Thursday, March 16, 2006

Gretchen Got Evicted

Ang hirap pala talaga mag-abroad!!! Grabe, kanina pa lang, first step pa lang, parang nakakadiscourage na. Pumunta ako, kasama si Opalyn sa National Statistics Office sa East Avenue, sobrang haba ng pila at sobrang init. Pumila kami pero nang nasa kalagitnaan na, nag-decide na lang ako na umalis dahil hindi ko na kayang tiisin. Ang bagal ng usad ng pila at sobrang init pa. Paano nga ba naman hindi mahihirapan ang mga nag-aapply for authenticated birth certificates. Good thing at mayroon silang hotline kung saan pwedeng mag-request ng authenticated birth certificate. Pilipinas Teleserv Inc, ang solutions provider nila. Ito yung ka-tie up nila sa pagsagot ng mga tawag for requests on birth, marriage and death certificate. Kailangan nga lang magbayad ng extra, but that's okay since yun lang ang pinakamadaling paraan para makakuha ng authenticated birth certificate. After that, pumunta naman kami ng SM Megamall para magpa-renew ng NBI. Unfortunately, hindi ko dinala yung lumang NBI clearance ko. Hindi talaga pumasok sa isip ko yun. Nasa office pa naman yung original NBI ko.

By the way, about Celebrity Pinoy Big Brother, si Gretchen Manalad ang fourth evictee. I think that she's one of the strongest housemate since she's an athlete and she's not that bad in dealing with most of the housemates. Minalas lang siya dahil hindi nagwork ang mga powers ng fans n'ya through text votes. Yung mga natirang nominees, sina John, Rico and Zanjoe, ay may haharapin pa rin na eviction sa Saturday. For this week kasi, simula na yung dalawang eviction per week. I hope Keanna will remain strong!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home