Kick Off Party 2006
Good afternoon people!
Ang saya-saya ng Kick Off Party 2006. Ginanap ito sa old building ng C3 sa Eastwood. Ito na ata ang pinakahuling Kick Off Party ko sa taong inilagi ko sa C3 or HTMT. Anytime soon, magreresign na ako for greener and better pasture.
The foods, ano nga bang masasabi ko? Well, walang binatbat ang party the past 2 years. Mukhang mas engrande talaga ngayong taong ito. They have pasta, ham, salads, buttered vegetables, desserts, soups at umaapaw ang beer at namimigay ng free Jose Cuervo Tequila.
The event itself, hmmmm... Nag-hire sila ng mga performers, some sort of stand-up comedy act. Sobrang daming agents ang nagperform. Sa ABS-CBNi pa lang, dalawang bands na ang nagperform, yung band nina Cid at yung ACW nina Jiro and Nica. Ayoko lang yung mga selections nila since I'm not really a big fan of rock and reggae. Mas gusto yung mga tipong show band na pop and dance ang kinakanta. In fairness talaga with my co-workers, well attended talaga ang Kick-Off dahil sa ABS-CBNi, mukhang kami yata ang may pinakamaraming populasyon na umattend that night. Panay nga ang acknowledgement sa amin ng ibang band na nagperform.
Syempre,along with this event, hindi natin maiaalis ang mga disappointments and some problems. Nanalo ako ng Jose Cuervo Tequila, kaya lang hindi ko na naiuwi ng bahay dahil sobrang daming hayok sa alak last night. Medyo nadisappoint lang ako dahil naubos siya without my consent. Masama lang ang loob ko dahil mismong mga kasamahan ko pa sa account ang nag-take advantage. Sinumbong ko 'to kay Sir Don pero wala naman siyang nagawa.
Si Paula at Lois ay may kanya-kanyang issue din. Pareho silang nagngangawa dun. Umiyak si Paula dahil may nanghipo sa kanya during photo opportunities, at iyon daw ay ang agent na si Heinz. Later that night, na-corner din nila yun. Nagalit talaga si Lana, ang jowa ni Paula. Ang daming tumulong, ang mga ka-federacion ni Lana na sina Yuri, Annjo at Achel. Eto naman si Lois, umiyak dahil napahiya siya sa harap ng maraming tao nang sigawan siya ni Sir Don for some personal reasons. There was a time talaga na kinausap ko si Lois at kinomfort ko siya dahil super iyak siya. She doesn't know what to do. She confessed that the only superiors that she respects truly are Sir Don, Rico and Veron. Thank God that the evening didn't last without having both Sir Don and Lois reconciled. Mabuti na lang at nag-usap din ang dalawa.
Inis lang talaga ako at wala akong napala sa Tequila na napanalunan ko. Grabe talaga, ang daming nanalo from ABS-CBNi sa raffle. Yung napanalunan kong tequila, nauwi sa wala, mabuti na lang at nakuhanan ko na ng picture bago pa man maubos. Sa amin din nanggaling ang mga winners ng grand prizes, nanalo si Caloi ng bagong cellphone and isang migration agent naman ang nanalo ng trip to Bangkok for two.
Nag-end ang Kick Off sa dancefloor. Ang pinakagusto kong part ay nang tumugtog na ang Everafter. Sa stage talaga kami nagsayaw at walang ibang account nang magsayaw kami sa stage. About 2am, umuwi na rin ako, sumabay na ako kay Sir Don.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home