Wednesday, May 31, 2006

A Five Hundred Peso Haircut

Hi good afternoon!

Nandito ako ngayon sa internet cafe sa Cybermall. Kakagaling ko lang sa Hair Bytes at nagpa-cut ako ng hair sa stylist kong si Miss Anna.
Mahal na ang singil sa akin ngayon at walang discount, nakakapanghinayang. Five hundred ang bayad sa haircut at one hundred naman ang tip na ibinigay ko kay Miss Anna since inayos n'ya nang husto ang hair ko. In a bit while, susunduin na ako ni Nat. 4:30PM ang usapan namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Birthday na mamaya ni Aya. Sabay kami ni Nat pupuntang Marikina. Haaaay, sana kayanin ko pa rin kahit wala pa ako masyadong tulog.


By the way, nami-miss ko na talaga ang Eastwood!

Tuesday, May 30, 2006

Pau

Magandang tanghali po!

Sa wakas, medyo active ulit ako sa pagpo-post dito sa blog ko. Grabe, busog na busog ako. Ang laki-laki ng tiyan ko ngayon. Kumain ako ng rice and plain Century Tuna, at may kasama pang mais.

Ano nga ba ang mga naganap ngayong araw? Well, ang sarap ng shift namin kanina dahil Memorial Day sa US ngayon at halos lahat ng tao ay mukhang busy sa kani-kanilang pag-celebrate sa okasyon na ito. Ano nga ba ang Memorial Day? I have no idea. Siguro tungkol sa mga heroes na dapat nilang i-commemorate, ah basta, problema na nila 'yon. After work, nag-decide ako na pumunta sa Shopwise at mamili ng mga gamit na kailangan ko like deodorant, soap, dandruff shampoo. Bumili rin ako ng ferrous sulfate at vitamin C for my supplements. Doon na rin ako bibili ng pang-regalo ko sa inaanak kong si Aya, yung anak ni Honey na officemate ko sa C-Cubed. Bukas na yung birthday ang I need to be there.

After ko sa Shopwise, imbes na mag-taxi ako, nag-bus na lang ako para maka-save ng pera. Unfortunately, umulan nang sobrang lakas hanggang pagbaba ko sa Royal, pero hindi ako napigilan ng ulan para umuwi ng bahay. Mabuti na lang at may jacket akong dala. Wish ko lang ay 'wag akong magkasakit nito. Thank God at nandito na ako ngayon sa kuwarto ko at nag-iinternet. Ang saya!

With Pinoy Big Brother Teen Edition, si Gerald pa rin ang gusto ko. If ever na hindi siya, si Kim na lang. Sa ngayon, nasa isang island sila sa Hundred Islands, Pangasinan. Sa Sabado na ang Big Night. Sino kaya mananalo?

Here's something new with me, mukhang may lovelife 'ata ako ngayon. Ewan ko ba. Matagal ko na siyang friend sa Friendster. His name is Pau. He's 22 years old, working in a call center in Alabang and he's also a nursing student. Ewan ko lang kung magugustuhan ko siya. Hindi siya simple. Mukhang mahirap siyang sabayan. High maintenance kumbaga. Naka-brace siya at mukhang unti-unti nang numinipis ang hair n'ya kaya nagpakalbo na lang siya. Nung unang araw na mag-usap kami, may nafifieel akong kilig. It was about Friday nang magsimula kaming mag-kwentuhan. I gave him my mobile and land phone, he gave me his contact numbers. He seems nice pero parang pa-sosyal. Ah basta, ewan. Goodluck na lang, come what may.



Sunday, May 28, 2006

Finally, My Own Video Compilation!

Magandang gabi!

Grabe, it's been a week since my last post. Ang daming bagay ang hindi ko na nai-post dito sa blog ko. Basta ang mga natatandaan ko lang is, Monday, nag-absent ako for no reason. Hindi ko lang feel pumasok that time pero in fairness, ang dami kong nagawa. Nakagawa ako ng mga music videos para sa mga memories with my co-workers sa ABS-CBNi. Hindi siya picture in motion kung hindi puro still photos lang na nilapatan ng music, effects and transition. Windows Movie Maker ang ginamit kong software for this project.

Maraming magagandang feedbacks akong narinig pero siyempre, hindi mawawala yung hindi ganoon kagandang feedback ng ibang tao since ang mga pictures nila ay hindi kasama sa ginawa kong music video. Well, I don't care, basta continuous pa rin ang paggawa ko, pero this time, I'll try my best na maisama lahat ng mga co-workers na na-miss ko sa project na 'to. Ang mga natapos ko nang music ay Sasakyan Kita by K & The Boxers, Kiliti by D' Bodies, Thanks To You by Tyler Collins, Bulaklak by Kuh Ledesma, Ever After by Bonnie Bailey and Haller by Angelika Jones. My personal favorite is Bulaklak, basta, ang ganda ng song.


Ano na nga ba ang nangyari sa Big Brother? Na-evict na sina Jamilla at Brenda. Ang final four ay sina Mikee, Kim, Clare at Gerald. Ang feel kong manalo this time ay si Gerald, pero if ever na hindi siya suwertehin, si Kim na lang since marami ang boto sa kanya. I chose Gerald dahil sana naman this time, lalake ang manalo bilang Big Winner. The past winners are Nene Tamayo for Season 1 and Keanna Reeves for Celebrity Edition.


Sunday, May 21, 2006

Dramahang Brooke At Glenda Sa Bulacan

It's Sunday!

Kahapon, nagpunta kami sa Villa Concepcion sa Pandi, Bulacan. I wasn't expecting na puno ng drama ang outing na iyon. Ang cast ng outing na ito ay sina Brooke, Glenda, Uno, Jassey, Rodge, Daphnie, Alice, RF and yours truly. Nagsimula ang drama kay Daphnie. Umiyak si Daphnie sa sobrang kapikunan. I think masyado na kaming naging komportable sa pang-aasar sa kanya kaya hindi na n'ya nakayanan at bago kami umalis sa bahay nina Glenda papuntang resort ay napaiyak namin siya. Inaasar kasi namin siya simula pa lang sa office hanggang makarating ng Bulacan. Tinatrato siyang katulong kaya yun, bigla na lang pumuntang banyo at umiyak.

That night, sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition, na-evict na sina Olyn and Matt. Buti nga kay Olyn, pero si Matt, sayang siya, ang daming may gusto sa character n'ya sa loob ng bahay. Ang mga natitira na lang sa bahay ay sina Jamilla, Brenda, Clare, Mikee, Gerald and Kim.

Going back sa outing namin sa Villa Concepcion, maganda ang place at hindi naman kalayuan sa lugar nina Ate Glenda. Everything goes smoothly, nag-ihaw kami ng tilapia, nag-prepare ng foods. Nag-swimming sila at natulog naman ako pansamantala. Pagkagising ko, natutulog din pala sa Glenda, and the rest, nag-iinuman na. Ginigisng din nila si Glenda. Pagkagising ni Glenda, mukhang wala siya sa mood at biglang nag-walk out na lang. Nabad-trip ata siya dahil ginising mula sa mahimbing na pagtulog. Sa bagay, nakakainis nga naman kapag ginising ka at hindi mo pa feel gumising. Ayun, nag-walk out siya kaya kami na lang ang nag-enjoy.




Around 5 ng madaling araw, nagplano na kaming bumalik sa bahay, pero bago yun, kodakan muna kami. Pagka-uwi sa bahay, hindi pa rin namamansin si Ate Glenda. Bad trip talaga siya. Nang nagpaalam na kami, biglang nagkaroon ng komprontasyon sina Brooke at Glenda. Nag-iyakan at nakisali rin sa pag-iyak sina Jassey at Daphnie. Haaaayyy grabe!

In fairness, natapos ang lahat nang maayos. Naging maayos na sina Brooke at Glenda. Mabuti naman!

Friday, May 19, 2006

One Thousand Five Hundred Pesos

Good morning!

Php1,500 na lang ang pera ko!!! 8 days pa ako papasok at may swimming pa kami tomorrow sa Bulacan, sa place ni Ate Glenda. Oh my!!! How can I survive this world full of temptations? Charing!!!

In fairness, excited na ako sa outing tomorrow. Sana lang ay hindi ako kapusin sa budget. Goodluck po sa akin!

Grabe kanina sa shift ko, bad trip ako sa umpisa pa lang ng shift. Bukod sa sunod-sunod ang tawag, ang hihirap pa ng concern, lalo na yung tawag ko about billing, sobrang hindi talaga ako makapag-isip. Ewan ko ba, parang bigla akong na-blangko at hindi makapag-concentrate. Hallerrrr!!! Hay basta, sana maging masaya ang lakad namin tomorrow.

Bye!

Thursday, May 18, 2006

Commendation, E-Telecare And Mary & Ryu

Good morning Philippines. Mabuhay!

Sa wakas, mejo maaga-aga ako naka-uwi ngayon. 12AM-9AM ang schedule ko for today until tomorrow. Hindi ko pansin ang tagal ng oras sa shift ko ngayon, ewan ko ba, siguro dahil tama lang ang dami ng calls at hindi masyadong komplikado ang mga tawag. Kanina, nakita ko ang commendation ko na naka-post sa bulletin board sa office, congratulations to me!!! Medyo nag-expect din ako na mai-po-post yung commendation na yun bago man lang ako mag-resign. Salamat kay Mhel at siya ang nag-retrieve ng call na na-commend ako ng customer pero hindi ko ibinigay sa supervisor. Kahit paano, nagkaroon din ako ng commendation after 2 years, bago man lang ako mag-resign! Speaking of resignation, kanina na ang last day ni Jovie sa HTMT. May bago na siyang work sa Sitel sa Eastwood. Anytime soon, mag-aapply na rin ako sa mas magandang company habang nag-aayos ng mga papeles ko.

Anu-ano nga ba ang nangyari sa akin the past few day? Nung Tuesday, after ng shift namin ni Janice, pumunta kami ng Eastwood para sana mag-apply sa Sitel. Unfortunately, hindi na pala doon ang recruitment office nila, sa Boni Avenue na pala. We have no choice but to apply to the nearest call center available, and that's E-Telecare. Janice and I expected to pass the initial interview and the exam. Hindi naman kami na frustrate dahil pumasa kami kahit na hindi talaga namin maintindihan ang exam na sobrang hirap dahil puro computer terms ang karamihan ng nasa test 2 and test 3. Actually, worried ako that time. It's not for the exam. It's for the reason that Red, Tin and I will gonna meet Mary, our friend from the Pinoycentral Forums. Iniisip ko na baka wala na akong itulog. It's about 6:30PM na nang i-announce kung sinu-sino ang papasa. Nag-taxi na ako para mabilis akong maka-uwi. Isinabay ko na lang yung fresh graduate na nag-apply rin sa E-Telecare pero bumagsak, ang name n'ya ay Geri, isa po siyang girl na graduate ng Psychology sa FEU, and she claims that it was her first time to apply after graduation. Naka-uwi na siguro ako about 8PM dahil medyo ma-traffic na rin that time.

Pagdating ko ng bahay, nagpahinga nang kaunti at agad kong tinawagan si Red. Nagkita na lang kami sa SM North EDSA. While waiting for her, dumaan muna ako ng grocery. Good thing at nakakita ako ng bagong issue ng K Magazine. Yung magazine ni Kris Aquino. Kasama n'ya sa cover sina Ogie Alcasid, saka yung mga band members ng Cueshe, Itchy Worms, Orange & Lemons at iba pa. I'm sure na matutuwa si Mary kapag nakita n'ya yun. And so Red and I met. Nag-bus na lang kami papuntang Makati, then nag-taxi papuntang The Fort. Pagdating sa The Fort, nakita namin kaagad si Tin.

Tumambay kami sa Pier One. Umorder ng beer at itong si Red, fruit shake ang inorder, super pa-sweet! Tinext ni Tin si Dwight or "callboi" (name n'ya sa forum). Hindi namin sukat akalain na pupunta siya. Na-excite kami, lalung-lalo na si Tin! Unang tingin ko sa kanya ay tama lang, kumbaga, straight. 29 na pala si Dwight pero hindi halata, mukha siyang bata. Sa Convergys siya nagwo-work at ang-decide na lang siyang maghalf-day. Nag-inuman kami at umorder ng sisig. Nag-kwentuhan about sa forum at kung anu-ano pa! Nag-aalala rin kami kay Mary kasi about 1AM wala pa rin siya. Siguro dumating siya mga 1:30AM, straight from their hotel room in Ermita. Ang sabi nila, from the airport, pumunta sila ng hotel, then ibinaba lang yung mga gamit nila then nag-punta sa The Fort para lang i-meet kami. Nakakatuwa si Mary. Kasama n'ya yung husband n'ya na si Ryu Yamashita. Japanese ang name pero marunong mag-Tagalog. Ang galing at ang cute! Tuwang-tuwa rin si Mary nang ibigay namin sa kanya yung K Magazine, yung maiden issue at yung 2nd issue.



Ang saya talagang maka-meet ng mga taong nakilala mo lang online. Ewan ko ba, pero since ma-meet namin yung mga forumers, starting with Tin, nadagdagan pa ng excitement ang buhay ko. After sa Pier One, kumain kami sa Chowking. Kaunting kwentuhan about showbiz then uwian na. Mabait yung mag-asawa. Sobrang bait, idinaan pa nila kami sa may Ortigas. Sabi ni Mary, one of these days daw ay susubukan n'ya kaming kontakin dahil may balak silang mag-Splash Island. Medyo wala na ang init ng araw pero feel pa rin nila ang summer.

Hanggang dito na lang muna. Bye!

Sunday, May 14, 2006

Happy Mother's Day To All Moms!

Good evening!

Kumusta ka naman? Ako, mabuti naman pero medyo hindi maganda ang pakiramdam. Parang ang bigat ng feeling, may soar throat pa ako. After ng mga maiinit n

a araw, bigla-bigla namang umulan. May bagyo raw, and I'm not aware of that. Kaya siguro ako nagkasakit dahil sa mga sudden changes ng weather condition.

Kagigising-gising ko lang about an hour ago. Nanood lang ako ng Third Nomination Night sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Ang mga na-nominate ay sina Olyn, Matt at Mikee. From the very beginning, hindi ko na talaga gusto ang teen star wannabe na si Olyn. I've been hearing good feedbacks or comments on Matt. Si Mikee naman, wala naman ako masyadong alam sa kanya, all I know is that, he's being paired with Kim. Grabe, hindi na talaga ako nakakanood ng primetime TV sa ngayon. Last night, na-evict naman si Fred at si Joaqui. Ang sabi nila, tama lang raw na ma-evict si Joaqui since sobrang yabang raw nito, hallerrrr!!! Excited na ako sa Bituing Walang Ningning. Hindi ko nga actually napanood yung ending ng Gulong Ng Palad, nakakainis, hmmmmph!



Oh, stop na tayo sa usapang TV. Dumako naman tayo sa mga pangyayari kanina. In fairness, ang ganda ng shift kanina, wala masyadong calls at hindi ako nakapag-release ng call. Ang saya-saya! Kanina rin, after my shift, kasabay kong umuwi si Ate Hope. Dumaan muna kami ng CD-R King para bumili ng mga blank CD's and cases. After that, dumaan ako ng SM at bumili ako ng pang-regalo sa anak ni Sheryl. Hindi ko nga naitanong kay Sheryl kanina yung name ng anak n'ya. Nakalimutan ko na. Basta ang naaalala ko lang ay bininyagan siya nang Pasko last year. Grabe, ang dami ko talagang inaanak. Hindi lang anak ni Sheryl ang bibigyan ko ng gift, si Maria Guadalupe rin, yung baby girl ni Monet. Hindi pa ako nakakapag-bigay ng gift sa kanya. Next is yung anak ni Honey, si Aya. Malapit na ang birthday n'ya, it means, another gastos! Ganito ba talaga ang role ng mga ninong at ninang? Magbigay ng gift kada birthday, binyag at Pasko??? Kawawa naman ako, sobrang dami kong inaanak.

Finally, gusto kong batiin lahat ng nanay ng Happy Mother's Day! Nasa heaven na ang nanay ko pero greet ko na rin siya ng Happy Mother's Day!!! Thank you sa lahat ng pagmamahal noong ikaw ay nabubuhay pa. Sa lola ko, sa mga tita and sa mga friends ko rin na sina Janice, Monet, Trish & Dolly, Happy Mother's Day na rin.

Saturday, May 13, 2006

I Don't Want To Go Outbound!

Hindi natuloy ang plano ng MG4B na mag-outing this summer dahil naguu-ulan na. Hindi rin nagpaparamdam si Anne, ang may plano ng lahat. Sayang at miss ko na rin ang mga friends ko back in college. Hopefully next time magkaroon kami kahit small gathering lang.

Kahapon, nag-apply kami ni Janice sa Convergys, Ortigas. Unfortunately, wala akong resume na dala kaya hindi rin ako na-interview. Bumagsak si Janice sa initial interview sa Convergys kaya nakakapagtaka. May nakilala rin kami, si Eds. Kasabay din siya ni Janice sa pagbagsak sa interview. After sa Convergys, pumunta kami ng ICT. Sobrang rush yung pagkakagaw namin ng resume. Kinopya ko lang yung kay Janice at yung picture ay kinuha ko lang sa Friendster. Natawa pa nga yung nag-iinterview sa picture ko dahil halatang hindi ako prepared. Nakapasa kami sa 3 stages ng application. Final interview na namin sa Monday pero hindi ako interesado dahil mukhang outbound sales ang babagsakan namin at ayokong magbenta ng kung anu-ano sa telepono. Yun lang!

Thursday, May 11, 2006

Missus Fe Gannaban

Magandang gabi po!

Hindi ako makakapasok sa shift ko later dahil wala akong boses. Paano nga ba ako nawalan ng boses? Kaninang umaga sa shift ko, may call ako from Australia na ang pangalan ay Fe Gannaban. Grabe ang customer na ito, sobrang reklamadora! Ang dami n'yang reklamo sa TFC. Bakit ba hindi na lang siya magpa-cancel ng service. Ayun, sa sobrang nakikipaghiyawan na ako sa kanya, ganito naman ang nangyari sa akin. Nawalan ako ng boses. Paano kaya 'to? Mag-a-apply pa naman kami ni Janice sa Convergys, Ortigas bukas.

Speaking of applying to a new call center, hindi po ito permanent. Before, sinabi ko na gusto kong maging first and last job ang pagiging call center agent sa C-Cubed, puwes, binabawi ko na, hehehehe! Sinabi ko rin na malapit na akong mag-abroad, totoo yan.... once na natapos ko na yung mga papers ko siyempre. Sa ngayon, gusto ko munang ma-experience kung paano sumuweldo nang medyo malaki-laking pera. Sana'y swertihin kami sa pag-a-apply namin bukas. I'm a bit confident about it dahil sa dalawang taon na experience ko sa call center, there's no way na i-reject nila ang application ko. Bye for now!

Monday, May 08, 2006

Tyrone's Departure

Haller!!! Kumusta kayo? Ako, eto, mabuti naman. Araw-araw na akong nag-O-OT. Iba't-iba ang concern. The past few days, North America ang concern. Kanina naman, puro Australia. Walang signal ang mga taga-Australia, mabuti na lang at mababait ang mga tao doon.

Sa shift ko kanina, hindi ako pumuwesto dun sa naka-ayon sa seat plan dahil wala naman akong katabi at nakipag-chikahan na lang ako kay Sir Denich. Nag-kwentuhan lang kami ng kanya-kanyang mga sex life. Okay lang nag magkwentuhan ng ganoon, as long as ikukwento in a wholesome manner (nyekkk, parang confusing 'ata). Anyways, iba na talaga ang atmosphere sa office. Parang nakakalungkot na. Si Jovie, mag-reresign na. Ka-batch ko siya, and kahit paano, nakaka-kwentuhan ko na rin siya since mag-Puerto kami. Si Lew rin, aalis na rin. By June, aalis na rin ako at si Janice. Wala nang matitirang tao sa technical department. Sa totoo lang, nakakalungkot rin iwanan ang ABS-CBNi dahil kahit paano, malaki ang naitulong nito sa buhay ko, pero I have to be practical, we all need to earn bigger money, more than what we deserve with this company.

Maiba naman tayo. Last night, hindi ako natuloy sa birthday ng anak ni Sheryl dahil despedida ni Tyrone. Doon kami kumain ng dinner sa kanila. Pupunta si Tyrone sa Dubai at kasama dapat n'ya ako roon, kaya lang, since hindi pa ako nag-aayos ng mga papeles, hindi na ako natuloy-tuloy. Nakausap ko rin si May, ang sabi n'ya, mahirap raw humanap ng trabaho sa Dubai ngayon at sobrang init ng panahon. Parang dini-discourage n'ya ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang trabaho doon. Basta, for me, come what may! Everything will be fine!

Sunday, May 07, 2006

Bam & Nina Is Out

Hello everybody!

I'm listening to Emma Bunton's "Take My Breath Away", nice song! Kumusta naman kayo d'yan? I'm doing good naman kasi it's my rest day, kaya lang, mamayang 12 midnight ay may pasok ulit ako. Sa ngayon, hindi ko alam kung aalis ba ako dahil ininvite ako ni Sheryl sa birthday ng baby boy n'ya. One year old na yung baby n'ya and guess what, ninong pa ako ng batang ito. Nakalimutan ko na ang pangalan dahil hindi naman ako matandain sa mga ganyang bagay. May usapan kami ni Karen na magkikita kami, kaya lang until now, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Medyo tinatamad na nga rin ako. Hay basta, bahala na.



Last night ang second eviction night sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Natanggal si Nina na hindi ko talaga ine-expect. Ang dapat matanggal ay si Olyn since hindi ko siya gusto. Mababa ang turn out ng mga boto ni Nina, sayang talaga, maganda pa naman siya! Hindi lang yan guys, si Bam din ay na-forced evict. Ewan ko ba kung bakit, hindi na rin kasi ako talaga nakakanood n'yan dahil sa shift ko. Maaga na kasi siyang pinapalabas, pagkatapos agad ng TV Patrol kaya no chance for me to watch this show. Ang alam ko lang, maraming nagawang violation si Bam, crush ko pa naman siya, sayang din! Anyways, yung bagong pasok na housemate na si Juaquin ay hindi ko pa talaga napapanood nang ganoon katagal. Mas cute pa rin si Gerald sa lahat.

Kanina, nanood ako ng ASAP '06. I'm wondering bakit wala na si Kuh Ledesma. Gusto ko pa naman siya dahil hindi lang siya magaling kumanta, maganda at sexy pa at her age. Nagkaroon na rin ng farewell ang cast ng Gulong Ng Palad. Gustong-gusto ko ang teleserye na ito dahil ang ganda and sobrang bilis ng story. 5 months lang ang itinagal ng show pero kada episode ay kaabang-abang. Another teleserye na dapat abangan ay ang Bituing Walang Ningning ni Sarah Geronimo at Angelika dela Cruz. Nagpakita na sila ng full trailer kanina sa lahat ng channels ng ABS-CBN. Mukhang maganda talaga ang drama na ito sa primetime, parang ayoko nang magtrabaho, hehehehehe. Maganda ang movie na ito kaya I hope na maganda rin ang pagsasa-telebisyon.

Friday, May 05, 2006

Red's Last Day

Good afternoon!

Muntik na akong ma-late sa shift ko kanina, mabuti na lang, 1:28 AVAYA time ay nakarating agad ako sa station ko. Hindi ganoon ang bulk ng calls kanina unlike yesterday na sobrang daming tawag sa umpisa pa lang ng shift ko. Kaya siguro hindi masyadong maraming calls ay dahil sa mga nag-overtime na sobrang over talaga. Simula 12 ng tanghali ay may pasok na sina Eugene, Blue, JM, Carlo, Bradley at Maxene pero nag-overtime sila. Yung iba nga 5:30 AM na nag-out. Grabe, parang hindi ko ata kakayanin yun. Kanina, binati na ako ni Mother Maya, sabi n'ya na hindi naman siya galit sa akin, so medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko.Sa bandang huli lang bumaha ulit ng calls. Kahit mga EA ay nagko-call handling na rin, bwahahahahaha!!! Kakaiba talaga mga tao sa Amerika, mukhang kapag sinumpong, sabay-sabay tatawag! Hmmmmph!

FYI lang, ngayon na pala ang last day ni Red or DJ Arquero sa office. Resigned na siya. Nakakalungkot dahil masaya pa naman siyang kasama. Siya lagi ang nakikipag-coordinate kapag may mga lakad kami sa forum. Malaki siyang kawalan sa samahan namin, pero she promised naman na she'll keep in touch para lagi pa rin siyang present kapag may mga eyeball kami sa forum. Speaking of resignation, naghahanap na ako ng resignation letter na pwede kong magamit kapag nag-resign na ako sa trabaho. Si Janice din, gusto na rin n'yang mag-resign. I'm sure na malulungkot talaga ako kapag umalis na ako sa HTMT, and I'm sure na yung iba ring officemates ko ay malulungkot kapag nawala na ako. Haaayyy... kakalungkot talaga!

Thursday, May 04, 2006

Sayang Ang Commendation!

Magandang gabi!

Nagre-ready na naman ako sa pagpasok mamaya sa office. 1:30AM ang shift ko, at ang tagal ko na talagang nagtiya-tiyaga sa schedule na ito. Nahihirapan na rin ako sa ganitong klaseng schedule dahil dati, nasanay ako ng pang-hapon na schedule na wala masyadong tawag. Miss ko na yung schedule na 'yon!

Sobrang daming calls kanina. Halos karamihan ay hindi pa nakaka-migrate sa DirecTV. Nakakainis talaga. Yung first call ko ay maganda. I didn't intend na magpakasipsip sa customer. Ang akin lang, inayos ko lang mabuti yung flow ng call ko. Kino-commend na ako ng customer, then nilapitan ko si Oliver, sinabi ko sa kanya na kino-commend na ako kaya lang hindi naman n'ya sineryoso kaya hindi ko na lang binigay. Sayang talaga! Bago man lang sana ako mag-resign ay na-commend ako, tsk tsk tsk!!! Moving on, sobrang daming calls talaga, nakaka-frustrate. Nakakatamad na tuloy pumasok.

Si Jayson, nagkwento sa akin kanina. May jowa na pala siya, at ang jowa niya ay may asawa't anak na, san ka pa??? Ang haba ng hair, mistress ang dating, hehehehe!!! Buti pa siya, kahit paano may career na, ako wala pa rin, tumatanda na ako na wala pa ring lovelife. Kailan kaya??? Feeling ko tuloy, tatanda akong dalaga, wag naman sana! Knock on wood!

Kanina rin, nagkita na kami ni Mother Maya. Nag-apologize na ako sa kanya dahil nag-assume ako na na-approve yung scheduled vacation leave ko. Hindi kami masyadong nakapag-usap but I hope na napatawad n'ya na ako. Sa bagay, kasalanan ko talaga ang nangyari. Bahala na.... basta... tignan na lang natin.

Paalam na muna, kailangan ko nang pumasok. Byers!

Wednesday, May 03, 2006

Happy 9th Birthday Mico!

Good evening!

Birthday ngayon ng half brother ko na si Mico, he's already 9 years old. Happy birthday!!! Nagse-celebrate din ng birthday yung anak ng pinsan kong si Ate Nene, si Aishi Faye. First birthday ni Aishi, pumunta kami kanina sa bahay nila sa Valenzuela, mabuti na lang at may mga natira pang pangregalo dito for baby girls. Nagbigay na lang ako ng Dora na dress.

Kanina ang first eviction night ng Pinoy Big Brother Teen Edition, ang mga nominees for eviction ay sina Nina, Olyn at Mikki, at ang natanggal ay si Mikki. I'm sure na sunod na d'yan si Olyn. Sa sobrang ganda ni Nina, si Olyn na malamang ang matanggal sa Sabado. Grabe, ang bilis ng tanggalan sa Bahay ni Kuya!

Tuesday, May 02, 2006

Refresher Course With Sir Dan

Bad trip ako kanina nang pumasok ako sa office. Alam ko na may possibility na bigyan ako ng citation sa ginawa kong hindi pagpasok yesterday sa shift ko na 3AM. After one week ng vacation leave, instead na two weeks, ang unang bumungad sa akin ay si Rico na sinasabing no show raw ako. Although ine-expect ko na maaaring mabigyan ako ng citation tungkol sa hindi ko pagpasok dahil sa Puerto Galera, naiinis lang ako dahil pwede naman sana n'ya akong i-approach in a nice way. Hindi ko alam kung feeling close ba siya o nang-iinis talaga, pero hindi ko gusto yung ginagawa n'ya dahil everytime na makakasalubong ko siya sa office kanina, lagi n'yang nire-remind na no show raw ako. Basta, asar talaga ako kanina.

12 noon ang shift ko kanina dahil may refresher course kami. Ang mga nag-conduct nito ay sina Ate Noreen at Sally for StarKargo, si Mervin for LDD, si Gel for Refer-A-Friend Promo, Anna for Starry Starry Store, Badet and Mother Eva for Tawag Remit and last but not the least, si Sir Dan for QA issues. And dami namin kaninang nag-training, nandon sina Jovie, Azenith, Lourdes, Monet, Yami, Danny, Jopay, Karen, Lana, Hope, Irene, Mharj and a whole lot more. In fairness with the course, wala namang bago, ganon pa rin. Malamang, kaya lang nagpa-refresh ay para kay Sir Dan.

Kanina, sinabihan ako ni Jovie na mukhang nagiging issue yung hindi ko pagpasok sa shift. Medyo bothered ako about the situation dahil involved dito si Mother Maya. Isa si Mother Maya sa pinakamabait na tao sa akin sa office and I don't want her to be affected by the issue. I admit, kasalanan ko rin naman yun at nag-assume ako na hanggang this week ang leave ko dahil yun ang ipinagpaalam ko. I thought that my request has been granted, ayun pala, nagkaroon nga ng mga pagbabago dahil sa pagdating ni Sir Dan. Sana maayos ko rin ito, ang dami pang issue na dapat kong i-settle, until now, bothered pa rin ako tungkol sa pagpapa-advise ko last last week, and all of a sudden, malalaman nila na gimik lang pala ang pinuntahan ko. Haaaay, grabe... what's happening to me???

O sige na, bye for now!

Monday, May 01, 2006

Puerto Galera Challenge


Magandang gabi!

It's the first day of May. It's Labor Day today at marami ang nagra-rally sa kung saan-saang panig ng Pilipinas. Aside from Labor Day, fiesta rin dito sa amin and wala kami masyadong handa, FYI lang po.

Hay grabe, kagagaling ko lang ng Puerto Galera. Saturday morning nang umalis kami from Manila to Batangas Pier. Pagdating namin ng Batangas, over sa dami ang tao. Kung sa bagay, peak season nga naman ngayon and long weekend pa dahil sa holiday ngayong Lunes. Nakakainis, parang ito na 'ata ang pinakamahirap na naranasan ko papuntang Puerto Galera. Mabuti na lang, may kasama kaming ma-diskarte, si Jovy. By the way, ang mga kasama ko nga pala ulit ay sina Lorie, Maynard, Jovy, Ate MeAnn and her boyfriend Bong.

Ang dami nilang dalang mga gamit, samantalang ako, sobrang konti lang. Kasyang-kasya lang sa Nike kong bag na pang-light baggage lang. Naiinis nga ako sa kanila kapag tinutukso nila ako na ang baho-baho ko na raw dahil nga kaunti lang talaga ang dala ko. 2 tops at 4 na pambaba lang. Kainis talaga, to the max, napipikon na nga ako honestly pero ngayon ko lang rin naman naiisip na talagang mali yun dahil 3 days kami doon.

Sa totoo lang, parang naging Extra Challenge yung pagpunta namin sa Puerto Galera. Tulad ng sinabi ko kanina, sa Batangas Pier pa lang, siksikan na yung mga tao simula gate. Sa Puerto naman, ang hirap humanap ng bahay dahil halos lahat ay puno na. Nung first night namin, sobrang nahirapan kaming humanap ng makakainan, after that, kahit mga bars ay puno din. Second night, nakisama kami sa table ng mga barkada ni Lorie kaya may napwestuhan kami, then nagkaroon pa kami ng chance na magsayaw sa mga dance music ng bar na pinuntahan namin. Masarap pa rin ang Mindoro Sling, ayoko lang talaga ng after taste.

Si Jovie ang naging clown namin buong stay namin sa Puerto Galera. Nakakatawa talaga siya. Tuwang-tuwa nga ako kapag nagju-joke siya about Jopay at Annie. I don't wanna share kung ano yung joke, medyo confidential siya.

Nung Saturday night sa Pinoy Big Brother Teen Edition, nag-decide si Aldred na umalis ng bahay. Tamang-tama nang bumalik kami ni Jovie sa bahay na tinuluyan namin, napanood ko ang pag-alis ni Aldred sa bahay. Ewan ko ba, hindi ako madalas nakakapanood ng show na ito dahil mas maaga siya ngayon compare sa timeslot n'ya before. Sa umpisa, mukhang okay naman 'tong si Aldred, kaya lang, mukhang mahilig siyang mag-self pity, nakakainis! Hindi pa ba siya masaya at nakasali siya sa Big Brother, sayang lang yung opportunity n'ya!

Bye muna!