Sunday, March 05, 2006

Happy Birthday Jam!

Hello everyone!

It's a very tiring Sunday for me. Kahapon ang birthday ni Jam. Isa siya sa mga pinakabago kong friends sa office. Unfortunately, malapit nang mag-end ang contract nila kaya we'll never know kung kailan sila aalisin sa operation since the past few days, unti-unti nang nagtatanggal ng mga agents. Nakaka-sad talaga kasi kung kailan pa kami nagiging close ng mga bagong friends ko, saka naman sila mawawala. This goes for all my new friends, sina Andy, Jam, Red, Eds, Errol, Yeoj, Daphnie at marami pang iba. Naalala ko pa, the time na nagpapaalam na sa akin si Daianne, na-realize ko na hindi talaga magiging permanente ang ang pag-stay ko sa trabaho. Hindi ito tulad ng school na alam mo kung hanggang kailan ka pwedeng magtagal.

Going back sa birthday ni Jam, parang wala talaga akong plano na sumama kahapon although alam ko na may celebration talaga. Nagsabay na kami ni Eds na pumunta sa Cubao para i-meet si Red, nagkita kami sa SM North EDSA around 3pm. Nainis talaga ako sa cellphone ko dahil bigla-bigla na lang namamamatay kapag sine-send na yung message, so ang nangyayari ay hindi na namin natetext si Red. Grabe, ang tagal talaga bago kami nagkita-kita. Kinailangan ko pang bumili ng bagong baterya for my cellphone which is somehow a blessing in disguise, para nga naman mapalitan na yung battery. After going back and forth sa MRT Cubao station, nagkita na rin kami nila Red dahil tinawagan na namin siya.

Mga 6pm na kami nakasakay ng van papuntang Cavite, ang hometown ni Jam. Mejo matagal ang biyahe. Feeling ko, napakalayo ng pinuntahan namin na lugar. Nag-stop muna kami sa plaza tapos sinundo na kami ni Errol kasama yung jowa n'yang si Melcar. Grabe ang dalawa sa pagpi-PDA (public display of affection). Nakakatawa lang kapag pinagtitinginan sila ng mga tao, hindi naman kasi ganoon ka-open dito sa Pilipinas ang mga ganyang bagay bagay. I'm just wondering, kailan kaya ako may makaka-PDA, hahahaha!!! Hallerrrr!!!

Dumating kami sa venue around 8pm na. Tumuloy kami sa Fisher's Eco-Farm Paradise Resort. Nadatnan namin si Jam kasama ang friend n'yang si Joanne, isang stand-up comedienne sa Malate. Nakakatawa talaga ang mga taong kasama, dedma lang kahit lahat ng usapan ay may patungkol sa sex, lahat ng joke is about sex.

Sumunod sina Tin, Nos and Vilma around 11pm. Mas sumaya ang environment dahil ang ever hyper na si Tin ay panay ang pagbabangka sa usapan. Syempre, hindi mawawala ang pictorial galore kaya kung saan-saan kami napadpad sa pagpapapa-picture. Nagkwentuhan din kami our life in real and in forum. Nai-kwento ko pa sa kanila yung story ng Just Like Heaven ni Reese Witherspoon. Ni-recommend ko sa kanila na panoorin nila yun, saka yung movie ni Jennifer Love-Hewitt, yung If Only. Yung plano ko na mag-swimming ay hindi na natuloy dahil sa super pagod talaga ako.

Hindi na ako pumasok that time dahil I don't want to spoil the moment. Sayang naman kung mami-miss ko pa ito. Si Mother Fanny ang nakasagot ng advise ko, sana naman makalimutan na n'ya ang pagpapadala n'ya sa akin ng medical certificate. Umuwi kami around 5am at mejo umaambon-ambon pa. Grabe, sobrang pagod ako talaga, pero pagkauwi ko hindi agad ako natulog. Nag-upload pa ako ng mga pictures and nagchat pa kami ni Ahl.

FYI: Second evictee si Christian Vasquez sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Tonight's another nomination night. Sino kaya mano-nominate? I'll take a guess. Sina DJ Rico Robles, Roxie Barcelo and si Aleck Bovick. Go Keanna!!! Tomorrow ko ilalagay kung sino man ang maino-nominate tonight.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home