Congratulations Tinay & Karen!
Magandang hapon everyone!!!
Kakatanggap ko lang ng mga pictures na pina-print ko sa Digiprint and ang nag-deliver nito ay LBC. Ang ganda nga naman ng service ng Digiprint, imagine, you no longer have to go back to the printing station a day after, all you have to do is to wait at the comfort of you own home. I've browsed the pictures. With regards to the quality, hindi ako ganon ka-satisfied with the result. Most of the pictures I've had printed are just downloaded from the internet. The good ones are the photos taken from my Kodak digital camera. It could be the reason. 155 photos lahat ang na-develop. It has cost me P1,007. Mas mura siya kung iko-compare sa iba, P6.50 per 4R size of photos.
Rest day ko ngayon pero may pasok na rin me later this evening. Dito lang ako sa bahay nag-stay. Si JR, my brother, ay wala ring pasok kaya nagpa-rent na lang ako ng video sa Video City. Tatlong videos lang ang allowed na hiramin. Humiram siya ng "The Exorcism Of Emily Rose" , "Shutter" and "The Longest Yard" . Nanood kami ng "The Exorcism Of Emily Rose" habang kumakain ng tanghalian. Nagpabili ako sa kanya ng roasted chicken sa kanto at ng iced chocolate from Quickly. Hindi siya ganoon ka-scary since hindi naman talaga yung story ng exorcism ang ipinalabas. Ipinakita nila kung paano nakipag-deal ang isang pari sa kasong isinampa sa kanya dahil sa pagkamatay ni Emily Rose dahil pinigilan siya ng pari na mag-take ng medications. Kadalasan ng scene ay nasa korte dahil ipinakita din dito ang trial at kung paano na-defend ng abogado yung priest.
Ang dami ko nang nami-miss na episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nagpakalbo sina Aleck Bovick at DJ Rico Robles. Nakipag-talakan si Keanna kay Mich. Si Mich naman, wala na rin sa bahay dahil hindi siya nakabalik sa 24 hour na palugit ni Big Brother. Apparently, hindi raw makahinga si Mich kaya siya dinala sa hospital. Ang arte-arte n'ya, iyak nang iyak!
Last Saturday, February 25 ang first eviction night. Ang pinaka-unang na-evict ay si Mang Rudy. Mabuti naman at nakapag-stay si Keanna although I'm guilty dahil hindi ko siya naiboto kahit nag-promise ako na iboboto ko siya, super close raw kasi ang boto ni Keanna at ni Mang Rudy. Kahapon naman, February 26, second nomination night na. Na-nominate ulit si Rico, then Rustom and Christian were automatically nominated by Big Brother. Ang sabi nila, may nagawa raw na violation ang dalawa. I wanted Rico to be evicted. I don't like him, feeling artista when he speaks with Roxie.
Kahapon din ang pilot episode ng Sharon, the new show of The Megastar, Sharon Cuneta after 2 years of absence in ABS-CBN. Hindi ko siya napanood coz I'm sleeping that time. Later tonight ay ang pilot episode naman ng teleserye nina Judy Ann Santos and Piolo Pascual, "Sa Piling Mo" . I think that ABS-CBN is slowly gaining back the rates. They're doing good. It's also time for Wowowee to go back. I'm just wondering if it will still be same title, hosts and format. Willie Revillame will definitely go back. That's for sure.
About my forum life, kahapon, napa-ban ko na kay TFC Godfather ang isang forumer na sobrang manlait kay Kris Aquino. Super non-sense ang pinag-gagagawang thread kaya talagang may ground for banning ang lokong forumer na ito na si Joey-de-Leon. Sa ngayon, malakas ang kutob ko na siya rin ang bagong forumer na si Dancing Queen, kaya naman lagi akong nagbabantay sa thread ni Kris, along with my friends para hindi na makapalag pa ang mga ito.
Now, I'm done downloading "Stick With You" by Pussycat Dolls and "Never Ever" by All Saints.
Gonna sleep now, bye!
===========================
10:00 PM Manila Time
Post ulit ako, update ko lang. Nanggaling ako sa thanksgiving celebration ng mga pinsan kong sina Tinay at Ate Karen. Nakapasa na sila sa board exam. Mga ganap na silang doktor! Ang galing, first doctors in our family. Si Cyd naman, yung husband ni Tinay, nakapasa rin sa board exam para sa mga nurse. Triple celebration kanina, umaapaw ang lechong at sobrang daming beer, may disco pa para sa mga mahilig mag-ballroom dancing. Nakakabilib talaga sila. Congratulations! In fairness kanina, nagkaroon na rin ako ng bonding moment with my male cousins. Sana maulit pa!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home