Magandang hapon po sa inyong lahat!
Nandito ako ngayon sa Netopia Internet Cafe sa SM Carpark. Nagbayad ako ng bills namin sa MERALCO sa Munoz kanina dahil nung 14 pa yung due date kaya hindi na siya pwede pa sa mga bayad centers. Bumili din ako ng VCD ng Bedazzled. Grabe, ang tagal ko nang naghahanap ng copy nito pero hindi siya available sa ibang mga record bars. Buti na lang may nakita akong copy, kinuha ko kaagad! Favorite ko ang movie na 'to dahil ang cute ng story. Gusto ko yung role dito ni Elizabeth Hurley, siya yung devil na nag-grant ng wish kay Brendan Fraser.
Speaking of the devil, last night, nanood kami ng "The Devil Wears Prada". Kasama ko sina JR (my brother), Kenneth (my cousin), Leiy (a childhood friend), Tyrone & Jericho (nephews) and Kath (Tyrone's girlfriend). Isa siyang family affair in short hehehe. Sa Eastwood Cinemas kami nanood pero bago yun, uminom muna kami ng kaunting beer sa Dencio's. First time ko dun sa Dencio's kahit matagal na ako sa Eastwood. I think bago lang yun. Now, going back sa movie, ang ganda ng story n'ya. It's unique and it's one of the most fashionable and style conscious movie I've seen. Okay yung story n'ya dahil tungkol 'to sa mga taong nag-a-aspire ng magandang career pero along the way, napapabayaan na nila ang kanilang sariling buhay tulad ng love life at kung anu-ano pa. Ang ganda ni Meryl Streep sa movie, parang na-make over siya dito. Miranda Priestly ang name ng role n'ya dito, sobrang OA ang mga demands n'ya kaya walang nakaka-survive na assistant sa kanya. Andrea or Andy naman ang name ni Anne Hathaway sa movie, siya yung nag-apply bilang bagong assistant ni Miranda. Ayoko na siyang i-kwento dahil mas magandang panoorin na lang sa sinehan!
Pagkatapos namin manood ng movie, pumunta naman kasi sa Timog. Kumain kami sa Jay-Jay's Chicken Inasal. Syempre, si Kenneth ang nagbayad ng bills dahil siya ang may pinakamaraming pera sa aming lahat, hehehehe. Syempre, pa-impress din siya kay Leiy. Actually, kaya lang kami lumabas dahil nagkayayaan lang nung nasa bahay kami nila Ate Josie (mommy ni Tryrone & Jericho), birthday kasi ni Tyrone kahapon, September 17. Nagulat nga ako sa itsura ni Leiy, talagang may bangs pa at ang putfit n'ya ay pang-fashionista. Sabi n'ya, Korean inspired raw ang fashion n'ya.
Ang tagal ko na ring hindi nakakapag-update ng blog ko. Ang dami na palang naganap the past few days. Nung Friday, nag-ayos ako ng clearance sa SITEL at nag-apply din ako sa APAC sa Eastwood, ayoko nang magpa-transfer pa ng ibang account sa SITEL dahil back to zero ulit ako. Kasama kong mag-apply sina Michie and Rod. Sa totoo lang, never-heard talaga 'tong APAC na 'to. Si Michie lang ang nagyaya sa akin na mag-apply sa call center na 'to. In fairness naman sa company na 'to, sinabi nila na karamihan ng mga account nila ay bago lang so it means na makakasama kami sa mga pioneering batch, aside from that, hindi 24/7 ang operations ng mga account kaya siguradong may rest day ng weekends. Sinabi rin ng nag-iinterview na malilipat ang site nila sa Cubao by next year, 2007. Sa ngayon, naghihintay pa rin ako ng job offer from RMH. Hanggang ngayon ay wala pang tumatawag. Sobrang tagal ng application process dun! Mas gusto ko sana sa RMH dahil mas malapit pero kung hindi pa sila tatawag sa akin hanggang next week, APAC na lang ang pipiliin ko, anyway malilipat din naman sila sa Cubao by next year so hindi rin masyadong malayo sa lugar ko.
Nung Saturday night naman, nag-celebrate ng birthday sina Dolly and Faye. September 2 ang birthday ni Dolly pero isinabay na n'ya ang celebration sa birthday ni Faye. Sa Robinson's Apartelle ginanap yung celebration and karamihan ng pumunta ay taga-E-Telecare. Nandun din si Mia at si Blue. Masaya yung party dahil ang daming pumunta. Ang ingay-ingay pa dahil may beer bong pa sila!
That was quite a busy week for me! Bye bye na!!!