Birthday Ni Chok-Chok, Ed's Son
Magandang tanghali po sa inyong lahat! Another day of survival for me. Kahapon, pumunta ako sa birthday ng anak ni Eds. Ang name ng baby boy n'ya ay Justine, ang palayaw n'ya ay Chok-Chok. Sa loob U.P. Diliman Campus ang bahay nina Eds. Ako ang pinakaunang nakarating among her visitors. After kong kumain, natulog muna ako saglit sa taas nina Eds. Sumunod na sina Jam, Errol at Melcar around 8:30PM. Sobrang late na sila nakarating pero okay lang dahil inuman naman talaga ang pinunta nila doon. Ako naman, may shift pa ng 12 midnight. Grabe talaga, uminom kami ng pineapple juice na may halong brandy. Ang bilis ko talaga nalasing, kitang-kita yung pagka-red ng skin ko after namin uminom. Around 11PM, nag-alarm na yung cellphone ko pero pinigilan nila akong umalis. 11:15PM, nag-alarm ulit pero napigilan na naman nila ako. Mabuti na lang at nang 11:30PM na, tumayo na ako at nagyaya nang lumabas. Ayun, wala silang nagawa, sinamahan nila akong sumakay ng taxi sa labas dahil sobrang nagkakatakutan kami. Nakarating ako sa office 6 minutes before my shift. Sobrang pula pa ng skin ko, obvious na obvious ang pagkalasing ko. Ang ginawa ko, para hindi mapansin ng mga guard, nakisabay ako sa mga agents na pumasok sa office. Thank God at hindi nahalata. Hindi agad ako pumasok ng shift ko, nagpalipas pa ako ng thirty minutes para medyo mawala yung tama ko. Nung maglog-in ako ng 12:30AM, wala namang nakapansin kaya okay lang, hehehehehe... Ang nakakainis lang, sobrang daming calls talaga kanina sa office. Ang sakit-sakit kaya ng ulo ko, sobra! Hay nako, mabuti na lang at nakuha ko na rin yung mga inorder kong DVD's kay Lois, yung Zathura, Charlie And The Chocolate Factory at Herbie Fully Loaded. Excited na akong mapanood sila, pero paano naman kaya yun, wala naman kaming matinong DVD player? Hehehehe, bahala na... see yah next time!
A quick Pinoy Big Brother update, si Rustom, mukhang magvovoluntary exit. Well... let's wait and see. Sayang naman kung ganon'. Tsk tsk tsk.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home