Monday, February 20, 2006

Close To You

Good evening!

Nagkita-kita kami nina JR and Janjay sa Power Plant Mall saRockwell kahapon. Nag-stroll and kumain kami sa Jollibee bago manood ng movie. Nakita pa namin si Erik Santos na kumakain sa Kenny Rogers and nanood ng Close To You. Grabe, hindi ko kayang makipagsabayan sa dalawang friend ko na yun in terms of buying real signature clothes. Sa totoo lang, hanggang People Are People lang ako. Sila, kakaiba talaga ang mga hanap nila, Lacoste, Calvin Klein, Armani, Louis Vuitton at iba-iba pang kasosyalan. Sa bagay, karamihan naman ng mga gay friends ko sa Letran ay ganun, like Paul and Dennis, I'm sure kayang-kaya nilang i-afford yung mga ganung brands. Nakakaloka!!! Hehehe, anyways hindi naman ako katulad nila na mahilig sa super branded. Maybe I buy things na above average ang price but not that expensive tulad nila.

Ang mga stars ng Close To You ay sina Bea, John Lloyd and Sam Milby. It's my second time to see John Lloyd and Bea in big screen. First yung Dreamboy with Bea and Dubai with John Lloyd. Si Sam naman, hindi ko siya masyadong gusto sa TV, pero nung napanood ko na siya sa big screen, na-realize ko na super cute pala siya! Medyo nakakatulugan ko yung movie dahil super antok na talaga ako. Okay naman yung movie except for the fact na sobrang common ang story. Ang kakaiba lang dito ay dinala nila story sa Davao, sa Bohol and sa Singapore.

After namin sa Rockwell, pumunta na ako sa office. Sobrang antok at nakakatulugan ko na rin yung ibang calls ko. Masaya ang shift ko kanina nang nakatabi ko na sina Matet, Errol, and Andy. Usapang adult kami kanina, about sex, life, school life and everything. Ang sarap ng discussion, para kaming nasa talkshow, hehehe.

Nung uwian na, dumaan muna ako sa Cubao para papalitan ang housing ng cellphone ko. Nakakainis talaga. Gusto ko kasi ng transparent na housing, may na-provide sila kaya lang, kulang naman ang parts. Tapos pinalitan nila ng blue na transparent. Sa ngayon mejo umayos-ayos na siya at hindi na tulad kanina na sobrang hirap i-glide. Yung unang presyong binigay saken ay 350 pesos tapos ginawang 400 pesos after magawa, kesyo sa iba raw kinuha yung housing. Nakakainis talaga, ayoko nang bumalik sa kanila.

O sha, it's about time for me to go. May pasok ako ng 1:30AM mamaya and maghahanda pa ako ng mga gamit since may lakad kami ng mga officemates ko tomorrow.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home