Friday, December 22, 2006

Pukengkeng!


Magandang hapon po sa inyong lahat mga friends!
Kakagaling ko lang ng ABS-CBN dahil nag-Janero muna kami bago umuwi. After ng shift, kumain kami nina Father Alvin at Bernice sa Tokai at habang kumakain kami, nag-text si Mommy Ana at pinapasunod kami sa Janero. Wala na kaming choice kung hindi sumunod dahil wala rin naman kaming gagawin. It's Friday at wala na kaming pasok later although kailangan namin mag-overtime pero okay lang kahit anong oras kami pumasok. Actually, nung time na nag-text sa akin si Mommy Ana, nag-text din sa akin si Red dahil nanghihiram pala siya ng digicam at nakalimutan kong dalahin last night. Speaking of last night, dito pala natulog si Bernice kahit wala siyang dalang pamalit na damit. Pinahiram ko na lang siya ng pink na polo shirt ko at pinahiram ko na rin siya ng brief na parang panty ang style kaya naman walang nakahalata sa kanyang outfit today.

Going back sa Janero, ang mga nadatnan namin doon bukod kay Mommy Ana ay sina Rye, Kuya Ed at Wil. Puro tungkol sa opisina ang pinag-uusapan. Halos karamihan ay tungkol kay Pukengkeng, pero siyempre, I'm not allowed to disclose any information online because it may be used against us for some purposes, etchoz!!! Si Pukengkeng ay isa sa mga tao sa office na may mataas na position. Hindi ko alam kung siya ay 'he' or 'she'. Anyways, mas paborable ang 'she' sa kanya. She's one of the most hated and one of the funniest at the same time.

Three days to go, Christmas na! Sa wakas ay malapit nang matapos yung pagre-repair ng daan dito sa harap namin. Grabe naman kasi, kung kelan malapit na ang Pasko saka nila naisipang ayusin yung mga kalye dito. Hindi ba nila iniisip na may simabahan sa tapat namin at marami ang nagsisimbang gabi tuwing madaling araw, hallerrrr!!!
Ang nabunot ko pala sa exchange gift namin ay si Tom. Pangatlong beses na namin 'tong nagbubunutan dahil hindi kami makumple-kumpleto at marami na kaagad ang nawala sa team namin. Si Joyce ay nalipat na sa inbound support namin, si Tom naman ay sa Dialer Team, si Che naman ay napilitang mag-resign kaysa naman ma-terminate siya, tapos yung isang newbie na si Julius ay hindi na nagpapasok. Final na talaga 'to. Si Tom na ang bibilihan ko ng gift. Ang wish lang naman n'ya ay Superman na DVD kaya naman hindi na ako mahihirapan, buti na lang! Sino naman kaya ang nakabunot sa akin???
Grabe, nakita ko kanina si Manny Pacquiao saka yung impersonator n'ya. Nag-guest 'ata siya sa Wowowee. Sobrang big time na siya dahil sobrang daming nakapalibot sa kanyang mga bodyguard. Pinagkaguluhan pa siya sa labas ng ABS-CBN kanina, wala lang, na-share ko lang. O sha, buhbye na!

Wednesday, December 13, 2006

Happy Birthday Tin & Bernice!


Happy happy birthday sa mga friends kong sina Tin at Bernice!!! Ang tatanda n'yo na! Etchozzz!!!

Tin has just turned 32 today, etchozzz!!! Joke, joke, joke lang yun. Actually, 24 na s'ya. Parehas kaming year of the dog, isama na rin naten si Red. Si Bernice naman ay 22 na 'ata, I'm not sure. Ang wish ko lang sa kanila ay sana, magkaroon na sila ng isang masayang lovelife! Obviously, parehas naman silang healthy kaya no more wishing of good health. Basta, sana maging masaya sila sa araw na 'to, huwag lang sanang kalimutan ni Tin ang blowout n'ya sa amin, ok???
Ano nga ba ang mga nagiging kaganapan these days? Kahapon nagpagupit ako, ang kapal-kapal na kasi ng hair ko. Kanina naman sa work, ang saya-saya dahil walang katawag-tawag na pumapasok sa dialer namin. Naka-isang EP lang ako at justifiable naman yun dahil halos 3-4 minutes ang pasok ng call sa amin.


Medyo busy-busyhan ako hanggang Sunday. Tomorrow, ihahatid namin ang Papa ko sa airport dahil bukas na ang alis n'ya kaya naman mamaya, maaga akong papasok para makapag-out ako ng 6AM, tapos kailangan kong bumalik ng 12 ng tanghali dahil Christmas party ng buong collections group sa may Ratsy's sa Timog. Sa Friday, hindi pa ako sure kung sasama ako sa reunion ng mga highschool friends ko. Sa Saturday, Christmas party naman with my college friends. Sa Sunday, Christmas party ng ABS-CBNi at kailangan ko pang gumawa ng video presentation. Haaaayyy, busy-busyhan talaga! Goodluck!!!

Sunday, December 10, 2006

Tagaytay

Haller!!! Good evening!

Ang sarap ng tulog ko kanina pero gusto ko pa ulit matulog dahil hindi ko pa nababawi yung mga nawalang tulog ko kahapon. More than 24 hours akong walang tulog dahil kahapon, after kong mag-overtime, umuwi lang ako ng bahay tapos sinundo na rin ako ng Papa ko sa bahay kasama ang stepmom ko saka si Mico dahil pumunta kami ng Tagaytay. Kasama namin yung Lola at mga tita ko from Makati. Nagpunta kami ng Picnic Grove para mag-horse back riding yung mga kids na kasama namin then kumain kami sa Teriyaki Boy doon sa may area na kita yung Taal Volcano. Bumili din kami ng Poinsettia plant sa tabi-tabi. Kulay green pa yung dahon ng binili namin dahil sobrang mahal yung may red na dahon. Imagine, P250 yung isang paso nung Poinsettia na kulay red yung dahon tapos P50 lang yung hindi pa pula. Sabi naman nung nagtitinda, anytime soon pupula na yung dahon dahil December na kaya yun na lang ang binili namin, hallerrrr. Grabe ang temperature sa Tagaytay, sobrang lamig. Bukod sa napakalakas ng hangin, may kasama pa siyang ambon. Pupunta din kami dapat sa isa sa mga kumbento sa Tagaytay kaya lang hindi na natuloy dahil wala na kaming oras.

Naka-uwi na kami around 7PM dahil sobrang dami ng sasakyan palabas ng South Luzon Expressway tapos another traffic na naman sa EDSA. Hindi na ako natulog dahil nag-commit ako ng overtime hours mismo kay Sir Nathan. Pumunta ako ng ABS-CBN around 8PM at nakipagkita muna ako sa mga friends kong sina Tin, Jay, Red at Victor. Galing sila ng Sunken Garden and to end that day, nag-Starbucks sila sa may Loop. Hindi ako nakapag-stay nang matagal dahil bigla akong nakita ni Sir Nathan kaya naman, imbes na magpa-late ng isang oras sa overtime, napilitan akong pumasok nang maaga, hmmmmph!!!

In fairness, sinuwerte talaga ako sa overtime ko last night. Naka-tatlong EP ako at ang total ng balance na na-move ko for the day ay $3,700. This is the best so far among my overtime shifts. Sa ngayon, nakaka-catch up na ako sa quota na $22,500. Ang saya-saya kaya naman umuwi ako ng 6AM with a big smile on my face! Etchozzz!!! Iniwanan ko na yung mga ka-team ko na nag-overtime din. Kanina pala, pagkagising ko, naabutan ko pa ang The Buzz. Ikinasal na si Nene Tamayo, yung big winner sa Pinoy Big Brother Season 1. Napangasawa raw n'ya yung naging partner n'ya sa U Can Dance, I'm not sure kung 'yun nga dahil sinabi lang sa akin ni Ate Fanny. Grabe naman yun, sayang naman. Baka lalo siyang mawalan ng career n'yan. Anyway, goodluck na lang sa kanya. Just a small dose of chismis.

Monday, December 04, 2006

Chuck Taylor In "I, Robot"

Magandang hapon po sa inyong lahat mga friends!!!
Tungkol sa work, tumaas na naman ang goal namin for the month of December. Kung nung first month ay $6,000 at nung second month ay $18,000, ngayong third month naman ay $22,500. Pataas nang pataas ang goal namin, kumusta naman??? Kanina nga isang EP lang ang nakuha ko at $200 lang siya, ang required sa amin pe day ay at least $1,100. Goodluck na lang talaga sa akin for this month.

Pagkatapos ko sa work, nagpunta ako ng mall para bumili ng shoes. Bumili ako ng black leather na Chuck Taylor, yung katulad ng ginamit ni Will Smith sa i-Robot. Sobrang simple lang ng design n'ya, usual Chuck Taylor pero ang gusto ko lang kasi ay leather siya. Pagkatapos kong bumili 'nun, nagpa-facial ako dahil unti-unti nang naglilitawan ang mga pimples ko at hindi ko na sila mapigilan.

Ngayon, ang ginagawa ko ay nagda-download ng mga kanta nina Robbie Williams, George Michael, Jessica Simpson, Lisa Stansfield, Coolio and En Vogue. Masarap pa rin pakinggan yung mga songs na madalas mong napapakinggan dati na bihira nang i-play ngayon dahil ang madalas kong napapakinggan ngayon ay Hawak Kamay saka Boom Tarat Tarat!!!

Sunday, December 03, 2006

Casino Royale

Oh my goodness!!! Kumusta naman??? It's a lazy Sunday afternoon. Walang magawa kaya naman post na lang ako sa blog.

Kahapon, umalis ako kasama ang mga forumers. Bago yun, pumunta muna dito si Red para magsabay na kami papuntang Megamall. As usual, late na naman kami, eh paano naman kasi, yung taxi na sinakyan namin, idinaan na naman kami sa kung saan-saan. Sana nag-EDSA na lang talaga kami. Twice na nangyayari 'to na laging nagmamarunong yung driver. If I know, dinadaan lang nila kami sa mga kaloob-looban na daanan para lumaki yung metro namin. Kakaasar talaga, hmmmmph!!!

Anyways, nagkita-kita kami sa Starbucks sa may Megastrip. Marami-rami din kami this time. Nandoon sina Len, Terence, Victor, Camilo, Jay, Nos, Ate B and pa-surprise din si Ahl at Jonathan a.k.a. Cutie. First time namin nakita si Cutie kaya naman medyo nakakaaliw dahil isa siya sa pinakanakakatawa at pinaka-manyak sa forum! May asawa na pala ang loko kaya naman hindi na siya masyadong nagtagal pero nag-promise naman siya na sasama siya sa mga lakad namin in the future. Si Ahl naman, hindi rin nagtagal dahil kasama n'ya yung baby n'ya. Sa December 7 na ang alis n'ya kaya I'm sure na matatagalan bago namin ulit siya makita.

After namin sa Starbucks, kumain kami sa Yellow Cab. 18 inches na New York's finest ang kinain namin kaya naman sobrang nabusog din ako. Nung naubos na yung pizza, dumating si Yeoj. Co-worker namin nina Ate B at Red si Yeoj sa TFC dati. Naging active din siya sa forum during migration period.

Pagkatapos namin sa Yellow Cab, nanood na kami ng Casino Royale. Sa totoo lang, hindi ako masyadong mahilig sa mga action movies pero this time, medyo nagustuhan ko siya. Ang ganda ng mga fight at chase scenes sa movie. Sobrang hot nung actor na si Daniel Craig. Ang gaganda rin ng mga location kaya naman hindi siya boring panoorin. Ang ayoko lang sa movie ay yung torture scene. Grabeeee, wala lang! Basta, panalo 'tong movie na 'to. It's a must see.

Habang nasa kalagitnaan ng movie, biglang nagdrop by 'tong si Tin. Kasama n'ya ang kanyang sister na si Julia. Di hamak na mas maganda si Julia compare kay Tin, charozzzz!!! Sayang at hindi siya nakasama sa amin kahapon. Ang dami n'yang na-miss, as in!

Ang pinakahuli naming pinuntahan ay ang Metrowalk. We're supposed to drink beer pero hindi na natuloy yun. Imbes na mag-inuman, kumain na lang kami ng mga frozen delight sa Iceberg. Nag-uwian na kami after sa Iceberg, hindi na natuloy ang inuman, kahit anong pilit pa ni Yeoj.

Sina Red at Jay ay tumuloy muna dito sa bahay para magpahing and of course, i-upload yung mga pictures namin that day. Nakipag-chat lang si Red kay Tin at kay Kengkay habang kaming dalawa ni Jay ay natulog nang mahimbing. Thanks nga pala kay Kengkay dahil ginawaan n'ya ako ng theme para sa Multiply. Ang ganda-ganda talaga dahil nandoon ang mga pictures ko, etchoz!!! Ang galing-galing talaga nitong si Kengkay.

Hanggang dito na lang muna dahil medyo sumasakit na ang mga daliri ko sa kaka-type. Medyo luma na 'ata 'tong keyboard ko, kailangan nang palitan. Ciao!!!

Thursday, November 30, 2006

Tapos Ko Na Ang $18,000

Kumusta naman?

Hay nako, sa wakas at na-reach ko na rin ang goal ko!!! I congratulate myself!!! Hindi ko na kailangan pang mag-alala dahil may lagpas na ako sa quota. Ang kailangan na lang humabol sa team namin ay sina Che, Ed at Zem. Nakakainis yung iba kong ka-team na ayaw mag-share ng mga EP's nila sa mga kailangan pang humabol sa goal. Ako nga, binigyan ko na si Zem at Kuya Ed kahit hindi naman ganoon kataas yung total balance na na-move ko. Sana lang bukas ay maka-abot man lang sina Che at Ed sa 75% ng quota. Si Zem ay safe na rin kahit paano dahil $600 ang kulang n'ya.

Kung mapapansin n'yo sa blog ko, halos lahat work related. Ewan ko nga ba??? Hindi naman dahil sa workaholic ako, kailangan ko lang talagang pumasok lagi para lang d'yan sa mga goals na yan. Feeling ko nga ay wala na akong social life dahil ang buhay ko everyday ay trabaho at bahay lang. Bihira na akong makalabas, hindi na rin ako makanood ng TV. Dati halos every rest day ko ay lumalabas ako. Last week 'ata ay talagang nag-concentrate lang ako sa work. This coming December tataas na naman ang goal na ibibigay sa amin. Malamang nasa $20,000 plus na ang goal namin. Haaaay, wish ko lang!

Walang pasok ngayon ang mga estudyante of all levels saka yung ibang establishments dahil may paparating na namang bagyo. Grabe naman, ang haba ng bakasyon nila! Buti pa sila ay may pahinga, samantalang kami, umulan, lumindol, bumagyo, mag-snow, kailangan pumasok. It's sooooo unfair!!! Etchoza!!!

Wednesday, November 29, 2006

Six Dollars More To Hit My Goal!

I'm sooo sooo lucky! I should be so lucky like Kylie Minogue!!! Mukhang hindi na ako mabibigyan ng PDP dahil habang nalalapit ang pagtatapos ng November, paganda nang paganda ang peformance ko! Kanina lang, naka-apat na EP ako tapos ang lalaki pa ng mga balance na na-move ko. Naka-isang $2,000 plus ako na Walmart Flip tapos, yung isang $2,000 plus ay binigay sa akin ni Wil. Sobrang thankful talaga ako kay Wil dahil sobrang hirap hanapin ng mga malalaking balance lalo na ngayon at malapit nang matapos ang buwan. Haaay grabe, salamat talaga at mukhang tatagal pa ako sa GE Collections. So far, marami na rin akong natututunan na strategies sa pag-collect at paghanap ng right party. May dalawang araw pa para makakolekta ako. Ang kulang ko na lang ngayon ay $6 out of $18,000 na quota. Ang total balance moved sa encoder ko ay $17,994.04.

Hay nako, I'm sure na hindi naman kayo masyadong makaka-relate sa pinagdadaanan ko ngayon kaya naman maiba tayo. This coming December, napakaraming nag-aabang na events para sa akin. Sobrang puno ng Christmas parties ang calendar ko! December 14 ang Christmas party ng Collections sa RMH. Sa Ratsky's Morato yung venue at hallerrrr, yung oras ng party ay alas dose ng tanghali, katirikan ng araw at nakakaantok ang oras, san ka pa??? Sa December 16 naman ay may Christmas party kami ng mga classmates ko nung college, MG4B Reunion ito! Gaganapin ang party sa house nina Carlo Lantin as usual. Grabe, miss ko na rin 'tong mga mokong at EP girls na 'to! December 17 naman, Christmas party ng ABS-CBNi sa isang bar sa Ortigas, I'm not sure kung saan pero in fairness, sosyal na this time dahil last na party na ito ng mga taga-ABS.Well, yung ibang events, to follow na lang yun. Lastly, isa sa mga pinaka-importanteng araw ay ang birthday ni Tin, December 13. Grabe, malapit nang mag-"34" si Tin! Hindi ko pa alam kung kelan n'ya gagawin yun pero if ever na may masasagasaang araw yun sa schedule ko, bahala na si Batman!

O sha, byers na at pagod na ang aking mga kamay! Ciao!!!