Monday, February 27, 2006

Congratulations Tinay & Karen!

Magandang hapon everyone!!!

Kakatanggap ko lang ng mga pictures na pina-print ko sa Digiprint and ang nag-deliver nito ay LBC. Ang ganda nga naman ng service ng Digiprint, imagine, you no longer have to go back to the printing station a day after, all you have to do is to wait at the comfort of you own home. I've browsed the pictures. With regards to the quality, hindi ako ganon ka-satisfied with the result. Most of the pictures I've had printed are just downloaded from the internet. The good ones are the photos taken from my Kodak digital camera. It could be the reason. 155 photos lahat ang na-develop. It has cost me P1,007. Mas mura siya kung iko-compare sa iba, P6.50 per 4R size of photos.

Rest day ko ngayon pero may pasok na rin me later this evening. Dito lang ako sa bahay nag-stay. Si JR, my brother, ay wala ring pasok kaya nagpa-rent na lang ako ng video sa Video City. Tatlong videos lang ang allowed na hiramin. Humiram siya ng "The Exorcism Of Emily Rose" , "Shutter" and "The Longest Yard" . Nanood kami ng "The Exorcism Of Emily Rose" habang kumakain ng tanghalian. Nagpabili ako sa kanya ng roasted chicken sa kanto at ng iced chocolate from Quickly. Hindi siya ganoon ka-scary since hindi naman talaga yung story ng exorcism ang ipinalabas. Ipinakita nila kung paano nakipag-deal ang isang pari sa kasong isinampa sa kanya dahil sa pagkamatay ni Emily Rose dahil pinigilan siya ng pari na mag-take ng medications. Kadalasan ng scene ay nasa korte dahil ipinakita din dito ang trial at kung paano na-defend ng abogado yung priest.

Ang dami ko nang nami-miss na episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nagpakalbo sina Aleck Bovick at DJ Rico Robles. Nakipag-talakan si Keanna kay Mich. Si Mich naman, wala na rin sa bahay dahil hindi siya nakabalik sa 24 hour na palugit ni Big Brother. Apparently, hindi raw makahinga si Mich kaya siya dinala sa hospital. Ang arte-arte n'ya, iyak nang iyak!

Last Saturday, February 25 ang first eviction night. Ang pinaka-unang na-evict ay si Mang Rudy. Mabuti naman at nakapag-stay si Keanna although I'm guilty dahil hindi ko siya naiboto kahit nag-promise ako na iboboto ko siya, super close raw kasi ang boto ni Keanna at ni Mang Rudy. Kahapon naman, February 26, second nomination night na. Na-nominate ulit si Rico, then Rustom and Christian were automatically nominated by Big Brother. Ang sabi nila, may nagawa raw na violation ang dalawa. I wanted Rico to be evicted. I don't like him, feeling artista when he speaks with Roxie.

Kahapon din ang pilot episode ng Sharon, the new show of The Megastar, Sharon Cuneta after 2 years of absence in ABS-CBN. Hindi ko siya napanood coz I'm sleeping that time. Later tonight ay ang pilot episode naman ng teleserye nina Judy Ann Santos and Piolo Pascual, "Sa Piling Mo" . I think that ABS-CBN is slowly gaining back the rates. They're doing good. It's also time for Wowowee to go back. I'm just wondering if it will still be same title, hosts and format. Willie Revillame will definitely go back. That's for sure.


About my forum life, kahapon, napa-ban ko na kay TFC Godfather ang isang forumer na sobrang manlait kay Kris Aquino. Super non-sense ang pinag-gagagawang thread kaya talagang may ground for banning ang lokong forumer na ito na si Joey-de-Leon. Sa ngayon, malakas ang kutob ko na siya rin ang bagong forumer na si Dancing Queen, kaya naman lagi akong nagbabantay sa thread ni Kris, along with my friends para hindi na makapalag pa ang mga ito.

Now, I'm done downloading "Stick With You" by Pussycat Dolls and "Never Ever" by All Saints.

Gonna sleep now, bye!

===========================

10:00 PM Manila Time

Post ulit ako, update ko lang. Nanggaling ako sa thanksgiving celebration ng mga pinsan kong sina Tinay at Ate Karen. Nakapasa na sila sa board exam. Mga ganap na silang doktor! Ang galing, first doctors in our family. Si Cyd naman, yung husband ni Tinay, nakapasa rin sa board exam para sa mga nurse. Triple celebration kanina, umaapaw ang lechong at sobrang daming beer, may disco pa para sa mga mahilig mag-ballroom dancing. Nakakabilib talaga sila. Congratulations! In fairness kanina, nagkaroon na rin ako ng bonding moment with my male cousins. Sana maulit pa!

Thursday, February 23, 2006

I Should Have Won 1 Million

Good afternoon!

Kakaligo ko lang sa ngayon. Nanood ako kanina ng Pilipinas, Game K N B?, ang dali-dali ng one million peso question. Ang tanong, ano raw ang English love song na pinasikat ng grupong Expose noong 1993. The answer: "I'll Never Get Over You (Getting Over Me). Shit! Kung ako siguro ang nasa place nung contestant, malamang milyonaryo na ako ngayon. Hehehehe. Masyado talagang mailap ang fortune.

Wednesday, February 22, 2006

Ang Team Building Kuno

Hi guys! Kakapanood ko lang ng Deuce Bigalow, European Gigolo ni Rob Schneider. Grabe, this movie is crazy! Mukhang wala masyadong restrictions.

Anyways, natuloy na rin ang outing na pinlano ni Jassey, a new friend from work. Nag-swimming kami kahapon sa Antipolo. Nagkaron kami ng Team Building kuno. Nagkita-kita kami sa office around 12 noon. Kasama ko sina Hope, Andy, Brooke and Anthony, ang nag-drive para sa amin. Hindi komportable sina Andy at Anthony sa isa't-isa dahil kaka-break lang nila. Recently lang pala sila nag-break, and hindi sila obvious na mag-on sa office. Na-ikwento na sa akin 'to ni Dolly before, that's the time na hindi pa kami close ni Andy. Going back to the topic, sinundo namin si Mother Juvy, ang officemate ko na kahit medyo may edad na, sexy pa rin!

Pumunta kami sa Forest Hill Aqua Park sa may Cogeo. Nung una, ang saya-saya namin kasi kami lang ang tao. Super pictorial talaga kami nang kung anu-ano. Ang saya. Sina Hope, Andy and Brooke ay walang kakiyeme-kiyeme sa pag-pose. Unfortunately, pinayagan lang kami hanggang 6pm. Sumunod sina Heart, Jassey, Roygen at huling dumating si Errol. Umalis kami ng 6pm after maluto ang sinaing. Nakakapanghinayang dahil ang ganda-ganda ng place. Mabuti na lang at kasya kami sa van. Ako, si Anthony, Andy, Brooke, Hope, Jassey, Roygen, Heart, Errol, Mother Juvy, yung dalawang anak n'ya and yung husband n'ya.

Pumunta kami sa isa pang resort sa Antipolo, the name is Boso-Boso. Ang ganda sana ng place kaya lang, ang dumi ng water kaya umalis na lang kami at lumipat ng iba pang resort.

Finally, yung huling napuntahan namin ay okay na. Nakalimutan ko na yung name ng place. Somewhere around Antipolo rin. Nung naka-settle na kami, kumain muna and then inuman na agad! Super kuwentuhan ng kanya-kanyang lovelife and kanya-kanyang emote. Ang hirap talaga kapag wala pang experience sa love, hindi ako makapag-share! Hanggang pagtatanong lang ako. I'm more of an interviewer kapag mga ganitong okasyon dahil wala akong ma-share. After that, natulog muna ako dahil sobrang antok na ako dahil wala pa akong sleep from my shift. Pagkagising ko, umalis na pala sina Mother Juvy, hinatid siya nina Anthony. Yung paghatid nilang yun ang nagdala ng creepy story on our trip. Kinuwento nila na biglang bumigat raw yung sasakyan, that happened after dropping Mother Juvy and her family. Apat na lang raw sila sa van at nagkakatakutan pa. Tapos biglang na-notice ni Anthony na biglang bumigat ang car. Hay nako, I like these kind of creepy experiences, sayang at wala ako sa scene, hehehe.

Umuwi kami around 3:30am, kumain muna kami sa lugawan. Hinatid kami ni Anthony sa Cubao and sabay na kami ni Hope nag-bus pauwi.






Monday, February 20, 2006

Close To You

Good evening!

Nagkita-kita kami nina JR and Janjay sa Power Plant Mall saRockwell kahapon. Nag-stroll and kumain kami sa Jollibee bago manood ng movie. Nakita pa namin si Erik Santos na kumakain sa Kenny Rogers and nanood ng Close To You. Grabe, hindi ko kayang makipagsabayan sa dalawang friend ko na yun in terms of buying real signature clothes. Sa totoo lang, hanggang People Are People lang ako. Sila, kakaiba talaga ang mga hanap nila, Lacoste, Calvin Klein, Armani, Louis Vuitton at iba-iba pang kasosyalan. Sa bagay, karamihan naman ng mga gay friends ko sa Letran ay ganun, like Paul and Dennis, I'm sure kayang-kaya nilang i-afford yung mga ganung brands. Nakakaloka!!! Hehehe, anyways hindi naman ako katulad nila na mahilig sa super branded. Maybe I buy things na above average ang price but not that expensive tulad nila.

Ang mga stars ng Close To You ay sina Bea, John Lloyd and Sam Milby. It's my second time to see John Lloyd and Bea in big screen. First yung Dreamboy with Bea and Dubai with John Lloyd. Si Sam naman, hindi ko siya masyadong gusto sa TV, pero nung napanood ko na siya sa big screen, na-realize ko na super cute pala siya! Medyo nakakatulugan ko yung movie dahil super antok na talaga ako. Okay naman yung movie except for the fact na sobrang common ang story. Ang kakaiba lang dito ay dinala nila story sa Davao, sa Bohol and sa Singapore.

After namin sa Rockwell, pumunta na ako sa office. Sobrang antok at nakakatulugan ko na rin yung ibang calls ko. Masaya ang shift ko kanina nang nakatabi ko na sina Matet, Errol, and Andy. Usapang adult kami kanina, about sex, life, school life and everything. Ang sarap ng discussion, para kaming nasa talkshow, hehehe.

Nung uwian na, dumaan muna ako sa Cubao para papalitan ang housing ng cellphone ko. Nakakainis talaga. Gusto ko kasi ng transparent na housing, may na-provide sila kaya lang, kulang naman ang parts. Tapos pinalitan nila ng blue na transparent. Sa ngayon mejo umayos-ayos na siya at hindi na tulad kanina na sobrang hirap i-glide. Yung unang presyong binigay saken ay 350 pesos tapos ginawang 400 pesos after magawa, kesyo sa iba raw kinuha yung housing. Nakakainis talaga, ayoko nang bumalik sa kanila.

O sha, it's about time for me to go. May pasok ako ng 1:30AM mamaya and maghahanda pa ako ng mga gamit since may lakad kami ng mga officemates ko tomorrow.

Sunday, February 19, 2006

Yehey! May CD Writer Na Kami!

It's a Sunday. ASAP '06 and The Buzz day. Pumunta ako sa mall kanina, nagpa-cut ng hair kay Mr.Marlon ng David's For Rever sa SM Carpark. Okay lang ang hair ko, hindi masyadong maigsi. Bumili rin ako kanina ng Kris eau de toilette for myself and a camouflage design ng brief sa Bench, and cute! Bumili rin ako ng shades na super cute!

Since ako'y mayaman this season, naisipan ko nang magpabili ng CD writer sa kapatid ko. Finally, pwede ko nang mapatugtog via CD player and sound system ang mga favorite songs ko. Sa ngayon, karamihan ng downloads ko ay mga kanta nina Victoria Beckham and Billie Piper.

May lakad pa kami nila JR at Janjay later. Bye!

Saturday, February 18, 2006

The Kris Aquino Magazine

Hi everybody! It's a Saturday night! Last night, na-confirm ko na kay Sir Don na tama ang sinuweldo ko. It means na may pera akong malaki sa ngayon. Hindi siya milgaro, ito'y isang katotohanan! I'm planning to buy a CD writer para makagawa na rin ako ng mga CD's and videos na pwedeng gawing souvenir for my friends in the office.

Pagka-uwi ko, kasabay ko si Glenda. Dumaan muna kami ng bookstore para bumili ng K or Kris Aquino Magazine. I collect magazines na si Kris Aquino ang cover and I'm so happy since hindi lang siya ang cover nito since ang magazine na ito ay para sa kanya at mula sa kanya. Perfect ito for Kris fanatics like me. Sold out na siya sa Booksale, mabuti na lang at available pa siya sa National Bookstore. May kamahalan ang magazine. It's 95 pesos. Hindi siya entertainment magazine. It's more of a lifestyle type. Most of the articles deals about day to day life of a kikay person like Kris. Hindi naman lahat tungkol sa kanya, there are articles na siya ang sumulat, and there are some na siya ang pinag-uusapan. Minake-over n'ya si Juris, kasama n'ya sa make over si Lucy Torres-Gomez. I like the magazine! I'm sure na panalong-panalo ito sa market!


About Big Brother, second nomination night ngayon pero na-surprise ako dahil same nominees pa rin. Sina Tatay Rudy, DJ Rico and Keanna. I'll be voting for Keanna. Samantala, si Gretchen naman ay kinakailangang mag-report sa Tuesday sa Philippine Airforce. Yun lang po! Bye! Absent ako ako ngayon.


Thursday, February 16, 2006

Sister Goes Back To Dubai

Good afternoon everyone!

Rest day ko na later, finally! Umalis na ngayong araw na ito ang ate ko papuntang Dubai. Babalik na s'ya after n'yang magbakasyon dito for about 4 months ata yun, ang tagal din noh? Nag-iwan siya ng mga instruction kung anu-ano ba ang mga requirements na dapat kong makuha para makapag-abroad na ako. Hopefully this year, makaalis na rin ako. Nagsasawa na ako sa trabaho ko ngayon. Gusto ko nang mag-resign.

Kanina, kinumpirma ko kay Papa Bear kung totoo yung sinuweldo ko na eleven thousand. Sabi n'ya mukhang na-credit na raw ang mga leaves na hindi ko nagamit, both vacation leaves and sick leaves. Hindi pa rin ako convinced kaya mas magandang hintayin ko na lang ang pay slip para mas sure ako sa talagang pera na dapat kong makuha.

Wednesday, February 15, 2006

Eleven Thousand Salary? It's A Miracle!

Grabe!!! I can't believe it! Kaninang umaga, kasabay ko sina Deng at April pauwi, dumaan kami ng Gateway Mall para mag-check ng sweldo at mag-withdraw sa IBank ATM. Sobrang daming tao ang nakapila sa ATM. Naunang mag-withdraw si Deng, then sumunod si April. When it's my turn, hindi na ako nag-check ng balance at bigla na lang akong nag-wirthdraw ng 2 thousand pesos dahil I'm expecting a lower pay this time since nagkamali ang par roll department namen sa office. I'm expecting na nakaltasan ako ng P1,600. Nagulat ako nang ang amount sa remaining balance ay P9,247.80, it just means na P11, 000 more or less ang sinuweldo ko dahil may natira pang 300 pesos sa ATM ko last time na mag-withdraw ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis, eh paano naman, if ever na nagkamali ang HR namin, hindi ko alam kung paano maiiwasang magdala ng ATM! Haaayyy, kakaiba talaga ang kompanya namin!

Anyways, na-realize ko lang na crush ko talaga si Simon at Edmond sa office. Ang ku-cute nila! Hehehehe... bye!

Tuesday, February 14, 2006

Tinulugan Ang Araw Ng Mga Puso

It's February 14, one of the most significant day for lovers. As usual, wala na naman akong ka-date. Itinulog ko lang ang buong araw. From 12 ng tanghali hanggang 10 ng gabi. Sobrang wala akong tulog kahapon kaya ngayon ako bumawi kung kelan pa Valentines.

Birthday ngayon ng favorite celebrity ko, si Kris Aquino! I'm not so sure how old is she now, siguro mga 33, 34 or 35??? Ewan, basta I really like her kahit marami siyang haters. Actually, sa Pinoycentral message board, lagi akong nakikipagtalo para lang maipagtanggol si Kris, and in fairness, na-influence ko rin ang mga friends ko na ipaalam sa mga haters ni Kris ang mga bagay na gusto nila kay Kris. Birthday din ni John Prats, Heart Evangelista and Roxanne Guinoo, puro showbiz personalities. Wala naman akong friend na natatandaan kong nag-birthday ng February 14.

Kanina sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition, nagbigayan sila ng flowers. Yung mga male housemates, nagbigay ng flower sa gusto nilang pagbigyan. Si Keanna Reeves ang may pinakamaraming natanggap na flowers. Ang mga nagbigay ay sina Budoy, Zanjoe, Rustom and Christian. Talo pa n'ya ang ibang mga girls. Nakakatuwa talaga si Keanna! She's tagged as the "Kilabot Ng Senado" sa bahay ni Kuya. Kahit isa lang siyang cheap starlet na nagsasayaw sa Recto, I still like her. Iba talaga ang nagawa ng Pinoy Big Brother kay Keanna, mas gumanda ang tingin sa kanya ng mga tao.

Saturday, February 11, 2006

Pinoy Big Brother Celebrity Edition's First Nomination Night

Good evening! It's Saturday night and Close Up Lovapalooza na sa Baywalk ngayon! As usual, may pasok na naman ako mamayang 1AM kaya kailangan kong magmadali.

Sa wakas, napanood ko na rin ang Komiks kahit na second episode lang. Si Cass ang bida sa Blusang Itim, partner niya si Uma. Hindi pa pang-heavy drama ang acting nila. Very light pa lang so far.

First nomination night naman ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nominee for eviction sina Rudy Fernandez, Rico Robles and my favorite Keanna Reeves. Unlike nung unang Pinoy Big Brother, ibang-iba ang naging pambato ko ngayon. Si Nene ay very strong housemate. Si Keanna naman, parang napaka-vulnerable sa lahat, hindi siya ganon ka-smart, hindi siya active, hindi rin siya masipag. I simply like her!

Friday, February 10, 2006

Oldest Cousin Celebrated Her 51st Birthday

Birthday kahapon ni Ate Lita, February 9. Siya ang pinakamatanda sa lahat ng pinsan ko sa mother side. Kasama kong pumunta sina May at Opalyn. Naroon din ang Tya Gunda, Kuya Ruben, Ate Tina, Kuya Marlin, Ate Nene, Ate Deng, Ate Baby, Ate Josie, Ate Cathy at marami pang iba. Nagkainan and nag-inuman kami. Ang bilis ko ngang namula dahil gin at Red Horse na may pineapple juice ang ininom. Kahit na lasing ako, wala naman akong pasok kinagabihan.

Ngayon, papasok na ako dahil 1AM ang duty ko. For the first time, nakapanood na rin ako ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition sa prime time. As usual, magaling pa rin talaga ang pagho-host ni Toni Gonzaga. Pansin ko lang, wala masyadong shot ang favorite kong si Keanna Reeves. Nakakatuwa talaga siya. So far, hindi naman siya nakakainis panoorin. Si Roxanne Barcelo and DJ Rico Robles ang mukhang nasa spotlight ngayon. Meron pala silang nakaraan. Niligawan dati ni Rico si Roxanne while having an unfinished business, as per Roxanne.

Ay nako, tinatamad akong pumasok! Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Goodluck!

Thursday, February 09, 2006

Tawag Remit & StarKargo Refresher


5AM ako pumasok ngayon araw na ito. It's because I have a refresher training for Tawag Remit and StarKargo. Ito'y dalawa sa pinaka-ayaw kong split sa ABS-CBNi North America. Ang mga kasama ko sa training ay sina Annie, Pia and Raiden. Si Bernadette yung unang trainor namin for Tawag Remit. This is the money remittance service of ABS-CBNi in partner with BPI. In fairness, magaling talaga magturo si Badet and honestly, natuto talaga ako and I'm more confident on handling call like this. Through this refresher, alam ko na rin kung ano yung mga mistakes na nagagawa ko unconsciously, and mas alam ko na ngayon ang tamang diskarte and kung paano maiiwasang magkamali sa pagha-handle ng call ng Tawag Remit. Regarding StarKargo, ito naman ang service ng ABS-CBNi for cargo and box deliveries from US to the Philippines. Nung una, sa San Francisco lang ito available hanggang nag-expand na siya at umabot sa Southern California, Arizona, Texas, Florida, North Carolina, South Carolina, Oklahoma, Kansas, Arkansas, Georgia at marami pang iba. Si Sally ang trainor namin. Hindi masyado lively ang discussion pero okay na rin. At least na-recall ko na rin yung mga tamang procedure. Kadalasan lang ng gagawin dito ay puro feedback kaya sana, kapag nagka-call ako ng ganito, madali ko na siyang maha-handle.

Wednesday, February 08, 2006

Ako'y Isang Reklamador!

Good afternoon everyone! Mejo inaantok na ako pero post muna dito sa blog. Kaninang umaga, 3:30AM ang duty ko. Grabe, hindi ko talaga matanggap ang location ng bagong office namin. Bukod sa medyo malayo na siya sa Eastwood, walang malalapit na food outlet, walang establishment na katabi, wala pang ilaw sa paligid. Alam naman naming lahat na bagong gawa pa lang ang bagong site namin, pero sana, magkaroon man lang ng safe na environment. Actually, kaninang umaga, masyadong malayo pa, bumaba na agad ako dahil wala naman akong nakikita at malapit nang umabot ng tulay ang jeep na sinasakyan ko. Buti na lang, hindi ako na-late sa office kahit 6 minutes na lang ang natitira nang bumaba ako. Sobrang dilim at walang ilaw. Tapos, isang guard lang ang nagbabantay. I don't think na safe lumakad doon, nakakainis. Wish ko lang na walang mangyaring aksidente dahil sa kakulangan sa ilaw ng lugar na iyon. Hindi lang yan, yung mga work station namin sa office, sobrang aalikabok. Feeling ko nga, kung may hika lang ako, matagal na akong inatake. Parang hindi ako makahinga sa sobrang dami ng alikabok, tapos yung aircon naman, masyadong malamig. It's either ipatay ang aircon at uminit sa station or hayaang nakabukas na sobrang lamig. Haaayyy, ganito talaga siguro kapag bagong lipat. Ang daming sablay, ako naman, since isa akong reklamador, ang dami ko ring complains. Lastly, medyo naghihigpit sila ngayon, bawal ang cellphone at mga pagkain sa station unlike nung nasa lumang office pa kami. Nakakainis na to ha, hindi na tama yan! Hehehehe. By the way, it's Pinoy Big Brother Celebrity Edition's 4th day. Kahapon, mukhang nagkakaroon ng tension between Angela Calina and two other female housemates, Mich Dulce and Gretchen Malalad. It's because of my favorite Keanna Reeves! O sha... I'm gonna rest na! See yah!

Monday, February 06, 2006

New Office, Mini Eyeball & Pinoy Big Brother Celebrity

Hello! Good morning!!!

Kakagising ko pa lang. Medyo napagod ako last night nang umattend kami sa CCAP (Call Center Association Of The Philippines) Battle Of The Bands. 8 bands from member call centers competed for the finals. Unang-unang nagperform ang banda ng company namin, banda ng C-Cubed HTMT, ang ACW or After Call Work. Ang mga members ay sina Nica, Jiro, Jasper, Nico and Hernz. Sa tingin ko, magaling naman talaga sila. Hindi ko napanood lahat ng banda nag-perform dahil after tumugtog ng band namin, lumabas kami. Bago pala kami nag-punta sa event na yun, nagkita-kita kami sa Eastwood. Ang mga kasama ko'y sina Yeoj, Vilma, Jam, Eds & husband, Belle, Red at yung dalawang newfound friend from the Pinoycentral Forum, sina Oliver (Nitrous_Oxide) and Ronald (Iskolastiko). In fairness naman sa kanila, masaya rin silang kasama, marami rin kwento. Si Janice naman, dun na namin kinita sa Le Pavillion, yung venue ng event, sa may reclamation area sa Pasay. Si Tin naman, or Xtine of the forum, ay dun na lang din dumiretso. Ang saya-saya talaga, lalo na kapag pinag-uusapan ang forum. Uminom kami ng libreng beer sa may damuhan sa labas ng venue. Dun na kami nag-kwentuhan. Nagsipasok kami nang ina-announce na yung winner. Nanalo ang Clientlogic, first runner-up ang Convergys then 2nd runner-up ang Vision X. Hindi man nanalo ang banda namen, okay lang, I think that they did their best. Sa tingin ko nga, magaling talaga si Nica mag-perform. Sobrang confident. Nung umalis na kami dun, nawalan na kami ng plano. Si Tin ay umalis na, then kami ay naglakad-lakad pa sa Baywalk at Malate. Nauwi kami sa wala kaya kanya-kanyang uwi na, nagsabay na kami ni Oliver.



Speaking of Baywalk, sobrang dami ng tao dahil sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition launch kagabi. Gustong-gusto ko sana siyang panoorin kaya lang nagkataon naman na may event din na kasabay. I have the line-up of Celebrity Housemates. Rudy Fernandez (not the actor but the athlete), John Prats, Keannna Reeves, Aleck Bovick, Angela Calina, Rustom Padilla, Roxie Barcelo, Mich Dulce, Bianca Gonzales, Rico Robles, Christian Vasquez, Budoy Maraviles, Zanjoe Marudo & Gretchen Malalad. Yung unang PBB ay 12 housemates lang, ngayon, ginawa nilang 14 for only 57 days instead of 100. Mukhang mabilisan ang tanggalan. Mukhang magiging favorite ko si Keanna Reeves!

Before I say goodbye, I just want to say na nakalipat na kami sa bagong office namin. Goodbye Eastwood na kami ngayon, and hello new warehouse! Hahahaha.... Ayoko talaga ng bagong site namin, hindi accessible and hindi ko talaga siya feel. Parang nakakalungkot kapag doon nag-o-office. Wala man lang malapit na gimikan or mga establishments. Yun lang. In fairness naman, malaki-laki rin yung site. Siguro, one reason is for expansion. Lumalaki na rin kasi ang C-Cubed, plus, bago na kasi ang namamalakad nito. HTMT na ang bagong name ng company namin, pinapalakad ito ng mga Indian. Yun lang po. Bye!

Saturday, February 04, 2006

Tragic Anniversary For Wowowee

Kanina yung last day namin sa office. Kinuha na namin ang mga gamit sa lockers. Sad to say but we need to leave Eastwood. So many memories to reminisce and so many places to miss!

One shocking news today, nagkaroon ng stampede sa Wowowee's first year anniversary. Nagkaroon ng stampede around 6 in the morning. I don't know the exact reason. Sabi nila, nang magbukas daw ng gate ang Ultra, nag-unahan ang mga tao sa pagpasok kaya ayun, ang daming namatay at nasugatan. A total of 74 dead and almost 400 are injured. Grabe naman kasi, sobrang daming tao ang pumunta. Grabe, this day should be one of ABS-CBN's glorious days, since it's Wowowee's first anniversary, then launching din ng new shows, yung Komiks and Pinoy Big Brother Celebrity Edition. I hope na maging maayos na ang kalagayan ng mga na-injure, and sana maging peaceful na ang kaluluwa ng mga namatay, and hopefully, makabangon ang ABS-CBN at Wowowee. Willie won't be hosting the whole week this upcoming episodes. Nakakalungkot talaga.

Thursday, February 02, 2006

Kris: Eau De Toilete

Nagpa-derma ako kanina pagkagaling sa work. Off ko mamaya kaya okay lang kahit mejo late na ako matulog. Kahapon, nakuha ko na yung pay slip ko. Mejo nakaka-frustrate yung sahod ko kasi may error ang pay roll namin dahil halos lahat ng sumuweldo ay may sobrang amount na higit 1 thousand pesos. In fairness, satisfied na rin ako sa sinuweldo ko kaya lang gusto rin sana mag-save kahit mga two thousand lang. Medyo matagal-tagal pa rin kasi ang pay day.Kahapon din, bumili ako ng latest product from Bench, ang perfume specially made for Kris Aquino, ang Kris. I bought it kasi I really like her. It's not for me, it's for Mother Maya. Siya kasi ang gumagawa ng schedule namin sa office kaya dapat sumipsip. Bibili ako ng isa pa kapag nagkapera na ako, ibibili ko ate ko. Nung una, hindi ako na-impress sa scent n'ya, dahil amoy matapang, pero habang tumatagal, bumabango na.