Pukengkeng!
Kakagaling ko lang ng ABS-CBN dahil nag-Janero muna kami bago umuwi. After ng shift, kumain kami nina Father Alvin at Bernice sa Tokai at habang kumakain kami, nag-text si Mommy Ana at pinapasunod kami sa Janero. Wala na kaming choice kung hindi sumunod dahil wala rin naman kaming gagawin. It's Friday at wala na kaming pasok later although kailangan namin mag-overtime pero okay lang kahit anong oras kami pumasok. Actually, nung time na nag-text sa akin si Mommy Ana, nag-text din sa akin si Red dahil nanghihiram pala siya ng digicam at nakalimutan kong dalahin last night. Speaking of last night, dito pala natulog si Bernice kahit wala siyang dalang pamalit na damit. Pinahiram ko na lang siya ng pink na polo shirt ko at pinahiram ko na rin siya ng brief na parang panty ang style kaya naman walang nakahalata sa kanyang outfit today.
Going back sa Janero, ang mga nadatnan namin doon bukod kay Mommy Ana ay sina Rye, Kuya Ed at Wil. Puro tungkol sa opisina ang pinag-uusapan. Halos karamihan ay tungkol kay Pukengkeng, pero siyempre, I'm not allowed to disclose any information online because it may be used against us for some purposes, etchoz!!! Si Pukengkeng ay isa sa mga tao sa office na may mataas na position. Hindi ko alam kung siya ay 'he' or 'she'. Anyways, mas paborable ang 'she' sa kanya. She's one of the most hated and one of the funniest at the same time.
Three days to go, Christmas na! Sa wakas ay malapit nang matapos yung pagre-repair ng daan dito sa harap namin. Grabe naman kasi, kung kelan malapit na ang Pasko saka nila naisipang ayusin yung mga kalye dito. Hindi ba nila iniisip na may simabahan sa tapat namin at marami ang nagsisimbang gabi tuwing madaling araw, hallerrrr!!!
Ang nabunot ko pala sa exchange gift namin ay si Tom. Pangatlong beses na namin 'tong nagbubunutan dahil hindi kami makumple-kumpleto at marami na kaagad ang nawala sa team namin. Si Joyce ay nalipat na sa inbound support namin, si Tom naman ay sa Dialer Team, si Che naman ay napilitang mag-resign kaysa naman ma-terminate siya, tapos yung isang newbie na si Julius ay hindi na nagpapasok. Final na talaga 'to. Si Tom na ang bibilihan ko ng gift. Ang wish lang naman n'ya ay Superman na DVD kaya naman hindi na ako mahihirapan, buti na lang! Sino naman kaya ang nakabunot sa akin???
Grabe, nakita ko kanina si Manny Pacquiao saka yung impersonator n'ya. Nag-guest 'ata siya sa Wowowee. Sobrang big time na siya dahil sobrang daming nakapalibot sa kanyang mga bodyguard. Pinagkaguluhan pa siya sa labas ng ABS-CBN kanina, wala lang, na-share ko lang. O sha, buhbye na!