Tapos Ko Na Ang $18,000
Kumusta naman?
Hay nako, sa wakas at na-reach ko na rin ang goal ko!!! I congratulate myself!!! Hindi ko na kailangan pang mag-alala dahil may lagpas na ako sa quota. Ang kailangan na lang humabol sa team namin ay sina Che, Ed at Zem. Nakakainis yung iba kong ka-team na ayaw mag-share ng mga EP's nila sa mga kailangan pang humabol sa goal. Ako nga, binigyan ko na si Zem at Kuya Ed kahit hindi naman ganoon kataas yung total balance na na-move ko. Sana lang bukas ay maka-abot man lang sina Che at Ed sa 75% ng quota. Si Zem ay safe na rin kahit paano dahil $600 ang kulang n'ya.
Kung mapapansin n'yo sa blog ko, halos lahat work related. Ewan ko nga ba??? Hindi naman dahil sa workaholic ako, kailangan ko lang talagang pumasok lagi para lang d'yan sa mga goals na yan. Feeling ko nga ay wala na akong social life dahil ang buhay ko everyday ay trabaho at bahay lang. Bihira na akong makalabas, hindi na rin ako makanood ng TV. Dati halos every rest day ko ay lumalabas ako. Last week 'ata ay talagang nag-concentrate lang ako sa work. This coming December tataas na naman ang goal na ibibigay sa amin. Malamang nasa $20,000 plus na ang goal namin. Haaaay, wish ko lang!
Walang pasok ngayon ang mga estudyante of all levels saka yung ibang establishments dahil may paparating na namang bagyo. Grabe naman, ang haba ng bakasyon nila! Buti pa sila ay may pahinga, samantalang kami, umulan, lumindol, bumagyo, mag-snow, kailangan pumasok. It's sooooo unfair!!! Etchoza!!!