Monday, February 06, 2006

New Office, Mini Eyeball & Pinoy Big Brother Celebrity

Hello! Good morning!!!

Kakagising ko pa lang. Medyo napagod ako last night nang umattend kami sa CCAP (Call Center Association Of The Philippines) Battle Of The Bands. 8 bands from member call centers competed for the finals. Unang-unang nagperform ang banda ng company namin, banda ng C-Cubed HTMT, ang ACW or After Call Work. Ang mga members ay sina Nica, Jiro, Jasper, Nico and Hernz. Sa tingin ko, magaling naman talaga sila. Hindi ko napanood lahat ng banda nag-perform dahil after tumugtog ng band namin, lumabas kami. Bago pala kami nag-punta sa event na yun, nagkita-kita kami sa Eastwood. Ang mga kasama ko'y sina Yeoj, Vilma, Jam, Eds & husband, Belle, Red at yung dalawang newfound friend from the Pinoycentral Forum, sina Oliver (Nitrous_Oxide) and Ronald (Iskolastiko). In fairness naman sa kanila, masaya rin silang kasama, marami rin kwento. Si Janice naman, dun na namin kinita sa Le Pavillion, yung venue ng event, sa may reclamation area sa Pasay. Si Tin naman, or Xtine of the forum, ay dun na lang din dumiretso. Ang saya-saya talaga, lalo na kapag pinag-uusapan ang forum. Uminom kami ng libreng beer sa may damuhan sa labas ng venue. Dun na kami nag-kwentuhan. Nagsipasok kami nang ina-announce na yung winner. Nanalo ang Clientlogic, first runner-up ang Convergys then 2nd runner-up ang Vision X. Hindi man nanalo ang banda namen, okay lang, I think that they did their best. Sa tingin ko nga, magaling talaga si Nica mag-perform. Sobrang confident. Nung umalis na kami dun, nawalan na kami ng plano. Si Tin ay umalis na, then kami ay naglakad-lakad pa sa Baywalk at Malate. Nauwi kami sa wala kaya kanya-kanyang uwi na, nagsabay na kami ni Oliver.



Speaking of Baywalk, sobrang dami ng tao dahil sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition launch kagabi. Gustong-gusto ko sana siyang panoorin kaya lang nagkataon naman na may event din na kasabay. I have the line-up of Celebrity Housemates. Rudy Fernandez (not the actor but the athlete), John Prats, Keannna Reeves, Aleck Bovick, Angela Calina, Rustom Padilla, Roxie Barcelo, Mich Dulce, Bianca Gonzales, Rico Robles, Christian Vasquez, Budoy Maraviles, Zanjoe Marudo & Gretchen Malalad. Yung unang PBB ay 12 housemates lang, ngayon, ginawa nilang 14 for only 57 days instead of 100. Mukhang mabilisan ang tanggalan. Mukhang magiging favorite ko si Keanna Reeves!

Before I say goodbye, I just want to say na nakalipat na kami sa bagong office namin. Goodbye Eastwood na kami ngayon, and hello new warehouse! Hahahaha.... Ayoko talaga ng bagong site namin, hindi accessible and hindi ko talaga siya feel. Parang nakakalungkot kapag doon nag-o-office. Wala man lang malapit na gimikan or mga establishments. Yun lang. In fairness naman, malaki-laki rin yung site. Siguro, one reason is for expansion. Lumalaki na rin kasi ang C-Cubed, plus, bago na kasi ang namamalakad nito. HTMT na ang bagong name ng company namin, pinapalakad ito ng mga Indian. Yun lang po. Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home