-burn ko na pictures. Kumain kami kanina sa Teriyaki Boy. It's my first time to eat there. It's a Japanese restaurant which caters for class A, B and C. Medyo may kamahalan siya pero hindi naman ganon, affordable pa rin for working class like us. Ang inorder ko kanina ay yung Teriyaki Boy's Chicken Don, para siyang chicken with barbecue sauce topped on a Japanese rice. It's kinda common pero okay lang, kesa naman oorder ako ng food na hindi ko alam ang lasa. I don't eat Japanese foods like sushi's and other fresh items. I preferred cooked dishes rather than fresh when it comes to fish dishes. In fairness talaga, ang bigat sa t'yan ng kinain ko. Hay nako, magpapahinga na muna ako ngayon, papasok pa ako mamayang 1:30AM. Byers!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home