Ako'y Isang Reklamador!
Good afternoon everyone! Mejo inaantok na ako pero post muna dito sa blog. Kaninang umaga, 3:30AM ang duty ko. Grabe, hindi ko talaga matanggap ang location ng bagong office namin. Bukod sa medyo malayo na siya sa Eastwood, walang malalapit na food outlet, walang establishment na katabi, wala pang ilaw sa paligid. Alam naman naming lahat na bagong gawa pa lang ang bagong site namin, pero sana, magkaroon man lang ng safe na environment. Actually, kaninang umaga, masyadong malayo pa, bumaba na agad ako dahil wala naman akong nakikita at malapit nang umabot ng tulay ang jeep na sinasakyan ko. Buti na lang, hindi ako na-late sa office kahit 6 minutes na lang ang natitira nang bumaba ako. Sobrang dilim at walang ilaw. Tapos, isang guard lang ang nagbabantay. I don't think na safe lumakad doon, nakakainis. Wish ko lang na walang mangyaring aksidente dahil sa kakulangan sa ilaw ng lugar na iyon. Hindi lang yan, yung mga work station namin sa office, sobrang aalikabok. Feeling ko nga, kung may hika lang ako, matagal na akong inatake. Parang hindi ako makahinga sa sobrang dami ng alikabok, tapos yung aircon naman, masyadong malamig. It's either ipatay ang aircon at uminit sa station or hayaang nakabukas na sobrang lamig. Haaayyy, ganito talaga siguro kapag bagong lipat. Ang daming sablay, ako naman, since isa akong reklamador, ang dami ko ring complains. Lastly, medyo naghihigpit sila ngayon, bawal ang cellphone at mga pagkain sa station unlike nung nasa lumang office pa kami. Nakakainis na to ha, hindi na tama yan! Hehehehe. By the way, it's Pinoy Big Brother Celebrity Edition's 4th day. Kahapon, mukhang nagkakaroon ng tension between Angela Calina and two other female housemates, Mich Dulce and Gretchen Malalad. It's because of my favorite Keanna Reeves! O sha... I'm gonna rest na! See yah!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home