Thursday, February 09, 2006

Tawag Remit & StarKargo Refresher


5AM ako pumasok ngayon araw na ito. It's because I have a refresher training for Tawag Remit and StarKargo. Ito'y dalawa sa pinaka-ayaw kong split sa ABS-CBNi North America. Ang mga kasama ko sa training ay sina Annie, Pia and Raiden. Si Bernadette yung unang trainor namin for Tawag Remit. This is the money remittance service of ABS-CBNi in partner with BPI. In fairness, magaling talaga magturo si Badet and honestly, natuto talaga ako and I'm more confident on handling call like this. Through this refresher, alam ko na rin kung ano yung mga mistakes na nagagawa ko unconsciously, and mas alam ko na ngayon ang tamang diskarte and kung paano maiiwasang magkamali sa pagha-handle ng call ng Tawag Remit. Regarding StarKargo, ito naman ang service ng ABS-CBNi for cargo and box deliveries from US to the Philippines. Nung una, sa San Francisco lang ito available hanggang nag-expand na siya at umabot sa Southern California, Arizona, Texas, Florida, North Carolina, South Carolina, Oklahoma, Kansas, Arkansas, Georgia at marami pang iba. Si Sally ang trainor namin. Hindi masyado lively ang discussion pero okay na rin. At least na-recall ko na rin yung mga tamang procedure. Kadalasan lang ng gagawin dito ay puro feedback kaya sana, kapag nagka-call ako ng ganito, madali ko na siyang maha-handle.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home